Chapter 2

5 0 0
                                    

Friday na ngayon at ito na ang panghuling klase namin since Saturday na bukas at wala naman kaming Saturday class.

"Eli, may baon ka ba?" Tanong ni Pau habang palabas na kami sa classroom kung saan ang huling subject namin bago ang lunch break.

"Meron, bakit?"

"Wala. Doon nalang tayo kumain sa Mang Tommy's? Nakalimutan ko kasi ang baon ko sa kakamadali ko kanina." Anito na ang tinutukoy ay ang karinderia na malapit sa SBU though malapit lang din naman ito sa GU dahil magkaharap lang naman ang dalawang University. Tanging high way lang ang nakapagitna dito. Sa right side ay iyong GU at sa left side naman ang SBU.

"Sige." I replied. 'Yong iba naman 'di na makakasabay sa 'min kasi may class pa sila at 'di talaga tugma ang schedule nila sa amin ni Pau. Pero mamayang 6pm daw ay tatambay kaming muli sa bilyaran.

Pumila na kami ni Pau para makapili na ng ulam. Dagsa talaga ang kumakain dito dahil sa bukod na malapit ito sa parehong University ay mura pa ang mga ulam at masarap din. Maganda rin ang ambiance dito 'tsaka malinis.

I just ordered beef steak as usual, 'yon naman palagi ko kasing inoorder. I just really love beef. Pabalik na 'ko sa mesa namin ni Pau when I bumped into someone and my eyes widened when I saw my beefsteak on the floor.

"Shit! Sorry miss, sorry. Papalitan ko nalang 'yan," that baritone voice is somewhat familiar so I looked up only to see that it was Kirk in the bilyaran. "Sorry talaga."

"No, it's fine." I simply told him and gave him a small smile 'tsaka naghanap nang pwedeng maglinis nong natapong beef steak. Mabilis namang nilinis iyon nang nagtatrabaho ata sa karinderia. Binigay ko na rin sa kanya iyong tray at maliit na platito na pinaglagyan nong beef steak. Babalik na sana ako sa pagpila when someone grabbed my arm.

"Uhm let me order for you since it was fault."

Tatanggi na sana ako but he's really persistent. Nakakahiya.

"Ibigay mo na sa kanya 'yan, Miss. Nagpapa-pansin lang 'yan." Napabaling ang tingin ko sa mga lalaking nakaupo sa lamesa malapit sa 'min. Mga kaibigan niya siguro. I heard him cursed them at medyo nahiya na 'ko kaya pumayag nalang akong siya ang pag-orderin doon so I get my wallet para sana ibigay sa kanya iyong bayad pero 'di naman niya tinanggap kaya bumalik nalang ako sa mesa namin ni Pau. She's already sitting there at nakatingin siya sa direksyon namin habang nakatikwas ang kilay at may naglalarong ngiti sa mga labi.

"What a show! Ikaw ah humaharot ka na. Dalaga ka na nga talaga," anito at tinusok-tusok pa ang tagiliran ko so I rolled my eyes.

"Tanga 'di ko sinasadya 'yon ha. 'Tsaka nagpumilit siya na papalitan niya 'yong natapon kong ulam."

"Aysus! 'Di ba 'yon 'yong tinititigan mo sa bilyaran kahapon?" Tanong nito kaya tumango ako at tinukso na naman ako at 'di ko naman napigilang mapangiti. I don't know pero napangiti nalang ako. "Ay! Ay! Ang harot naman."

Sinamaan ko nalang siya ng tingin pero todo pa rin ang tukso sa 'kin. Natigil lang nong inilapag ni Kirk ang ang beefsteak sa table namin.

"Here. Sorry ulit, Eli. Naudlot pa tuloy ang lunch niyo baka malate pa kayo sa next class niyo."

"Nako! Okay lang 'yan mamayang 1:30 pa naman ulit klase namin. Kirk, right?" Napahawak ako sa noo ko dahil kay Pau. 'Di naman siya ang kausap pero ang hilig sumabat. Nakakahiya.

"Yes. Sige balik na ako sa table namin. Enjoy your lunch..." Anito at bahagya pa itong sumulyap sa 'kin kaya nginitian ko nalang para ipakita na okay lang talaga.

"Grabe talaga! Ang haba ng hair mo, girl! Partida wala ka pang ayos niyan pero lapitin mo talaga sa boys. Sana all." She laughed at pabiro pa akong sinabunutan.

"Alam mo mukha ka talagang tanga minsan. Nagmagandang loob lang 'yong tao tapos kung ano na 'yang iniisip mo diyan," sabi ko nalang at nag-umpisa nang kumain at ganon din si Pau.

Nong matapos kami ay tapos na rin kumain sina Kirk at halos sabay lang din kaming lumabas sa karinderia. Maingay talaga ang grupo nila kaya maraming napapatingin sa kanila lalo na mga kababaihan.

Sinusuntok-suntok siya nong isa niyang kasama sa balikat na tila tinutukso at nasa unahan namin sila kaya nahihiya akong sumingit para mauna kami sa paglalakad.

"Singit tayo, Eli? Malapit na mag'ala-una y medya," bulong ni Pau kaya napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang mag-alauna diyes na pero nahihiya talaga akong sumingit.

"Tumawid nalang kaya tayo dito?" Suggest ko kasi tangina 'di ko alam pero kinakabahan at nahihiya ako.

"Oy gago ayoko. Walang pedestrian lane baka masagasaan tayo tapos wala tayong insurance na makukuha diyan."

'Di ko napigilang matawa sa sinabi niya tangina.

"Ang advance mo naman. If ever man na masagasaan tayo diyan kaya namang bayaran ng parents mo ang hospital bill natin o di kaya ang burial natin dahil mayaman naman kayo."

At dalawa na nga kami ang napatawa sa itinakbo nang usapan namin. Tangina laugh trip kasi dahil lang sa naisip kong pagtawid sa kalsada umabot na kami sa burial namin. At wala na nga akong nagawa nong nagmamadaling kinaladkad na ako ni Pau at nilampasan namin ang grupo nila Kirk.

Tulad nga nang usapan tumambay ulit kami sa bilyarin nong mga alas sais na. Bumili lang kami ng burgers and coke in can sa ilalim at doon nalang kumain sa bilyaran sa itaas. Nanood na lang ako nong mga nagbibilliard at nag-enjoy naman ako kahit 'di ko alam 'yon paano laruin.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob pero 'di ko nakita sina Kirk. Tangina ba't ko ba kasi hinahanap? This is not so me.

"Hoy Eli Marie pahiram naman ako phone," sinimangutan ko si Brent. May cellphone naman kasi siya pero cellphone ko talaga ang trip niya.

"Bakit ba? May cellphone ka naman ah?"

"Eh, nilalaro ko 'yong ML mo diyan para umangat ka naman. Akin na nga," Anito at sinubukan pang abutin phone ko pero inilayo ko kasi naman e bored ako. Gusto kong magscroll scroll sa IG. "May tinatago ka ba?"

"What? Wala! Hmp! Uninstall ko na nga 'yang ML na 'yan sa phone ko," nakasimangot kong inabot sa kanya ang phone ko. Ano pa ba kasi ang magagawa ko? 'Tsaka i-uninstall ko na talaga 'yon 'di naman kasi ako naglalaro non. Minsan siguro kapag sobrang bored na 'ko, sinusubukan ko siyang laruin pero 'di ko talaga trip kaya madalas si Brent ang naglalaro non.

"Wag mong i-uninstall kasi..." Ani Brent habang binubuksan na 'yong ML app.

"Wow ha? Phone mo yan?" Nakataas kilay ko siyang tinignan.

"Hindi... Tsk! Oo na last na 'to 'tsaka naka bind naman to sa moonton account, ioopen ko nalang sa phone ko. Sayang e, malapit na mag-mythic 'to."

Lumaki ang ngisi ko, iinisin ko nalang siya habang naglalaro. Nong nagstart na ang laro niya pinindot-pindot ko 'yong screen at inilalayo niya sa 'kin 'yon habang natatawa naman ako. Nong tumayo siya ay tumayo rin ako at inasar parin siya.

"Maria naman wag kasi!" Aniya at tinalikuran ako pero sumilip pa rin ako tinap 'yong screen at 'di ko na napigilan ang matawa nang malakas nang mag-umpisa nang magmura si Brent.

"Jowa mo, Brent?" Napaangat ang tingin ko sa nagtanong and suddenly I stopped laughing.

"Huh? Hindi, Kirk, kaibigan ko," saglit lang siyang tinignan ni Brent at ibinalik ulit ang tingin sa screen.

"Oh. Akala ko jowa mo. Anyway, laro?" Anito at sinulyapan ako kaya bigla akong napatalikod at umupo.

Tangina! That was a rude move, Eli!

"Oy someone's blushing..." Ani Pau kaya mas naramdaman kong uminit lalo ang pisngi ko kaya natawa na rin si Venus samantalang sina Tim, Sky, at Clark ay busy din sa kanilang mga cellphone at malamang nagmml rin. Pumunta lang ata kami rito para maglaro ng ML e.

Pasimple kong inayos ang buhok ko at lumingon para sana tignan sina Brent at Kirk pero wala na sila don. Amp! Bilis namang lumayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon