CAPITULUM IV

15 1 0
                                    

SOME TRUTH IS CAN ONLY BE UNDERSTOOD BACKWARDS


Charity's Point of View


Let the past guide you to find the truth behind the disaster in the Production Division


Hindi ko agad nakita kahapon kung saan nakalagay itong envelope na naglalaman ng task namin kaya ngayon ko lang masisimulan gawin yung inatas sakin. Sana hindi pa ako huli para makatulong.


Dumiretso agad ako sa kumpanya pagkatapos lang mag-ayos. Sa back door na lang ako dumaan para wala na ring makakita saakin. Kailangan naming magdisguise para sa task naming na ito. Ayoko pang matanggal sa Arcane Division.


Diridiretso lang ako sa pagpasok at sinimulan nang hanapin kung nasaan ang Production Division. Sana lang talaga ay hindi pa ako huli para ayusin kung ano man ang problema.


Mapalit na ako sa Production Division nang mapahinto ako saglit dahil sa narinig ko.


"Pero napaka imposible na within a month ay matapos na yang 70pcs na returned product. Gagahulin tayo sa oras niyan. Contact the Procurement Division immediately! Tell them to give me the report about the raw materials that was used in this product. Saka kung saang supplier nakuha yung raw materials!" Ito na ba ang problemang tinutukoy sa task na ibinigay saakin?


"All of you! Inspect the product! Tignan niyo kung bakit may defect yang mga yan. Maayos ang pagkakaggawa natin diyan last month kaya tignan niyo maigi kung bakit nagkaroon yan ng defect!" Hindi na ako nagdalawang isip at pumasok na ako sa eksenang nangyayari sa Production. Kailangan ko na gawin ang misyon ko dito.


"Do you have a problem here? I can offer any help. Our family business is the Sullivan Polymer Corporation. I'll offer my help. Para mas mapabilis ang pag-ayos natin ng problema." Bungad ko sa kanila pagkapasok ko sa loob ng factory.


I'm sorry Dad, alam kong nasa Gobyerno ang trabaho mo pero naging businessman ka sa pagpapakilala ko. Kailangan lang pong magpanggap.


Pagkatapos ko magpakilala ay di na ako nag-atubiling antayin pa ang sagot niya at ininspekyon ko na kung ano bang maaari kong maitulong sa pag-ayos ng mga defective electic grillers.


I started to thoroughly check the product until I have a glimpse of some pictures in my mind.


Plastic Materials that they used.

Report of the materials.


What does that mean? Bakit may ganoong glimpse akong nakikita?


I need to investigate further but I also need to do this fast. So, I roam around the production division, hoping that I can find more that I can connect to the glimpse that I saw.


Wait, ito yung papel na nakita ko. Nilapitan ko agad at binasa ang report na nakalagay.


Fabricated.


Nagkaroon na naman ako ng glimpse tungkol sa report na hawak ko. This is fabricated? Paano? Wala na akong Makita pang glimpse na makakapagpaliwanag kung paano to nafabricate.

The Arcane DivisionWhere stories live. Discover now