Episode 1: The Perfect Family

109 6 4
                                    

Mga anak kain na! Sigaw ni Faith habang inihahanda ang almusal ng buong pamilya.

Oh bakit manok na naman ang niluto mo? Dahil paborito ni Fillan? Tanong ni Cedd sa asawa. Aba bakit hindi? Eh ilang araw na tayong puro gulay diba? Ibigay na natin ang Biyernes kay Fillan. Walang problema kay Diana at kay Serena kasi di maselan sa pagkain ang mga yon. Teka bakit ba wala pa ang mga yon eh tapos naman na tayo nagdasal ahh.

Nandito na po mom, dad wika ni Fillan! Aba paborito ko to ah, thank you Lord answered prayer ako ahh. Sabi mo mommy di ka magchi-chicken? Naawa naman ako sa tagasermon ng kanyang ate at bunsong kapatid kapag ayaw mag rosary ng mga ito kaya yan ang reward ko sayo anak.

Larawan ng isang masayahin at maka-diyos na pamilya ang pamilya Catoliko. Isang engineer si Cedd na isang lay minister at isang simpleng maybahay si Faith na isang Katekista. Ang kanilang mga anak naman na sina Diana, Fillan at Serena na lahat ay nasa grade school pa lang ay active sa Legion of Mary. Ang Holy Rosary ay bahagi na ng kanilang pamilya sa araw-araw. Si Cedd at Faith ay magkasama sa ministry na nagkaibigan at kalaunan ay naging mag asawa. Si Cedd ay diehard Catholic at ganun din si Faith kung kaya naman ang kanilang mga anak ay ipinangalan sa mga banal o saints sa English.

Isang araw habang naglalakad si Faith ay sinalubong s'ya ng kanyang kapatid na isang Jehovah's Witness.
Faith! pagsabihan mo yan si Fillan ah. Lagi na lang nagmamano sa tita n'ya kahit ilang beses ng pinagsabihang bawal ang pagmamano sa amin!
Pasens'ya ka na kuya nasanay kasi yang batang yan wika ni Faith.
Naku, bakit ba kasi magmamano pa eh mga lumang tradisyon ng mga tao lang naman yan. Pagtuunan mo ng pansin sa pagpapalaki sa mga bata ang pagpapakilala kay Jehova sa kanila.
Kuya Armando, ayan ka na naman, hayaan mo na kami ni Cedd sa mga bata. Sabi ko naman sayo diba wag tayong dadako sa usaping relihiyon.
Hay naku Faith sa ating 8 na magkakapatid ikaw na lang na bunso ang hindi namin kasama sa pagiging mga saksi ni Jehova. Makinig ka sa akin bilang kuya mo ako, maganda ang mga aral sa amin at mababasa sa Bibliya. Kita mo sina mommy at daddy kasama na din namin. Pamilya mo na lang talaga ang naiiba.
Kuya hayaan mo na, wika ni Faith.
Anong hayaan sagot ni Armando. Hanggang ngayon nga nagsa-sign of the cross yang mga anak mo. Minsan tinanong ng pinsan kung bakit may ganun walang masagot. Ganyan sa Katoliko eh sunod lang ng kayo ng sunod ng mga tradisyong gawa ng tao.
Kuya magtatalo na naman ba tayo? Hayaan mo na kami please?
Hanggang kelan ka magiging sarado ang isip sa katotohanan Faith?
Naku kuya d'yan ka na at ako ay may pupuntahan pa di na naman tayo matatapos nito.

Umalis si Faith na medyo inis sa kanyang kapatid. "Panginoon, bigyan N'yo pa po ako ng mahabang pasensya kay kuya Armando" sambit ni Faith.

Kinagabihan.....

Ate Diana! Serena! Rosary time na!
Bago mag umpisa ang pamilya ay napatanong si Fillan. Mommy kanina po pala ay nagmano po ako kay tita pinagalitan po ako. Sorry mommy nakalimutan ko pong bawal sa kanila. Sabi nga po ni tito Armando kung anu-ano daw po nalalaman natin eh wala naman daw po sa Bibliya ang mga ginagawa natin.
Anak, 10 years old ka pa lang at di mo kelangan alamin ang lahat ng mga bagay. Magtiwala tayo sa Diyos kasi yon naman ang Faith diba? D'yan kaya ako ipinangalan ni mommy. Halatang malungkot na sambit ni Faith.
Mommy, ani Serena, nagtatawanan po kanina sina ate Dimple at ate Bhing kasi pinapanindigan daw po ni daddy ang apelyidong Catoliko kaya daw po tayo na lang ang natitirang Katoliko.
Anak, huwag mong papansinin ang mga pinsan n'yong iyon. Binibiro lang kayo ng mga yon.

Sabado ng umaga ay dumalaw ang kapatid ni Faith na si Armando sa kanila. Oh kuya good morning ang aga mo naman napasyal. Magkape ka muna.
Sige nga at ako'y kapeng kape na kanina pa. Ang aga aga nag away kami ni Minerva pinagbibintangan akong may babae daw ako wika ni Armando.
Bakit naman naisip ni ate Minerva na may babae ka?
Aba ewan ko don, inis na tugon ni Armando.
Maya maya ay napansin ni Armando ang Sto. Niño na maliit na nakapatong sa refrigerator. Pinuna n'ya ito at sinabi. Ano ba naman yan Faith? Ano ba napapala n'yo sa ganyang mga rebulto na may mata di nakakakita, may ilong di nakakamoy. Faith kausapin mo mga yang asawa mo. Kamo di porket Catoliko ang apelyido ay papanindigan na ninyo ang pagiging Katoliko. Faith gawa ng tao ang mga aral ng Katoliko at hindi galing kay Jehova. Sabi nga sa sampung utos huwag gagawa ng inukit na larawan aba kayo naman lalo n'yong dinadamihan at ipinagbibili pa. Ginagawang business ng simbahan ninyo ang mga diyus-diyosan na yan.
Kuya, tugon ni Faith, ayan ka na naman hayaan mo na nga kasi kami sa paniniwala namin. Igalang mo na lang ang relihiyon namin. Katuwang namin ang simbahan sa pagpapalaki sa mga bata at sila ay lumalaking mababait at madasalin.
Madasalin ng mga paulit ulit na dasal? Ani Armando.
Kuya, igalang nyo na lang po ang paniniwala namin.
Oh Cedd ikaw pala.
Good morning kuya.
Pasens'ya ka na gusto ko lang talaga kayong maakay sa tamang pananampalataya.
Bawat punta n'yo na lang kuya kahit saan tayo magkita lagingbganyan ang usapan. Ibahin naman natin pabirong sambit ni Cedd.

Paalis na si Armando nang magising si Diana na munti na namang magmano mabuti na lang at nahawakan ni Faith ang kamay.
Naku Diana ah papaluin ko talaga ang kamay mo pabirong sabi ni Armando.
Yan ang 'wag na 'wag mong gagawin kuya dahil hindi ako matutuwa sa ganun.
Ito naman binibiro ka lang eh. Turuan mo kasing huwag na magmano ang mga bata.
Sa inyo lang kuya pero hindi sa amin at sa ibang tao. Tinuturuan ko naman ang mga 'yan ha 'wag magmano sa inyo eh.

Sa tuwing magkikita si Armando at Faith o di kaya ay si Cedd ay laging ganun ang nagiging usapan.

Itutuloy.............

The losts' way homeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon