Naalala ko pa noong unang araw na yakapin ko siya. Napakaliit nya pa noon, and his brown fur was not that yet long. Naaalala ko rin na ang una niyang kinain noong hinawakan ko sya ay ang dumikit na icing sa braso ko. Napakakulit nga niya eh. Hindi tumitigil ang pagkawag ng kanyang buntot habang hawak sya ng munti kong mga kamay.
Halos sabay kaming lumaking dalawa.
Dahil wala akong kapatid, sya na lang ang itinuring kong little sister.
Sa dumaan na anim taon na pag-aalaga ko kay Kerry, walang moment na naging marahas ako sa kanya. Hindi sya nakatikim ng karahasan sa mga kamay ko, bagkus ay purong pagmamahal.
Nasubaybayan nya ang unti-unti kong paglaki at ganoon din naman ako sa kanya.
Nasubaybayan nya ang pagbago ng school uniform ko, from elementary uniform switched to high school one. Ako naman eh nasubaybayan ko ang unti-unti niyang pag-adapt sa mga skills at tricks na itinuturo ko sa kanya. Mahal ko si Keryy na parang isang tao, at alam kong kahit hindi niya nakapagsasalita ay alam kong mahal nya rin ako.
Si Kerry…
Kapag alam nyang maliligo na sya, kusa nyang kukuhain ang basket ng bathing materials nya at dadalhin iyon sa bath room.
Kapag nagugutom na sya, dadalhin nya sa akin ang dog plate at magpa-puppy eyes sa akin ng ilang minuto.
Kapag ‘di pa ako nagigising pag tunog ng alarm clock, hindi sya titigil sa pagkahol.
Pag-uwi ko galing sa school, sasalubong sya sa akin at kakagatin ang laylayan ng palda ko at igigiya ako sa kusina para mag-mirienda.
Kapag alam nyang matutulog na ako sa gabi, susunod sya sa kwarto ko at sasabayan ako sa paghiga sa kama.
Kapag nakikita nyang umiiyak ako, nilalapitan nya ako at hinahayaang yakapin ko siya ng paulit-ulit.
Kapag masaya ako, hayun at masigla din sya.

BINABASA MO ANG
I Love You, Kerry (One Shot)
Short StoryKerry means a lot to me. I love her so much at malaki ang parte nya sa buhay ko. I love Kerry so much, to the point na ayaw ko syang mawala sa akin. But making her stay by my side is not FOREVER...