Chapter 2

24.9K 584 94
                                    




Minsan lang ako nahuhumaling sa lalake. It can't be him. Hindi puwede.
——
Lauren

Lori
"Nakakirita, akala naman niya ang gwapo niya! Gagong 'yun di naman magaling humalik! Puro peck lang, hindi 'yung laplapan!"

Napamasahe ako sa sentido ko dahil sa sinabi ni Lucy.

"Ano ba kasi ang nangyari?" I almost rolled my eyes. "Lucy naman kasi magbagong buhay ka na. Puro na lang landi ang inaatupag mo kahit busy ka sa school! Akala ko pa naman kung ano na ang problema mo, lalaki lang naman pala ulit. Worst, nang dahil lang sa hindi siya marunong humalik?!"

Sinamaan ko siya ng tingin nang ibato niya sa akin ang unan na hinablot niya sa couch. "At least ako nadidiligan! Ikaw nga tuyong tuyo! Kaya ka matamlay lagi! Wala kang ASG,"

"Anong ASG sinasabi mo?"

She grinned wickedly. Ang lukaret dinilaan pa ang dulo ng saging, "after sex glow,"

Ay ang kalat!

Umirap ako. "Ayan ang sinasabi ko. Ikaw Lucy, puro kahalayan laman ng utak mo!"

"Ikaw nga puro trabaho! Tsaka hoy, kung magsalita ka parang ang tanda mo bes. Nauna ka lang ng ilang taon sa amin kaya nauna kang na-graduate," depensa niya na parang mabibigyan niya ng katwiran ang ginagawa.

"Given that," I said.

"Kung sabagay, pareho kayo ni Dani girl na tigang lagi,"

"Dinadamay na naman ako!" Reklamo ni Dani, kalong ang dalawang taong gulang na anak niyang si Tomy.

Pinuntahan nila ako dito sa unit ko pagkatapos ng klase nila, maliban kay Lara dahil sa personal na issue, family problems maybe?

"Sino ba kasi ang tatay niyan? Napakagaling mong magsikreto hanggang ngayon hindi namin alam ang pangalan ng ama niyang si Tomy,"

"Lucy," saway ko sa kaibigan ko dahil sa walang preno niyang bibig.

Nabuntis si Dani noong third year siya kaya panandalian niyang tinigil ang pag-aaral. Sabay sana kaming gradate ngayon. Mabuti na lang at bakasyon na kaya hindi niya kinailangang i-drop ang subject niya. After giving birth to Thomas Luis, pinagpatuloy niya ulit ang pag-aaral, fourth year college. Even I can't imagine the hardships she's gone through. Sa kung papaanong kay Tita Alba na siya tumitira gayong imbis na sa mommy niya na si Tita Bernadette ay hindi ko alam.

"Papaano ko sasabihin kung pati ako ay hindi ko kilala ang gagong iyun? Lasing ako non at baliw dahil pinaubaya ko ang katawan ko sa isang estranghero. Inunahan ako ng init ng katawan. I don't even know how I ended up in a motel for pete's sake! Lovelife mo ang atupagin mo, hindi ang akin," Mapaklang sabi ni Dani kay Lucy na tumayo naman para kargahin ang anak nito.

"I must say, guwapo panigurado ang tatay nitong si Tomy. Walang nakuha ang bata mula sa'yo kundi ang mga mata mo. Other parts of him? He must have taken it from his father,"

Nagkibit balikat lang si Dani at tinitigan ang anak. Nahimigan ko ang pagsang-ayon niya sa sinabi ni Tomy. "Well, I'm not going to deny it either. The memories weren't all clear but I can recognize the man's face. Sa mukha ng gagong iyon, magtataka pa ba ako kung naging marupok ako sa sandaling nakilala ko siya? He's undeniably gorgeous, overloading with hotness," she stated as if recognizing the bit of memories engraved in her mind.

Tumawa ako. "Kaya nalaglag panty mo nung lasing ka,"

Gigil niyang nilantakan ang fries. "Hindi na ngayon! Gwapo nga pero gago naman. Tsaka bakit ko ba siya pinupuri?! Damn that man," ngumuya siya. "We were both irresponsible. I can't believe na ang isang tulad niya ay hindi man lang nagdala ng condom! The likes of him are much aware of what to do, yung tipong palaging may baon na condom sa bulsa. But he did me so damn raw," para siyang naiinis na ewan.

Lustful Cravings✔️[R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon