Babalik ka pa ba , o isusuko mo na ang labang ating nasimulan?
Yan ang dalawang tanong na gumagambala saking isipan,
Yan ang dalawang tanong na natatakot akong malaman kung ano man ang iyong maging kasagutan .
Hindi ko na alam kung saan pa ba ako lulugar ,Kung ano ba ang dapat kong gawin,
Maibalik ko lang ang kung anong meron satin.Dalawang malilinaw na tanong
Kaakibat ay dalawang malalabong sagot,Malinaw kong nararamdaman,
Napakalabong maintindihan,
Ang paunti unti mong paglisan.Sa kabila ng mga bagay bagay na saating dalawa'y namamagitan,
Ngayon mo pa ba maiisipang isuko ang laban?
Takot ba ang naging dahilan ?Hindi ko gustong itigil ang kung anong meron tayo hindi ko gustong tapusin to,
Parehas lang naman tayong nasasaktan, naguguluhan at nahihirapan,
Napapaisip kung dapat pa ba nating ituloy ang nasimulang laban.Baka pwede naman nating ipagpaliban muna ang sakit na nararamdaman upang ikaw ay ulit ko nang mahagkan?
Hindi ko gustong ikaw ay mawala mas lalong di ko gustong tuluyan kang masira,
Gumagambala ba sayong isipan,
Kung dapat pa ba nating ipagpatuloy ang naboong nating pagmamahalan ?
Kahit na alam nating hindi ito ang tama sa mata ng karamihan?
Mas pipiliin mo ba silang pakinggan?Mali ba ang mahalin kita ?
O sadyang ang kasarian ko ang problema?Pero heto pa rin ako patuloy na lumalaban,
Nasa panig na ako ng mga talunan kasi ayaw kitamg sukuan,
Na kahit alam kong sa dulo'y ako'y uuwi lamang na sugatan,
Nandito lang ako, naghihintay na iyong balikan .
YOU ARE READING
RANDOM POEMS
Poetryheeeeeya, so these are my creations tagalog, bisaya and english hooope you guys like it hehehe ✨❤