Chapter 3
My POV
*kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
Nagising nalang ako sa alarm clock ko. Ang lakas! Gising ka agad eh. Bat kaya ngayon ko lang yon narealize. Tsk tsk..
Bumangon na ako baka malate nanaman ako.
Nag-ayos na muna ako ng sarili ko matapos kong maligo. Simple lang naman yung ayos ko kasi baka naman akong magmukhang clown. Polbo polbo lang sabay lagay ng lipbalm. Lipbalm lang kasi ayaw ko ng lipstick dahil baka magmukha naman akong flappy bird at siyempre ayaw ko nun. Nagsuklay rin ako kasi magmumukha akong baliw kung papasok ako ng school na gulo-gulo ang buhok. At baka makita pa ni Patrick na mukha akong baliw. Baka ma-offend yun at lalo pa akong di pansinin.
So pagtapos ko ayusan ang sarili ko bumaba na ako. Naghihintay na ata si Kuya at as usual naghahanda siya ng breakfast namin. Binati ko agad si Kuya.
"Good Morning Kuya" sabay beso sa kanya.
"Good morning din my little princess" Kuya
"Aww how sweet of you naman Kuya" ako
"Oww~ How so conyo mo naman" pang-aasar niya sa akin.
Tignan mo! Binati ko na nga nang-asar pa. Grabe naman toh.
"Psh! Kain na nga lang ako! Hmp!" Sabay irap sa kanya. Kabadtrip eh. Kahit mabait ako marunong parin naman akong mabadtrip at umirap.
"Hahaha. Okay sorry na!" Kuya
"Geh." Ako
At tuluyan na kaming kumain ng breakfast. Umalis na agad ako pagtapos ko kumain.
Habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep bigla ko nanamang naalala yung lalaking nagbalik ng panyo ko kahapon. Sino kaya yun? Pogi kaya? Hahahahaha de joke lang loyal ako sa Patrick my labs ko.
Pero curious pa din ako. Ba naman tinanong ko kung anong pangalan di naman ako pinansin. Haay. Nang matapos na akong makipag usap sa sarili ko sa utak ko dun ko lang narealize na nasa sakayan na pala ako at malapit ng lumagpas. Haayysst.
Pagdating ko sa school, as usual magulo madaming pumapasok. Dumiretso muna ako sa cafeteria. Ayaw ko pa pumuntang room tutal di pa naman ako late.
Matapos kong tumambay ng cafeteria ng mga 5 minutes, bumalik na ako ng room. La eh boring sa cafeteria. Pagbalik ko sa room ayun sila nag iingay. Di ko alam kung nakapasok na ba si Abby.
Hinanap ko siya gamit ang mata ko. (Malamang mata alangan namang ilong). So ayun na nga hinanap ko si Abby gamit ang MATA at hindi ILONG. Nung tumingin naman ako sa upuan niya wala siya pero andun yung mga gamit niya.
Anubayan san kaya nagpunta yung baliw kong best friend? Nilagay ko muna yung gamit ko sa upuan ko bago lumabas uli. Baka kasi mahagilap siya ng MATA ko (at hindi ang ILONG ko). Pero ni anino niya di ko makita kaya pumasok nalang ako sa room at umupo sa armchair ko.
Pagka-upong pagka-upo ko...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ay poshang kalabaw!!!" Bigla akong napatayo!
"OA ah. Kinalabit lang eh. Kung magulat kala mo walang bukas." Kat
"Lam mo? Ang hilig niyo lahat akong gulatin." sarcastic kong sabi
"Di naman namin kasalanan kung magugulatin ka." Siya
"Oo na oo na. Ano bang kaailangan mo sa akin?" May inis na sabi ko
"Gusto ko lang malaman mo na yung bestfriend mo na si Abbigail Lim ay nakikipag talo sa super duper mega ultimate pogi na si Darryl Park ngayon doon sa tapat ng library!" Mahabang at tuloy tuloy na sabi niya sa akin. Hinahabol niya nga yung hininga niya pagtapos niya sabihin yun.
"Ano?!" Gulat na gulat kong sabi.
Napakamot naman siya sa batok niya at magsasalita na sana sa pagaakalang di ko siya naintindihan.
"Ang sabi ko-" bigla kong pinutol yung sasabihin niya.
"Hindi OK nah. Tapat ng library right?" Ako
"Ah oo." Siya
"Sige thanks!" sabay takbo ko palabas ng room. Kailangan ko nang pumunta dun. Baka sugurin si Abby ng mga fan girls ni Darryl. Sa pagkakaalam ko pa naman sikat yun sa lahat ng girls.
"Hoy ikaw di ka pa nga nakakapag sorry sa akin nung binunggo mo ako tapos ngayon tatapunan mo naman ako ng juice at di pa rin magsosorry?!!" Rinig kong sigaw ni Abby. Grabe ang lakas ng pagkakasigaw ni Abby. Kailangan ko na talaga yun awatin.
Pagdating ko dun daming nagkukumpulang mga estudyante. Dami talagang chismoso't chismosa ngayon. Mapalalaki at mapababae walang awat. Sumiksik ako ng sumiksik hanggang makapunta sa unhan.
Ayun nakita ko si Abby na basang basa dahil natapunan nga siya ng juice. Nilapitan ko agad siya at nakigulo sa pagaaway nila.
"Abby! Bakit ba kayo nag aaway?" Ako
"Eh kasi itong kupal na 'to akala mo kung sino. Tinapunan ako ng tapos ayaw mag sorry?! Tama ba yun?!" Nanggagalaiti niyang paliwanag.
"Okay okay ako nang bahala" malumanay kong sabi ito na magmamaldita na ako! Yey! *harap kay Darryl ng nakangiti* "ikaw naman (Nag pause ako saglit) hindi porket saksakan ka ng gawapo exempted ka na para magsorry sa best friend ko. Eh kung pinapaslang kaya kita para maging masaya ako? Gusto mo?" Pasweet kong sabi sa kanya na may kasamang pananakot. Pero ang totoo sa loob looban ko natatakot na din ako.
"Excuse me Miss whatever-your-name-is, ma-" pinutol ko yung sasabihin niya.
"Shanara yurika ang pangalan ko at hindi 'what-ever-your-name-is', okay?" Pasweet na may pagkainis kong saad.
"Edi... Excuse me miss shanara, una bakit naman ako magsosorry sa kanya kung siya naman talaga ang may kasalanan. Pangalawa di mo ako pwedeng patayin kasi masasayang ang lahi ko." Saad niya.
Nakooooo! Pinapa-init ng isang to ang ulo ko. grabe. Baka hindi ako makapagpigil at masapak ko 'to.
Hinila ko agad si Abby, "Abby umalais nalang tayo, sa susunod nalang natin to patulan."
Nagulat si Abby dahil sa sinabi ko. Alam niya kasing pagnagmaldita ako di ako nagba-back out. Medyo naging famous ako dahil dun hahaha :)
Pero bigla akong nagback out sa isang Darryl Park? Simple lang kung bakit ako nagback out, malamang sa malamang naman kasi susugurin ako ng mga fans nun. Sa dami nun malamang matatakot ako.
So back to the real world, hinila ko lang ng hinila si Abby pabalik ng room di naman kasi siya nagrereklamo. Pagbalik namin sa room tahimik silang lahat na nakatingin sa amin ni Abby. Naconcious naman daw ako dun kaya nagtanong na ako.
"Ahm.. Bakit? Ano problema?" Ako. At on cue sabay-sabay silang nag-iwas ng tingin.
Huh? Problema ng mga to?
BINABASA MO ANG
Sana Totoo Na Lang Lahat
Fiksi RemajaThis is a story about a girl who is always imagining and she wishes that her imaginations will do come true.