Chapter One

12 0 2
                                    


"Hoy saan tayo pagkatapos natin dito?" Rinig kong tanong ni Sky. Nasa may bench kami malapit sa quadrangle, nakatambay lang since wala na kaming klase. Hinihintay nalang namin 'yong tatlo na gunggong sa loob dahil may klase pa raw.

Kasama ko ngayon sina Sky, Brent at Pauline habang hinihintay namin sina Venus, Clark at Timothy. Pito kaming magkakaibigan simula high school.

At ngayong college na, magkasama pa rin kami. Sa Grande University kaming lahat pumasok. Pero iba-iba naman ang mga kursong kinuha. Ako at si Pauline ay HRM ang kinuha. We just love cooking and also eating. Tapos si Sky at Brent parehong Business Ad ang kinuha. Future businessmen. Wews. Tapos si Venus, Clark at Timothy ay parehong Engineering. Edi sila na matalino sa math.

"Saan nga ba? Plaza? Tambay?" 'Di pa sigurado na tanong ni Pau. Madalas naman kapag wala na kaming klase, palaging plaza ang tambayan namin tapos tamang kain lang ng street foods. Ganoon na talaga nakasanayan namin simula high school palang.

"Plaza na naman? Tangina, sawang-sawa na 'ko sa kwek-kwek ni ate Minda." Maarte namang reklamo ni Sky. Kahit naman ako sawa na rin naman. Nag-aalala na nga ako sa health ko for all we know naman na hindi healthy para sa atin ang street foods although wala namang duda na masarap talaga siya at super affordable lang pareho sa mga katulad nating gipit sa buhay.

"Eh saan pa ba?" Ani Pau.

"May alam ako!" Biglang sabi ni Brent kaya napatingin kaming tatlo sa kanya. 'Yong pagkakasabi niya e parang biglang may bright idea na pumasok sa utak niya. Tangina. OA naman.

"Oh saan ba 'yan? Baka bar 'yan ha? Tangina pass ako 'pag ganon." Ani ko. Ayoko talaga sa mga bar bukod sa 'di naman ako umiinom wala talaga ako pambayad sa mga drinks nila. Ayoko gumasto dahil lang sa tanginang inumin na 'yan.

"Tanga anong gagawin natin sa bar? Advance mo ha."

"Oh e, saan nga?"

"Doon lang sa may kanto. May billiard room don. Pwede raw tumambay." Aniya kaya nakuha niya ulit ang interest naming tatlo.

"Eh anong gagawin natin ron? Magbibilliard?" Tanong ni Sky.

"Pwede rin naman. Marami ding tambay ron e. Pwede tayong manood saka may maliit na cafe sa tabi non pwede tayong bumili nang foods don or pwede ring tumambay. So ano, G?" Ani Brent.

"Parang bet ko pero mamaya tanungin muna natin 'yong tatlo." Ani Pau at sumang-ayon nalang din kami sa kanya.

'Di rin naman nagtagal dumating din 'yong tatlo at pumayag naman silang doon nalang kami tumambay hanggang alas syete.

Nilakad nalang namin since sabi ni Brent malapit lang naman daw. Nakuwento rin niya na may mga kakilala siya doon. Well marami talagang kaibigan si Brent sa labas. Marami siyang kakilala e, kahit nga taga ibang school may kakilala pa rin siya.

"Oy Brent!"

Napatingin kami sa tumawag kay Brent. Mga lalaking nakaupo sa hagdan at nagsisigarilyo. Yak!

"Uy tol! Kanina pa ba kayo?" Ani naman ni Brent. Kakarating lang namin sa sinasabing bilyaran ni Brent. Nasa second floor nga iyon at sa ilalim may mga nagtitinda ng burger at fries.

"'Di naman gaano. Himala ata at napadalaw kayo rito? 'Di na kita nakikita rito e." Anang kausap niya na taga Saint Bernard University, naka ID pa kasi.

"Ah. Busy e," napakamot pa sa ulo si Brent. "Sige pre, akyat muna kami." aniya at inaya na kami. I saw Venus rolled her eyes bago sumunod kay Brent. Napatawa ako ng bahagya kasi saming lahat si Venus talaga ang walang pasensya. I mean, ayaw niya nang pinaghihintay pero kapag kami ang maghintay okay lang. Napakagaling.

"Ang ingay naman dito." Reklamo ko kasi ayoko talaga sa mga maiingay. Tangina wala nga kami sa bar pero dinaig nang bilyarang 'to ang bar sa sobrang ingay.

"Alam mo ang arte mo kaya 'di ka nagkakaboyfriend e."

Bigla nandilim naman ang paningin ko dahil sa sinabi Tim. Sarap lang sapakin. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nina Sky at Clark. Sarap pag'uuntugin.

"Baka kasi 'di naman boyfriend hanap niyan? Baka girlfriend." At ayon naghagalpakan na silang tatlo sa pagtawa. Sarap nilang pagbabatuhin ng billiard balls.

I showed them my middle finger as my response to their panggagago sa akin.

"Kita mo 'yan, pre? Parang 'di talaga babae e." Natatawa paring hirit ni Sky. Kasalanan ko ba kung ganito na 'ko? Alangan naman kasing magpabebe ako dito. 'Tsaka ano pang aasahan nila sa 'kin? Sa bahay puro lalaki ang kasama ko tapos hanggang sa school puro lalaki pa rin maliban kay Pauline at Venus. Silang dalawa lang talaga ang masasabi kong pinaka-close ko sa school.

"Wag niyo na ngang bwesitin si Eli and can you just buy us some burgers?" Maarteng utos ni Venus. Yes po, maarte siya. Si Pau naman tahimik lang habang nagtitipa sa cellphone. Dami ka-chat e. Sana all.

"Wow ha? Makautos ka naman. Boss ka?" Sagot pa ni Clark pero tumayo rin naman. 'Di ko nalang sila pinansin at iginala nalang ang paningin sa loob ng bilyaran. Marami nga ang nakatambay at karamihan e mga estudyante. Merong taga GU at meron ding SBU. Then my eyes settled to the man who's leaning into the billiard table at may hawak na cue stick, ready to strike the ball. 'Di ko alam kung ano ang meron sa kanya at 'di ko maalis ang tingin sa kanya. He's perfect holding that fucking cue stick while leaning like tangina? Kailan pa 'ko natuto nang ganito?

"He's handsome, Eli. Crush mo?" Nabigla naman ako sa pagsalita ni Pau.

"Ha? Gago hindi!"

Narinig ko naman ang marahan niyang pagtawa pero wala naman na din siyang ibang sinabi at 'di na rin ako ulit sumulyap sa lalaking 'yon. Ngayon ko lang napansin na kaming tatlo nalang pala naiwan ni Venus at Pau dito sa couch. Siguro bumaba nga 'yong tatlo habang si Brent naman nasa kabilang couch pa rin at may kausap.

Minsan ay 'di ko mapigilang hindi mapasulyap sa lalaki. Nakatayo na siya nang maayos ngayon pero hawak pa rin naman niya 'yong cue stick.

"Kanina pa 'yan, Eli ha? Gwapong-gwapo?" Tumawa naman si Pau sa narinig na sinabi ni Venus habang ako naman feeling ko namula nang slight ang pisnge ko. Kanina pa pala nila akong inoobserbahan. Tangina.

"Hayaan mo na si Eli minsan lang naman lumandi 'yan, Ven." Ani pa ni Pau at tumawa kaya napailing nalang ako at muling sumulyap sa lalaki but I was surprised when I saw him looking at our direction. Tangina! Naramdaman ko 'yong pag-pintig nang puso ko. Fuck! What does it mean? Sa sobrang kaba ko 'di na ako sumulyap ulit sa kanya.

Naramdaman kong umupo si Brent sa tabi ko at humiram nang phone. Ganyan 'yan e, palaging phone ko ang pinapakialaman.

"Brent, laro daw," napatingala ako nang marinig ang boses sa harapan namin. My eyes widened when I saw who it was. Our eyes met at bigla na naman ulit akong kinabahan. Tangina!

Deretso siyang nakatitig sa 'kin 'di ko alam kung bakit e si Brent naman ang kinakausap niya.

"Pass muna ako, pre." Sabi ni Brent nang mag-angat siya ng tingin. Sina Pau at Venus naman ay nakangisi.

"So rude of you naman, Brent. 'Di mo kami pinapakilala sa mga friends mo dito." Ani Venus na sinang-ayunan naman ni Pau. I know they're doing it purposely.

"Oh! Kirk, sina Venus, Pau at si Eli. Girls, si Kirk." Simpleng pakilala ni Brent at nagngisihan na naman ang dalawa. Ngumisi din siya sa dalawa bago sumulyap sa 'kin at nagpaalam na.

Shit! Bakit bigla ako nakaramdam nang kaba? Feeling ko natatae ako e.

UNTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon