Pagkatapos yung ipis moment, nagpahinga ako sa sala nila. Hhaaay.
Goodtiming namang Myca itoh! Kung kailan may nangyari, wala siya. Hmmft!
"SAAN KA BA GALING? MUNTIK NA AKONG MAMATAY! URGH!" Sigaw ko sa kanya. Panu ba naman kasi.
"Edi mabuti. Ano ba nangyari?" Binatukan ko.
"Ikaw ah. Itong bahay mo, maraming ipis. Ikaw ba ay nagpapalinis?" Sabi ko.
"Che! Punta na lang tayo sa park. Amboring-boring dito. Walang magawa." Tapos pumunta na kami.
Hapon na at malamig na dito. Pasko na kasi. Ang totoo niyan, simula na ang 12 days of Christmas. So it means, 12 days na lang, Pasko na! Pero sa 12 days ba, kasali na doon yung ika-25 ng Disyembre? O yung ika-24 yung pang 12? Hay naku. Ang gulo. Basta.
Sabi sa kanta...
'On the first day of Christmas, my true love sent to me. A partridge in a pear tree'
Ano ba yung partridge? Ibon ba yon na nandodoon sa puno? O uod na bubulok sa peras? Hay naku. Andami kong tanong.
Speaking of Christmas, may nakita akong lalaking gwapo doon sa may bench.
"Ui Myca, tingnan mo, may gwapo doon oh!" sabay turo doon sa bench... O__O. Teka, nasaan na yun?
"Saan?"
"Mababaluktot yang daliri mo!"
"Ay baklang kabayong lumipad!" Sa bigla ko, nasabi ko yun. Panu ba naman kasi, may taong nanggugulat sa likod.
"Ano yun? Unicorn??! Haha." Sabi niya. Pagtingin namin ni Myca sa likod... KYAAAAHH! Siya yung gwapo kanina.
"A-ah sorry." Tapos nag-peace sign ako at ngumiti. Si Myca naman, titig na titig sa lalaki. "Huy Myca! Tulo laway mo diyan." Bulong ko.
"A-ah eh... Hi! I'm Myca, this is Charlene. And you?" Pagpapakilala niya. Talagang itong si Myca. Kapal ang mukha. Mas makapal pa kaysa sa balat ng lupa.
"Uhm... Luhan! Nice to meet you." Makikipagkamayan na sana si Lugan ba yun? Ah Luhan. Kay Myca nang inunahan ko siya. Ako ang nag-abot sa kamay ni Luhan. Binelatan ko na lang siya. Haha.
"Uhm... May matutuluyan ka ba ngayong gabi?" Tanong ni Myca.
"Uhm... Medyo nakakahiya pero wala eh--" hindi ko na siya pinatapos.
"Doon ka na lang sa bahay matulog. Total magisa lang ako doon eh..." Haha. Naunaan ko na naman si Myca.
"Ah eh, doon ka na lang sa bahay namin. May extra pa kaming kwarto doon--"
"Kwarto ng mga alaga niyong ipis? Yucks..." pagsisingit ko.
"Ikaw ah. Urgh!" Tapos hinila niya yung bangs ko.
"Aray! Huwag sa bangs. Halika na dito. Bati na tayo ah..." Ganito kami. Nagkakasakitan ngunit sa huli, magbabati rin.
"Teka, nasaan na yung lalakeng iyon?" Tanong ni Myca. Saan ba pumunta yung taong yun?
"Ah! Nandun siya. May kasamang...babae?" Pinuntahan namin kaagad ngunit nagtago kami upang hindi nila kami makita at para marinig namin yung pinag-uusapan nila. Tiptoe, tiptoe, tiptoe.
"Psst! Anong ginagawa niyo?" Napatigil kami, si Luhan to. Pramis. Naku patay kami nito. Napamulat ako ng mata at nang makita na ang taong may mahabang buhok... Mahabang buhok? Diba babae pag ganun? Nakita ko nang lubusan ang babae. Ah si Vanessa pala. Haaay. What a relief.
"Ah-eh... wala. Tinitignan lang namin ang nagayota doon." Tapos tinuro ko sina Luhan.
Nanlaki ang mga mata ni Vanessa. O_____O. "Van, bakit?"
"Sshh! Tahimik lang kayo. Makinig din." Sabi niya tapos nagtago kami.
********
Yung mga silent reader diyan... kahit magvote lang. Okay na! Vote, vote, vote!
Plug~~~
Story ko po...
Kirito in a Game of Love
Plug~~