Chapter 14

4.8K 160 39
                                    

Chapter 14

(Eren's POV)

WALA ni isang nagsasalita samin buong byahe pero ramdam kong panaka-naka nya kong nililingon kaya pinipigilan kong ngumiti. Baka isipin nya tuwang-tuwa ako masyado na ewan, ayokong magmukha akong ignorante sa ganitong bagay kahit na unang beses kong mararanasan ito. Ang totoo ay gusto kong magdaldal, para kasi akong mauutot na ewan dala ng sobrang excitement.

Kahit naman hindi kami mag-usap ay nalilibang pa rin ako, paano kasi eh simula ng umalis kami doon sa building na pinagpictorialan ko eh hawak nya pa din yung kamay ko habang yung kabilang kamay nya eh nasa manibela. Hindi pa din ako makamove on doon sa nangyare sa CR kanina, kada naaalala ko yon eh di maiwasang mamula yung mga pisngi ko.

Hinawakan nya yung 'ano' ko. Baliw na yata ako kasi imbes na mahiya ng husto parang naghahanap pa ko ng higit pa doon. Ahhh! Ang bastos ko! Ang bastos-bastos ko!

"Eren."

"A-ano yon b-bakit?" Taranta kong sagot matapos nyang tawagin yung pangalan ko.

Nangunot naman yung noo nya habang hindi inaalis yung paningin sa kalsada, tila naguguluhan kung bakit ako natataranta. Huhuhu naman kase.

"Kalma." She glanced at me before letting out a soft chuckle, "Kinakabahan ka ba masyado?"

"Medyo." Pag-amin ko. Totoo naman kasi.

"Bakit naman?"

"S-syempre first time ko toh, kabado ako k-kasi w-wala akong alam sa ganito."

She grinned, "Don't be nervous. I'll be gentle since it's your first time." Anya kaya pinandilatan ko sya. Alam ko yung first time na sinasabi nya ah! Tokwa ang manyak talaga!

"Ambastos ah." Irap ko, "Ang ayos-ayos ng usapan eh kung ano-ano nanaman binabanggit mo."

Dinig ko yung malutong nyang tawa na ikinasingkit ko ng mata. Kita mo lang talaga tong babaeng toh, para bang tuwang-tuwa pa syang naiirita ako sa kanya.

"Ha ha ha nakakatawa talaga." Sarkastiko kong sabi. Tokwa sya. Nakakainis.

"Tsk! Wag ka ngang pikon, para kang ewan." Ngumisi sya, "Anong klaseng date ba ang gusto mo?"

I blinked so many times, "Bakit? May iba't ibang klase ba ng date?"

"Hindi naman. Kumbaga ano bang gusto mong mangyare sa date natin? It's your first time, I want to hear your thoughts."

Bahagya akong nakaramdam ng excitement dahil hinihingi nya yung opinion ko kaso agad din akong natigilan. Paano kung hindi nya gusto yung mga gusto ko? Hindi sya mag-e-enjoy kung ganon.

"Uhm. Ayos lang saken ang kahit ano o... kahit saan."

Huminto yung sasakyan nya nang maging pula yung traffic light sabay tumuon saken yung mga mata nya. Seryosong nakatitig saken kaya iniwasan ko yung mga tingin na yun, nakakatunaw eh.

"Sira ulo, hindi pwedeng kahit ano o kahit saan, walang ganon."

"Bakit naman hindi? Okay lang naman saken eh."

She didn't answered so I assumed that she's fine with it but I was shock when she pinched the tip of my nose by the use of her other hand.

"A-aray! Masakit!" Ang bigat ng kamay! Kunting kurot ang sakit agad! Huhuhu!

Nagtama yung paningin namin pareho. Hala, bat sya nakasimangot? Galit ba sya?

"B-bakit?"

Salubong yung mga kilay nya habang nakaismid, "This is our first date. Tinatanong kita para alam ko kung saan mo magugustuhan o hindi. I want you to enjoy, okay?"

Vixen 2: The Superstar (RAW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon