CAPITULUM I

24 1 3
                                    

WHERE IT ALL STARTED

Chismisan dito, chismisan doon. Maingay na busina ng mga sasakyan sa kalsada. Sobrang lakas na tugtugan ng mga kapitbahay. Sigaw dito, sigaw doon. Masangsang na amoy ng mga estero.



Isa lamang ang mga iyan sa kadalasang mararanasan mo sa lugar na ito. Isa ako sa mga ordinaryong tao na tinuturing mababang uri ng katayuan sa buhay ayon sa Caste System ng lipunan.



Ang lipunang mayroon sa lugar ng Sanziega ay nahahati sa limang uri ng katayuang nakasaad sa Caste System.



Ang mga Elite at mga nasa Gobyerno ang itinuturing pinakamataas na uri ng estado sa lipunang kinabibilangan ko. Sila ang kadalasang makikita mo sa mga sosyaling mall, nakatira sa magagarbong village, at paniguradong hindi makakasalubong ng isang tulad ko. Dahil para sa kanila, isang sumpa ang makasalamuha ng isang napakababang uri ng tao.



Ang mga Celebrities naman ang pumangalawa. Sila ay hindi mo madalas makikita sapagkat masyado silang abala sa pagpapaganda ng kanilang mga karera sa buhay. Kadalasan sa telebisyon, internet, billboard, at magazine mo lang sila makikita.



Pangatlo naman ay ang mga Skilled Ones o ang mga may kasanayan sa iba't ibang aspeto tulad ng doctor, engineer, lawyer, teachers, architect, at iba pa. Sila kadalasan ay makikita mo sa kung saan-saan na nagsisilbi para tugunan ang iba't ibang pangangailangan ng tao.



Ang pang-apat naman ay ang mga Manual Laborers. Sila ang makikita mong nagtatrabaho sa mga pabrika.



At ang panghuli naman ay ang mga ordinaryong tao o ang tinuturi nilang pabigat sa lipunan. Kami ang kadalasang makikita mo sa kalsada na nagbabakasakaling makahanap ng trabaho kahit panandalian lamang para lang mabuhay. Wala masyadong oportunidad na naibibigay sa mga katulad naming nasa ibabang bahagi ng Caste System sapagkat karamihan sa nasa uring ito ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral o hindi man lang nakapag-aral dahil sa hirap ng buhay.



"Ano na naman ang iniisip mo diyan, bunso?" biglang sulpot ni kuya Dew sa aking tagiliran.



"Wala naman kuya. Naiisip ko lang, matatanggap ka ba sa De Zuego Empire? Ilang taon ka na nag-aapply sa kumpanyang yan. Hindi ba halos mga matataas na uri lang ang kinukuha nila? Ano bang mapapala nila sa isang ordinaryong taong tulad natin?" Sagot ko.



Bata pa lamang ako, mulat na ako sa sistemang meron kami. Walang lugar sa siyudad na ito ang mga ordinaryong tulad namin.



"Denisse, hindi porket nasa pinakamamabang uri tayo ay hindi na tayo gagawa ng paraan para umangat. Hindi natin kasalanang pinanganak tayong mahirap at namulat bilang isang mababang uri ng tao pero kasalanan natin kapag di natin iaangat ang sarili natin at mamatay tayong mahirap pa din." Hindi ko alam pero sobrang lalim ng pinanghuhugutan ng kuya ko.

The Arcane DivisionWhere stories live. Discover now