"May mga bagay na ibinibigay si Lord na gusto natin. Meron ding mga bagay na ayaw natin pero maniwala ka hinayaan N'yang mangyari ang mga iyon kasi may mas maganda S'yang plano na hindi mo man maintindihan ngayon ay paniguradong sa panahong itinakkda M'ya ay maipapaintindi din N'ya sa'yo at kapag naintindihan mo, masasabi mo na lang na IKAW NA LORD, DABEST KA"
Sa lakas ng pananampalataya ni Cedd at Faith ay nakayanan nila ang dagok ng kanilang buhay. Umuwi na sila ng Pilipinas para ipagpatuloy ang buhay.
Matinding iyakan at yakapan ang tagpo sa airport pa lang. matagal ding naggamutan si Cedd sa America kaya naman ay namiss n'ya talaga sina Diana, Fillan at Serena.
Pansamantala ay nanirahan ang pamilya kina Armando. Dahil nabenta na ang kanilang bahay at kotse kinailangang magtrabaho ni Faith para sa kanilang pamilya. Si Cedd naman ay pinagpalang makahanap ng trabaho. Mahirap man ay kinailangang makisama. Ang pananampalataya ng mag asawa at ang pagmamahal sa isa't isa ang nagpatibay sa pamilya nila. Nakikitira man ay di naman pabigat ang pamilya. Ang problema lang ay nasasaksihan ni Faith ang pagsaway ng kanyang kuya Armando sa pagrorosaryo ng mga bata.
Isang araw ay sumabog si Faith sa inis sa kanyang kapatid. Akala ni Armando ay di pa ito nakakauwi.
Ano na naman ba yan kuya! sigaw ni Faith. Tandaan mo pinalagpas ko ang pagtago mo ng mga rosaries ng mga bata. Kuya respeto na lang kahit yon na lang,
'Yon nga Faith eh, respeto. Sana hindi ko makikitang naggagaganyan ang mga anak mo. Nakikita ko pa ang altar na ginawa ninyo. Pwede bang itigil n'yo iyan? Faith pamamahay ko ito. Ang paglakaroon ng diyus-diyosan at isang sumpa at ayokong makaranas ng sumpa ng Diyos dahil lang madadamay ang pamilya ko sa sumpang daranasin n'yo dahil sa paganong paniniwala ninyo!Ganyan ba ang Diyos ng Jehovah's Witness kuya? Paparusahan kayo sa kasalanan namin kung nagkakasala man kami dahil sa pananampalataya namin?
Aba bakit Faith? Di mo ba ramdam ang sumpa ng Diyos sa inyo? Tignan mo ang mga nangyari sa pamilya n'yo. Nagka cancer si Cedd, nawalan ng trabaho, naibenta ang bahay, lupa at mga kotse n'yo.
Pano mo nalamang paruss ng Diyos sa amin 'yon kuya? Alam mo ang nasa isip ng Diyos? Alam mo kuya? Ang relihiyon mo ang nagpapasama ng ugali mo eh. Nagiging mapanghusga ka dahil d'yan. Tingin mo ba natutuwa ang Diyos sa ginagawa mo? Tiyak akong hindi kuya. Sabi sa Bible kung religious ang tao pero walang preno ang dila sa pagsasalita ng mga masaakit na salita walang kwenta ang kanyang religion.
Itinatama ko lang kayo. Tignan mo ang naging buhay n'yo. Kung nakikinig ang mga santo n'yo sa araw araw na pagdadasal n'yo ng paulit-ulit, eh di sana hindi nagkanda leche leche ang buhay n'yo!Umalis si Faith at isinama ang mga bata sa kwarto at pinagsabihan na 'wag na lang maakita sa tito Armando nila kapag magrorosaryo. Habang magsasalita si Faith ay nagsalita si Diana na noon ay 14 taong gulang na.
Mommy, alam n'yo po nong nasa America kayo ni daddy, nasubukan namin na hindi nakapag rosary ng 3 araw at yon yong tumawag ka po na umo-okay ang lagay ni daddy. Hindi kaya tama si tito Armando mommy? Tanong ni Diana.
Anak nalason na din ni kuya ang isip mo? Kelan pa ito? Dismayadong tanong ni Faith.
Mommy, napapansin ko lang po kasi yon. Baka po talaga nagaggalit ang Diyos sa ginagawa po natin. Sabi po ng kaklase ko'ng Born Again wala naman daw po sa Bibliya ang rosaryo.
Anak huwag kang makikinig sa kanila.
Eh kanino po kami makikinig mommy? Yong sinasabi po ni tito Armando at ng kaklase ko ay nababasa sa Bibliya. Ani Diana.
Anak, may paliwanag naman ang simbahan d'yan.
Eh nasaan ang paliwanag mommy. Honestly mommy, nawawalan na po ako ng tiwala sa mga ginagawa natin sa simbahan dahil malabo mommy at marami po akong tanong. Hindi ko na lang po sinasabi sa inyo dahil lagi po ninyomg sinasabi sa amin na kaya nga tinatawag na faith dahil hindi kelangan may pruweba basta naniniwala ka at yon po ang mahalaga. Ayoko lang po kayo kulitin mommy pero sa totoo lang po naguguluhan po ako. Naguguluhan na po ako.
Tanging buntong hininga na lang ang itinugon ni Faith at niyakap ang anak.Pagkauwi ni Cedd ay ikinwento ni Faith ang mga nangyari pati ang pagdududa ni Diana sa mga ginagawa nila. Bago matulog si Cedd ay nagdasal ito. "Panginoon, liwanagan mo po ang aking mga anak na hindi sila manlamig sa simbahan at sa pananampalataya. Ako din ay humihingi ng sign sa'yo Lord kung dapat ko na bang i-grab ang housing loan na binabalak ko. Hindi ba kami mahihirapan kung itutuloy ko? Please Lord, give me a sign.
Kinabukasan ay maagang nagising si Cedd dahil sa isang panaginip. Sa panaginip ay nakakarinig s'ya ng malakas na bosena ng mga kotse. Nag iisip si Cedd kung ano ang kinalaman noon sa signs na hinihingi n'ya. Dali daling umalis si Cedd para mag isip.
Naudlot ang pag iisip n'ya nang tumirik sa kalsada ang kanyang sasakyan. Pagkababa n'ya ay nagulat s'ya na nasa tapat pala s'ya ng bahay nila noon na naibenta na.
Sir? Kelangan po ba ninyo ng tulong? Wika ng isang di kilalang tinig ng isang lalaki. Nilingon ito ni Cedd.
Ahh wala ito kaya ko to. Tatawag ako sa asawa ako magpapasundo na lang ako nasiraan kasi ako ng kotse.
Pansin ko po sir nakatingin kayo sa bahay kaya po ako lumapit. Wika ng binata
Ah bahay mo pala yan? Tanong ni Cedd.
Opo sir, pero nabili ko lang din 'yan.
Pagdukot ni Cedd sa kanyang telepono sa bulsa para sana ay tawagan si Faith ay nalaglag ang kanyang wallet. Tinulungan naman sya ng lalaki na pulutin ang mga ID na nalaglag mula sa wallet n'ya.Cedd Catoliko, kayo po ba yong Engineer na taga simbahan? Gulat na nasambit ng lalaki.
Oh bakit para kang nakakita ng multo? Oo ako nga.
Sir Cedd ako po pala si Migz Tanyag.
Wala akong kilalang Migz Tanyag, anong meron at gulat ka sa pagkakakilala sa akin?
Kasi po naikwento sa akin. Marami po akong narinig tungkol sa inyo. Di ko po akalain na sa wakas ay nakita at nakilala ko na po kayo sa wakas di ko po ito inaasahan. Matutuwa po si nanay at tatay kapag nalaman nila ang tungkol dito.
Bakit matutuwa teka di kita kilala. Di ko maintindihan ang mga sinasabi mo. Anong meron?Itutuloy....
![](https://img.wattpad.com/cover/228004638-288-k193446.jpg)
BINABASA MO ANG
The losts' way home
SpiritualA story of a Catholic family who later on leaves the church but as they search for God in their lives, they found their way back home.