Page 3

20 1 1
                                    

Pero this time, apat na araw ko na syang hindi kapiling at apat na araw na rin akong malungkot at aburido. Apat na araw nang wala akong pinapaliguan, walang katabi sa pagtulog, walang kalaro at------------

At apat na araw nang hindi ko naririnig ang masigla niyang mga kahol.

4 days na siyang nasa pangangalaga ng veterinarian.

Why?

It was just 4 days ago nang matamaan sya ng ligaw ng bala --- banda sa batok niya.

Sabi nga nila Mama at Papa, Kerry is my savior. Siya daw ang sumalo ng disgrasya para sa akin.

Naglalaro kami noon ng Frisbee sa chilren’s park na may kalayuan sa bahay. That was my third time to throw the Frisbee for her to pick up, pero ng mga sandaling ‘yon, hindi na dinampot ni Kerry ang inihagis ko. Imbes ay nanatili lang siyang nakatayo sa tabi ko, malapit sa mga hita ko. Niyakap at nilambing ko sya para damputin ang Frisbee pero hindi nya ako sinunod, that’s why I stand up para ako na lang ang dumampot non. Yet after picking up the disc, nakita ko na lang na nakahandusay si Kerry without knowing what’s the reason behind her bleeding….

Suminghot ako nang maalala ang nangyari. Nanlalabo man ang paningin ko, hinagilap pa rin ng mga mata ko ang isa sa mga picture frame na na nakapatong sa aking study table --- a picture of me…

hugging Kerry.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


I looked at Kerry's eyes at kahit na nanghihina sya ay nakita ko sa mga mata nya ang saya nang makita ako. She's lying just before my very eyes, at parang dinudurog ang puso ko sa kalagayan niya. Mas lalo siyang hirap na hirap sa paghinga ngayon kompara sa mga nagdaang araw.

Matapos ang ilang sandali, hinawakan ni Doc. Dizon ang isa sa mga paa ni Kerry at tinignan ako. Hinihintay nyang tumango ako bago nya iturok ang hawak na syringe sa legs ni Kerry.

I Love You, Kerry (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon