Naglalakad kami ni Myca sa tapat ng bahay nila papunta sa loob. Malamang. Alangan naman na papunta kami sa paaralan. Hay naku.
"Aaahhh!" ARAAAYY!! An' sakit ng sigaw nitong babaeng to lalo na't antaas-taas pa naman ng boses. Parang nasa Puerto Princesa Underground River (divah! Complete name pa talaga) na parang may mga paniking dumadaan sa taas ng ulo niyo.
"Ano vah!" With matching tone of voice and gestures. Ganito kasi kami... maarte. Pero hindi masyadong maarte na katulad sa inyo. Che!
"Eh kasi naman. Urgh! Tara na nga." Tapos lumakad na ulit kami. Sniff sniff. Ano yun? Ambaho... Parang tae ng aso. Tinignan ko yung beautiful shoes ko... wala naman. Tingin naman sa sapatos ni Myca...
"Kyaaaah!!" Ako naman ang sumigaw ng masingkit. "Yucks Myca! Naka-apak ka ng tae ng aso. Or should I say, tae mo! Aahhh! Eeww!"
"Kung makasigaw ka naman. Eh ikaw, yang kamay mo, anraming kalyo, mas malala ka pa kaysa sa pulubi diyan sa kanto! Ahahahaha!" Tawa siya ng tawa. Ah ganun pala ah.
"Mas mabuti ng ganung maraming kalyo. Kaysa sa mabahong tae na naapakan mo! Ahahaha." Ako naman ang tumatawa ngayon. Tingin ko nainis siya kasi nagwalkout. Ako naman, sumunod din sa kanya na papuntang bahay nila.
Ako nga pala si Charlene Valdez. 19 years old. Yung kasama ko kanina? Si Myca Quiming. Bestfriend ko siya kaya kahit anong bangayan namin, hindi kami nagaaway.
Nang nakapasok na kami, dumiretso si Myca sa banyo upang maghugas ng kanyang paa na maraming germs. Ako naman sa salas upang manuod ng TV nila. Habang nanunuod ako, biglang...
"Kyaaaah." Biglang sumigaw yung yaya nila na si Kimberly. "Kyaah!" Sigaw siya ng sigaw. Bakit, uso ba ngayon ang pagsisigaw? Ano ba ngayon? World's Sigaw Shout day? Na nagsisigawan lahat ng tao o palakasan lang ng sigaw? Nakakasakit sa tenga.
Pinuntahan ko na ang yaya nila sa kusina.
"Huy!" Sigaw ko. "Bakit? May artista ba na sumisigaw ka? Kumakain ka siguro ng Magic Flakes kaya nakita mo John Lloyd Cruz?" Tanong ko naman. Kasi kung makasigaw, parang nakakita ng artista.
"M-may... may... may-- "
"Ano ba! 'May' ka nang 'may' diyan. Ano ba kasi yu--" hindi rin natuloy ang sinabi ko kasi nakita ko yung...
"Kyaaah! Alisin niyo yang panget na nilalang diyan dito. Aaaahhh!"
"Ano ba ma'am. Ikaw naman pa la ang ganyan kung makasigaw."
"Ay sorry. Alisin niyo na ya-- Aaaahhh! Tulungan niyo ako!" Lalo kasing lumapit yung nilalang papunta sa akin. Para na akong tangang patalon-talon dito.
"Yaya! Alisin mo na to ah!" Sigaw ko sa kanya. Kasi naman, nakatunganga lang siya. Tapos gumalaw na siya na papatayin yung panget na yun.
Tapos noong wala na ang ipis, bumalik na ako sa sofa. Hindi na lang sana ako pumunta doon. Nakakapagos. Hhaaayy.
************
~Ang "IPIS" ang
pinaka POGING nilalang DITO sa mundo, kasi lakad palang niya..
SIGAWAN na
What more pa kaya
kung dumapo sayo?
Eh di
TODO kilig ka may pa TALON-TALON
kapang
nalalaman!