Page 4

21 2 5
                                    

Suminghap ako at pagkuwan ay sinenyasan si Doc. Dizon na bigyan nya muna ako ng kunting sandali. Marahan akong lumapit kay Kerry at hindi naman ako pinigilan ni Mama at Papa na gawin 'yon.

With trembling hands, hinimas ko ang katawan ni Kerry, paulit-ulit... Paulit-ulit...

Ewan ko ba, pero mababaw talaga ang luha ko. Muli na namang sumungaw ang mga luha sa mata ko.

Tanggap ko na na mawawala na sya sa buhay ko ngayon dahil halos isang daang beses akong kinumbinsi ni Mama at ni Papa. Mahal din naman daw nila si Kerry dahil sila ang nagregalo nito sa akin, pero ayaw naman daw nilang makitang naghihirap at naghihingalo si Kerry habang nabubuhay ito. Even the veteranian could not save her life, ang kaya na lang nitong gawin ay i-ease ang pain ng tama ng bala sa parte ng katawan nito.

"K-kerry, H-huwag sanang sasama ang loob mo sa akin dahil pumayag akong gawin to sayo," pabulong kong sabi habang patuloy siyang hinihimas.

Alam kong hindi sya tao para kausapin sya ng ganon, pero para sa akin, naiintindihan nya ang lahat ng mga sinasabi ko.

Alam kong sa loob ng anim na taon naming pagsasama, kabisado nya na ang emosyon na pinapakita ko sa kanya. Alam nyang umiiyak ako, alam nyang masakit para sa akin na mamatay sya sa harapan ko mismo.


"Kerry, huwag kang mag-aalala hindi naman masakit ang gagawin sayo eh. Mamaya-maya lang, iiwan mo na ako. Pero tapos naman non eh hindi ka na maghihirap pa. You will leave this earth in a peaceful way. I... I love you Kerry..."

Gusto ko sanang humagulgol pero pinigil ko ang sarili ko. Ayaw ko na sa huling pagsasama namin na ito ni Kerry ay puro luha ang iiwan kong alaala sa kanya.

Maya-maya pa ay marahan ko nang tinanguan si Doc. Dizon, hudyat na handa na ako sa mangyayari.

At kasabay ng pagturok niya ng syringe sa mga binti nito ay ang pagtama naman ng mga mata namin ni Kerry.

Tinitigan nya ako sa napaka-among paraan, na para bang hanggang sa pagpikit ng mga mata nya ay wala siyang ibang gustong makita kundi ako lang.

And it seems looking at my eyes is the most comfortable thing for her before leaving me... Before leaving this world...


At sa pagdaan ng mga sandali, nasaksihan ko ang pagpungay ng mga mata nya na tila antok na antok. Nasaksihan ko rin ang lalong pagtamlay ng buo niyang katawan.

Napakagat-labi ako para pigilan ang mga luhang nagbabadya na naman sa mga mata ko. Mamaya na ako iiyak kapag nakapikit na ng tuluyan si Kerry... Kapag nakapikit na sya!

Maya-maya pa ay hindi na nga siya nagmulat pa. Sa huli niyang pagpikit, hindi nakaligtas sa akin ang likidong sumungaw sa dulo ng maliit at maamo niyang mga mata.

"K-Kerry..." tanging naibulalas ko sabay yakap ng mahigpit kay Mama. Doon ko na pinakawalan ang masaganang luha sa mga balikat nya.

-The End-

Thanks for reading my One Shot story :D

I Love You, Kerry (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon