“Haaay…”
Malapit na naman pasko. Tapos New Year. Tapos birthday ko na. magna-nineteen na ko. Wow, tatanda nanaman ako next year! Pero teka, January 10 pa un. Pasko muna problemahin ko.
Naalala ko bigla ung usapan namin ng kakambal ko na hindi ko naman kamuka.
“Gisseeeeelle! Malamig nanaman pasko mo. Hahaha! Musta boy hunting?”
“Boy hunting? Siraulo ka ba? Di pa ko ganun ka-desperado magka-boyfriend ah.” Pero come to think of it, siguro nga dapat ako na maghanap ng lalaki ko. What the eff? Lalaki ko?! Nah-uh. Not my thing.
“Bigyan kita. Ano ba type mong lalaki. Ung rakista? O baka naman athlete? Religious gusto mo? Meron din tipong class clown. I can cater to all your needs, sis. Just name it.” sabi ni Crisselle sakin.
Teka, di pa pala ako nagpapakilala. Kwento ako ng kwento dito pero di pa ko nagpapakilala. Langyang author yan! Chos lang. Ako nga pala si Gisselle Fernandez Reyes. Ganda ng pangalan ko no? syempre kung maganda pangalan ko, maganda din mukha ko. Hahaha! Ano? Tell something about myself? Ok, magna-nineteen na ko sa Jan 10, siguro naman alam nyo na un? At…may kakambal ako. Si Crisselle Reyes. Gissy and Crissy. Cute no? Kambal kami pero di kami magkamuka. Parang opposite nga kami eh. Maganda ako, pangit sya. Pero joke lang! Haha. Basta opposite kami, period.
Tulad ng sabi ni twin sister, malamig ang pasko ko. Alam nyo un? May grupo pa nga nun eh. SMP- Samahan ng Malalamig ang Pasko. Yan ung mga taong sigle nanaman ngayon pasko. Huhuhu. 18 years ng malamig ang pasko ko. Mukhang madadagdagan pa.
Bat kasi ganito ang buhay? Ano bang problema sakin at hindi ako magkaroon ng boyfriend? Panget ba ko? Tumingin ako sa salamin. Niliko-liko ko ung ulo ko.
“Hindi naman ako panget ah.” Sabi ko sa sarili ko.
Buti pa si sis, papili-pili nalang ng boyfriend. Dami kasi naliligaw eh. Pagkatapos nya hiwalayan ung boyfriend nya, meron agad kapalit. Ohverrrr! Hindi makatarungan to ah!
Romeo take me somewhere we can be alone
I'll be waiting, all there's left to do is run
You'll be the prince and I'll be the princess
It's a love story baby just say yes
Cellphone ko un ah! Sino naman ba tumatawag at sumisira ng drama ko? Tinignan ko ung cellphone ko.
“Ui, Mariel! Kaw pala. Bat napatawag ka?”
“Yo, Gissy! Sama ka later? Alchemy tayo! May papakilala ako sayo, gwapo.”
Yan nga pala ang pinakamabait, pinaka-party peeps, pinaka magaling sa English kong kaibigan, si Mariel Flores. Dami lalaki nyan! Suki ng mga bar yan. Matakot ka pag napirmi sa bahay ya ng isang linggo, ung walang puntahan sa bar. Nako, hindi na si Mariel yun! Alien na yun.
BINABASA MO ANG
Status: Single, Ready to Mingle
Teen FictionFirst story ko sa wattpad. Ugggh i don't know how to do this! So help me, guys! Comment nyo lang kung an ayaw at gusto nyo. Para nga pala to sa mga taong Single. Tiwala lang, darating din ag tao para sa atin :)