Introduction

14 0 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, place of events, and incidents are a product of the author's imagination. Any resemblance to a person living or dead, is purely coincidental.

Copyright © 2020 by julliaaenii

All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form without written permission from the publisher.

Plagiarism is a crime punishable by law.
















"Julieeeeeeee! Halika na at baka mahuli pa tayo,"

Hindi siya pinakinggan ng kaibigan niya dahil busy pa itong sumilay sa malayo. Napa-buntong hininga pa ito at hinawakan ang braso para sumama na sa kaniya. Matatapos na ang break time at baka mahuli pa sila sa susunod na klase kaya nagmamadali ang best friend ni Julie. Ang iba nilang kaibigan nauna na sa kanila dahil magre-review pa sila sa

"Mauna ka na. May sinisilayan pa ako,"
agad namang binitawan ni Nikky si Julie at tinignan ang sinisilayan ng best friend niya. Agad naman siyang nasaktan para sa kaibigan niya. Napabuntong hininga ulit ito at umiling iling.

Napaka-martir talaga

Iyon ang nasa isip ng kaibigan ni Julie.

"Tara na. Never ka naman niyan mapapansin. Saka... alam naman nating m.u sila, eh. Huwag ka na umasa, masasaktan ka lang,"

Totoo ang sinabi ni Nikky. Nasasaktan na nga siya. Pero hindi niya alam kung bakit ayaw mawala ang feelings nito sa lalaking sinisilayan niya.

Bumuntong hininga na lang siya at hinarap na ang kaibigan. Nakangiti ito kay Julie pero alam niyang pilit lang iyon.

"Juuuls!" sabay napatingin ang magkaibigan sa matangkad na lalaking paparating. Muntik pang mahulog ang salamin nito na nakasabit sa uniform.

Hingal na hingal ito ng tumigil sa harap ng magkaibigan. Kinuha ang panyo sa bulsa at nagpunas ito ng pawis.

"Oh? Anu kailangan mo? Pabalik ba kami ng room," masungit na tugon ni Julie sa best friend niyang lalaki. Napatingin sa ibang direksyon si Nikky at nagpipigil ng tawa. Kinikilig siya sa mag best friend at napaisip kung bakit hindi na lang sila ang magkatuluyan.

"Sungit naman. Meron ka? Tara naaa! Review tayo. Wala daw si sir at may meeting lahat ng teachers ngayon sa faculty,"

Nakangiti na ngayon ang kaibigan kaya makikita ang pagkasingkit ng mata. Kung may "eye smile princess", siya naman ang prince.

"Weh? Yuuun! Taraaa at puro quiz tayo ngayong araw na ito. Pinlano ata nila na sabay sabay para sumakit ulo nating mga students. Tsk tsk. Jhames, ikaw na bahala diyan. Ayaw sumunod sa akin," napailing iling pa si Nikky at nagsimula ng maglakad.

"Tara, Juls. Para sabay sabay tayo mag review ng barkada,"

Muling tumingin si Julie sa kung saan sinisilip niya ang lalaking nagugustuhan niya. Nandun pa din ang magka m.u at naghaharutan.

Bawal PDA dito, oy.

Tinignan din ni Jhames ang tinitignan ni Julie. Agad niyang na-realize kung sino tinitignan niya at may kung anong kumirot sa puso nito. Hindi na lang niya ito pinansan at sa halip, inakbayan na lang ang kaibigan at hinawakan ang ulo para iharap sa hallway. Nagreklamo pa si Julie dahil muntik pang mabalian ng ulo.

"OA mo naman, Juls,"

- 3-

Nagpout pa ang kaibigan nito kaya nagmukha siyang bakla.

"Tsk. Oo na. Tara na," nagsimula na silang maglakad at nagsimula na ding asarin ni Jhames si Julie dahil gustong gusto nitong makita na naasar.

Habang naghaharutan ang dalawa sa may malawak na garden ng school, napatingin naman sa hallway ang lalaki kung saan makikita sila Jhames at Julie na magkasabay na naglalakad.

"Sean? Are you even listening?" agad siyang napatingin sa babaeng pangalan ay Hershey.

"Ahhh... Oo," nahihiya siyang ngumiti kay Hershey dahil sa asal na pinakita nito sa kaniya.

^__^"

"You may start your class tomorrow, Miss Fagar," sabi ng principal sa bagong transferee student.

"Thank you, sir," nag-bow na ito at naglakad na palabas ng principals office.

Pagkalabas niya, agad siyang ngumiti... ngiti na parang may binabalak na hindi maganda.

"I can't wait to avenge my mother. It's your turn to feel this pain, Julie,"

Pagkatapos niyang banggitin non, nagsimula na siyang maglakad palabas ng school.

-----------------------------------------------------------------------------

Will You Fall With Me? [On-hold] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon