Prologue

69 6 1
                                    

Just a few reminders before you proceed to the actual story:

*I'm not an Isko or a UP student so if you'll notice any corrections sa setting ng story. Feel free to comment or message me so I can edit. Pero wag kayo magalala because I took review classes in UP for almost two weeks and I used that short yet fun experience to write this story. I want this to be informative & inspirational para na rin sa mga nangangarap na makapasok dito. I also did my research by asking some of my acquaintances na sa UP nagaaral.

*Another thing, I'm just a newbie writer so please expect less (tho ginawa ko namaan lahat) for I may not suit your utmost expectations.HAPPY READING!!
---
Yesterday Once More

"Tita! Nakapasa ko sa UP!" Magkasabay na tawa at hagulgol ng pamangkin kong si Iya. She keeps on jumping up and down na tila hindi makapaniwala sa naging resulta ng exam. She was crying pero ramdam na ramdam ko ang galak sa bawat pagpatak ng luha niya.

Bigla ko tuloy naalala ang sarili ko. My eighteen years old self was as delighted as she is nung mga panahong 'yun. Hindi madaling ipaliwanag yung saya kasi sa dami ba naman ng estudyanteng sumubok mag-exam, isa ako sa pinalad na makuha. When I took the UPCAT, sinabi ko agad sa sarili ko na baka hindi para sakin 'to, kasi ang hirap. Parang suntok sa buwan lalo pa't ang dami kong nalaktawan. Math has always been my weakness but you know what? I got freaking 92 at yun ang pinakamataas kong nakuha. Expect the unexpected ika nga nila.

UP and I has a lot of memories to share at hindi ko alam kung sapat ba ang isang libro para maisalin ang nobela ng buhay ko. The moment I passed the UPCAT, I felt like I was living the dream. Simple lang ang gusto ko, 'yun ang grumaduate ng may sablay na nakasukbit sa balikat ko, but I never thought that Oblation has already plotted a scheme on me! Yet it was the most beautiful thing that happened to my early life. Hindi naging maganda ang dulo pero marami akong natutunan and If I would be given the chance to choose...pipiliin ko pa ring tahakin ang daang yon.

UP was my first love but I never thought that this place will lead me to my first heartbreak.

"U-NI-BER-SI-DAD NG PILIPINAS!!!"

Bumalik lang ako sa huwisiyo dahil sa pagkanta ni Iya kasabay ng pagsayaw at pagsuntok sa hangin. She held both of my hands at nagpaikot-ikot kami sa Sala.

It took a couple of minutes, bago siya maka-recover sa tuwa. Pareho kaming hingal na hingal habang nakahilata sa sofa.

"Tita, Samahan mo ko sa first day ko please." Pakiusap ng pamangkin ko. "Ayoko pong maligaw."

UP was indeed a big school pero hindi rin magtatagal, makakabisado rin ito ni Iya, just like how I did when I was studying there. Lagi talaga 'kong napapangiti kapag naiisip ko ang nakaraan. It was bitter-sweet but worth reminiscing. For me,those old times will always be the best of times.

"Ang laki laki mo na, sasamahan pa kita." Natatawa 'kong tinignan si Iya pero okay lang naman sakin na samahan ito. I was just trying to tease her.

Iya made a pout at nagpacute pa sakin using her beautiful eyes. Minsan talaga iniisip ko kung eighteen na ba talaga siya, because she doesn't act and look like one. Pero nagiging seryoso naman ito kapag libro na ang kaharap.

"Gusto mo ba pumunta tayo ngayon?"naisip ko lang bigla. "Masarap ang barbecue dun sa Mang Larry's" aya ko pa. An impulsive trip is always worth it 'kesa naman yung nagpaplano pero hindi naman natutuloy.

As expected, Iya quickly nodded her head at mabilis rin kaming nakarating sa unibersidad.

The trees stood tall at tila walang pinagbago. It has been six years since my graduation but once a UP student will always be a UP student. Yung tipong babalik-balikan mo ang kahapon kung saan naging saksi ang mga punong nakapalibot dito.

Tuwang - tuwa si Iya when the jeepney stopped, matapos niyang hilain yung tali. "Gosh tita, hindi ko na kailangan mag - para. Cool..." her eyes twinkled at napailing na lang ako kasabay ng pagbaba namin sa jeep.

Sinalubong kami ng usok mula sa ihawan na nagpaubo sa kasama ko. Iya made a frown pero tinawanan ko lang siya. "Grabe and mahal naman pwera isaw lang 'e" eskandolasang bulong niya. Kinurot ko siya sa tagiliran dahil mukhang narinig siya nung tindera. Tinapunan niya kami ng tingin at nginitian ko lang siya na parang natatae. "Iyang bibig mo talaga...ayaw papigil." I said in gritted teeth habang nakangiti pa rin.

"Ay sinabi ko bang mahal? I mean sulit naman kasi." She even reasoned out kaya napahilamos na lang ako sa mukha ko. This kid.

Ang dami naming inorder na akala mo may Fiesta. Iya and I were so full kaya napagdesisyunan naming maglakad na lang papunta sa Sunken Garden- eto yung sentro ng unibersidad kung saan maraming mga tao na iba-iba ang pinagkaka-abalahan.

Marami pa ring nagjojogging kahit papunta na sa hapon. Iya sat on one of the benches at tinabihan ko naman siya. This feels like home. Bulong ng isip ko habang dinadama ang paghaplos ng hangin sa pisngi ko. Who would have thought na ganun lang kabilis lilipas ang panahon?

Iya handed me her phone at saka nagpose sa gitna. I scoffed at her confidence habang nakafinger-heart sa di kalayuan. Sabagay,she'll need that kind of self-esteem lalo pa't college na siya.

Like a supportive tita that I am, lumuhod pa ko para lang makakuha ng magandang anggulo. I also took shots of the breath-taking view. I was checking all the shots nang may mahagip akong pamilyar na tao sa litrato.

I clicked zoom-in at hindi nga ko nagkamali sa nakita. Apat na taon ba naman, paano ko siya makakalimutan when he has been a part of that bitter-sweet memory?

Nag-angat ako ng tingin. He was standing a few meters away from me pero mukhang hindi naman niya ko napansin. Wala naman akong balak magpakita. Years have passed and our love was long due, pero habang nakatitig ako sa kanya sa di kalayuan, hindi ko mapigilang tanungin ang sarili ko. Paano kung -- no, nevermind. I heaved a deep sigh,at pinilit na lang ngumiti. Isn't it too late for What if's,Behati?

He looked different...but a good kind of different,kaya pinilit ko na lang na maging masaya. His shoulders grew wide and his whole physique became more manly. His hair was neatly combed kumpara sa dati niyang magulong buhok. His eyes were still chinky at mas sumingkit pa ito nang ngumiti siya sa isang batang papalapit dito.

"Tita Behati!!!" tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa pagsigaw ni Iya. Nakasalampak siya sa lupa habang hawak ang binti niya. Hays...lampang bata.

Agad akong lumapit para sana tulungan siya but I stopped...

Because, the person whom I considered as my great love just offered his hand. Ngumiti siya sa pamangkin ko and when he's eyes landed on me, dun ko napatunayan na talagang tapos na siya. Ako na lang talaga ang naiwan sa nakaraan.

"Daddy!" sigaw nung batang babae saka yumakap sa binti niya.

Wala kong balak na manggulo pa sa buhay niya... pero sana kahit isang beses pa.

And if fate would concede one of my desperate calls, I wish that we could go back to Yesterday, once more.

Yesterday Once MoreWhere stories live. Discover now