11

1.2K 54 238
                                    

It was the most freeing feeling.

To tell yourself how well you are now. To prove them how capable you are even when they broke you.

"Copper... Your dada was such a pain in the ass.." I whispered to my dog who was lying on the bed with me.

Akala ko matatapos na siya dahil sa sinabi ko, pero mali ako. We had a short argument because of it. Hindi ko alam kung saan nagsimula at kung pareho ba kami ng pinaggagalingan sa parteng iyon.

"Alam ko, putangina. Alam ko." Hindi ko nagawang humakbang at magpatuloy sa paglalakad nang bigla siyang magsalita.

Nanatili akong nakatalikod dahil sa pagkabigla sa sinabi niya. Ni wala sa aming gumalaw sa pwesto.

"Nagkamali nga ako noon, nagkamali ulit ako ngayon. Pero sana pakinggan mo muna ako. Pwede ba 'yon?"

Humarap ako sa kanya, ganoon din siya. Bumungad kaagad sa akin ang namumula niyang mga mata. May kung ano doon na hindi ko mawari.

"Walang nangyari samin." umiling siya at napatungo, "Lasing ako pero alam ko ang ginagawa ko. Lili, walang nangyari." Pagkumbinsi niya.

Huminga ako ng malalim at pilit siyang inintindi sa parteng iyon. Pinikit ko ang mga mata ko saka kalmadong tumango sa kanya.

"So ano yung narinig ko? Imagination?" Tanong ko.

Pumikit siya ng mariin bago nagsalita, "She was kissing me when I woke up to your call, that's what you heard." Paliwanag niya.

Tumango ako para ipakitang naiintindihan ko. Okay, nothing happened between them. He was just drunk. Ano pa bang gusto niyang pakinggan ko? Ano din bang reaksyon ko ang gusto niyang makita? Ano bang gusto niyang marinig sakin?

Naputol ang tanong sa isip ko nang bigla siyang magsalita. Para akong nanigas ilang saglit saka pasimpleng tiningnan ang date sa cellphone ko at nakitang tama nga siya.

"Anniversary dapat natin kahapon, eh,"

Damn.

Itinago ko sa tawa ang pagkagulat ko sa sinabi niya. "Oh, yun ba ang anniversary gift mo sa akin?" Tanong ko.

He pouted and shook his head, "Naginom lang ako buong araw. I was so drunk and the next thing I knew, I was already somewhere.." he trade off. "I'm sorry.."

Nanatili akong tahimik. Maniniwala ba ako? Siguro? Hindi ko alam. Wala akong pakialam sa kung ano man ang narinig ko. Ngunit nasigurado kong may parte sa aking napayapa dahil sa paliwanag niya.

"Umalis kaagad ako pagkatapos kong marinig ang boses mo. Natatakot ako sa iisipin mo, natakot akong magagalit ka na naman sa ginawa ko."

"Nagalit ba ako?" Tanong ko sa kanya.

Umiling siya, "Hindi? Ewan ko. Nagpaliwanag na ako. Bakit ka nga naman magagalit? Sino nga naman ba ako?" Mapakla siyang tumawa.

I didn't answered him. I don't know what to say. I don't know how to even react. I just stand infront of him, inaantay na matapos siya sa paliwanag niya. Ngunit tila wala na siyang sasabihin.

Suminghap nalang ako at sinulyapan siya. The ambiance is getting thick. "I don't really understand why are you here.. explaining yourself even when you don't owe me anything." Kibit balikat ko.

"Hindi ko din alam.."

Napahinga nalang ako ng malalim saka tumango at pinaglaruan nalang ang susi ng sasakyan ko. Nagiisip ng sasabihin. Nang may naisip ay saka nagsalita.

the mist of autumn | Buenvenidez Series #2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon