Part 4

7 2 0
                                    

"Hoy jonas!! Gising na may pasok ka!!" Sabi ni nanay sa akin habang pinapalo niya yung mga kamay niya sa may balikat ko

"Aray! Oh gising na ako basta lumabas ka na sa kwarto ko"

" hoy nakalimutan mo ba na share tayo ng kwarto?! Hindi tayo mayaman kaya ikaw yung umalis at maghanda ka na para sa pasok mo!"

Ang sungit naman ni nanay

"Chill lang nay baka ma stress kayo"
Tumayo ako at tinaas ko ang dalawang kamay ko " oh buhay pa ako oh? Pa..pun..ta.. Na.. Ako..sa..banyo"

Natawa si nanay sa jowke ko hehe ako nga din ehh

Ang cute kaya ni nanay magsmile tignan mo walang ngipin nga oh.. Hahaha joke lang hhehe

Mabilis akong naligo at ginawa ang lahat para sa paghanda ko sa pasukan kasi kailangan perfect pag may love life ayiee..

"Nay hindi na muna ako kakain kasi busog pa ako okiee"

"Ano naman kinain mo? Nabusog ka sa laway mo habang natutulog?! Haha jowke.. Ahh sige bumili ka nalang ha? bahala na kung maubos yung pera mo basta kumain ka ng marami ha?"

"Oo na bye na kakain talaga ako okiee? Mwahh mwahh chupp chupp"
Aysus may pakiss kiss effect pa Oa naman nito basta mahalagi si nanay sa buhay ko kaya hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko..

Suss drama pa more.. Pero nakakaiyak din naman ehh..

Dumiretso ako sa eskwelahan at syempre I looked at rolando for a while sa malayo pero hindi niya ako nakikita..

"Shay!" Ha?? Sino si sha-- napatigil ako sa nasabi ko dahil sa nakita ko..

" babe saan ang room mo dyan o dyan?"

Tumigil ang mundo ko sa nakita ko.. B-babe? Anong sinasabi niya totoo o jowke lang? Naguguluhan na ako..

Sa nakita ko hindi ko napigilan na lumuha ng konte..

(Breathe in jonas)
(Breathe out)

Hindi ko pa rin kaya ehh kahit hindi kami ni rolando nasasaktan pa rin ako.. Kahit ilang beses na ako nabigo at nasaktan dahil sa pagmamahal wala pa rin akong naisip kundi "walang nagmamahal sa akin".. Ano ba ang wala sa akin na meron sila? Dahil pa ba na pareho kaming lalaki? O talagang pangit ako.. Kahit na basta masakit ehh ang sakit sakit

Inalis ko na ang mga luhang tumutulo at dumiretso ako sa classroom..nakita ko si Jenel..
"Uyy nandito ka na pala jonas" umupo ka na.. " ahh dun muna ako sa basta..may puntahan lang ako"

Bad mood ko na talaga wala akong gana sa lahat nang gagawin ko.. Hmmphh..

Tumulo uli ang luha ko habang nasa canteen ako bilis kong inalis kasi baka may makakita sa akin..

Pagkatapos nang skul agad akong umuwi dahil sa walang ganang mag hang out sa mga kaklase.

"Anak andito ka na pala halika tamang tama hapunan muna tayo"

Hindi ko na pinansin si nanay kahit gustong gusto ko nang sabihin sa kanya ang problema ko..

"Hayy lovelife naman nasasaktan paulit ulit lang" hindi ko siya narinig kahit alam na alam na niya ang emosyon ko kasi palagi akong ganito pero iba na to parang mas nasaktan ako kaysa sa ibang pagmamahal na nararanasan ko..

Pumasok na ako sa kwarto at umiiyak habang may unan sa mukha ko

*knockx4*

"Bu-bukas ang pinto nay"binuksan niya ang pinto at lumapit sa akin.

"Anak alam kong nasasaktan ka uli at ayaw kong nakikita kang ganyan kasi mahal kita anak.. Palagi ka lang nagiisip na walng nagmamahal sayo pero nagkakamali ka mahal kita pati na si Jenel at syempre ang tatay mo kasi ikaw, espesyal ka sa mga mata namin .. You are unique at your different from other people.. Ikaw, anak kita at ayaw kong nasasaktan kita okay?"

Woww natouch ako dun di bale baka
joke lang yung babe babe na yun

Pero paano kung.. Totoo?!

Wala akong karapatang magmahal sa lalaking ayaw sa akin kaya hindi lang muna ako masasaktan sa mga sasabihin nila..

Once upon a timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon