1

3.2K 90 118
                                    

Tunog ng sunod sunod na doorbell ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog.

Kunot noo akong bumangon dahil ang aga aga palang ay may nang aabala na sa akin.

Dumiretso agad ako sa pinto ng unit ko, kasunod ko na si Copper na siguro'y gutom na at ngayon ay masaya nang malaman na gising na ang magpapakain sa kanya.

"Good morning World! May balita ako sayo!" Hagikhik na salubong sa akin ng kaibigan kong si Tariel. Dire diretso sa sofa saka ibinaba ang paper bag na dala sa center table.

Napailing nalang ako sa kanya nang lampasan ko siya. Natawa naman siya sa akin dahil alam niyang waging wagi siya sa pang aabala sa tulog ko.

Ganito siya palagi tuwing day-off namin, madalas ay dito siya tumatambay.

Pumunta ako sa kusina para ipaglagay ng pagkain si Copper, habang ang kaibigan ko ay binuksan na ang TV at pinlay na ang paboritong series.

Pero hindi nagtagal, ay sinundan pa ako sa kusina. Hindi pa siya nakuntento at walang sabi sabing kumuha ng freshmilk sa ref at bread na nasa counter.

"Hindi ka ba curious sa balita ko?" Tanong niya ulit, saka kumagat ng tinapay.

"Hindi." Simpleng sagot ko at naghanap na ng pwedeng lutuin para sa breakfast.

Sinamaan niya ako ng tingin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Bumalik na ang ex-boyfriend mo, ha! Usapan ngayon sa social media!" Aniya saka ako tiningnan na parang tinatantsa ang reaksyon ko.

"Alam ko,"

Ngumisi siya, "At eto pa! Dito na din pala siya nakatira sa Twin Towers!" Pangiinsulto niya na hindi manlang ako naapektuhan.

"Alam ko,"

"Dyan sa penthouse!"

"Alam ko,"

Halos maluwa niya ang iniinom niyang gatas dahil sa pagkasamid niya dahil sa gulat sa sagot ko.

"Bakit mo alam—OMG! Don't tell me he called you? Naguusap na ba kayo ulit? Oh nagkita kayo?" Sunod sunod niyang tanong.

"No." I lied. "Do you think I don't have social medias to rely on? Sayo na nanggaling na usapan 'yon sa social media. I'm not blind. I saw the news," Sagot ko.

"Oh eh bakit ka defensive?"

Napailing nalang ako sa kanya at nagsimula nang magluto ng breakfast naming dalawa.

I knew it. Bakit hindi ko malalaman na bumalik na siya, eh nakita ko siya sa hallway kaninang madaling araw?

That was enough.

I don't need to read articles about his comeback.

Who I am to care, at sino ba siya?

Natapos akong magluto saka tinawag na ang kaibigan kong bumalik sa living room para manood.

Tariel is my bestfriend since childhood. Anak siya ng family driver namin. We've been always together since we were kids and we were classmates since elementary, nang nagcollege ay binigyan siya ng scholarship ng kumpanya namin kaya naman naging kaklase ko parin siya sa prestihiyosong unibersidad.

Ngayon, pareho na kaming graduate sa kursong Civil Engineering, I passed the boards and got my license, saka ako nagtuloy kumuha ng degree naman sa Interior Designing. At ngayon kasalukuyang nagttrabaho bilang Operations Head ng Engineering Department sa kumpanya namin.

I really had no plans of working under our company since I want to start with my own, but Tariel initiated this one. Bilang siya ang breadwinner ng kanilang pamilya, tinulungan ko na din siya at sinamahan na magtrabaho dito, and actually with her skills and hardwork, she is a gain of our company. Madami na siyang successful projects na pinropose noong nagaaral palang kami, at ngayong ilang taon na sa field na 'to, ay mas nakatulong din siya.

the mist of autumn | Buenvenidez Series #2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon