Sinundo ako ni mariel tsaka ng boylet nya. Boylet?? Hahaha! Meet Mariel’s boyfriend, Nikolai Westwick. Di ko alam kung saang lupalop ng mundo nanggaling yang lalaki na yan. Basta ang alam ko lang, nagkakilala sila ni Mariel sa train. Tandang tanda ko un kasi kasama ako ni Mariel dun sa TRAUMATIC SCENE na un. Hahahah. Rush hour nun, tapos sobrang siksikan sa train, as in dikitan ang peg. Sakto naming nasa harap ni Nikolai si Mariel. Kinikilig lang naman ang lola mo habang halos yakap na sya ni Nikolai. Tapos biglang tumigil ung train kaya napasandal si Mariel kay Niko.
“You ok, miss? Are you hurt? I’m sorry.” Sabi ni Niko.
First time ko nakitang speechless si Mariel! As in, nakatingin lang sya. Magsalita ka naman teh. Baka matunaw yang kaharap mo pag di mo tinigilan kakatingin jan.
“Oh yes! I’m good. Sorry.”
“Hahahaha. You don’t have to say sorry. None of it was your fault. Kasalanan un nung train operator. Bigla sya tumigil.” Alam nyo, pati ako na-inlove nung nagtagalog sya. Ang cute nung accent nya. >.<
Tapos nu, awkward moment na para sakin. Can you believe it? After nun, inalalayan na ni Niko si Mariel. Inatsapwera lang naman nila ako. Ang landi din ng babaeng to eh. Halos yakap na ni Niko ung balikat ni Mariel para hindi sya matumba. At ang gaga naman, non-stop ang kilig. Wagas lang teh?
Tapos sakto pa na parehong stations binababaan naming tatlo. Usap usap sila, and again, di ako kasali sa usapan. After how many months sila na! the heck of a story. Hahahaha.
Going back to the present time, after an hour, nakarating na kami sa Alchemy, buti naman at hindi traffic kung hindi mauupakan ko talaga si Mariel. Pero okay na din at pumunta ako dito malay niyo mahanap ko na ang true love ko. Haha.. Sana talaga siya na..
Papasok na ko sa Alchemy. Naglaho kagad sina Mariel and Niko. Ansabe? Iwanan daw ba ko?! The eff. Hinahanap ko si Mariel pero hindi ko makita. Nakakaasar ah, pinagtitinginan ako ng tao. Hello ang pangit ba ng suot ko? Hindi ba bagay sakin? Dukutin ko mga mata nila e. Ay nako. Baka magwalk out ako dito ng wala sa oras. Pero syempre hindi ako magwawalkout. Helloooooo, malay mo si future boyfriend na to.
After so many years nagkita na ri kami ni Mariel ayun taray niya ah. Hilig hilig talaga pumarty nitong babaeng to. Buti napagtitiyagaan siya ng boyfriend niya. HAHAHAHA.
Ang dami niyang kasamang boys! Sh*t spell HOT. Sila yun. Grabe ang ga-gwapo nitong mga nilalang na to. Ay grabe may ganito palang pinganak sa mundong ibabaw! Nawala ata ako sa realidad at napatulala ako. Higop higop din ng laway... baka mapaghalataan. Hahah. Pero joke lang. Kelangan mapoise ako dito. Kaya todo smile lang ako.
“Hey girl, anong nangyari sayo?! Okay ka lang ba” todong ngiting sabi sakin ni Mariel.
“Oo naman! Saya nga magisa dito eh. Tapos nakatingin sayo lahat ng tao.”
Nakatingin sya sakin na parang naguguluhan at hindi maintindihan ung sinabi ko. Tapos tumawa nalang sya. “You’re so funny, Gissy!”
“So nasan na yung sinasabi mo sakin?” pabulong na sabi ko. Lumapit ako sa sa tenga nya para sya lang makakarinig. Alam nyo na… Mahirap na. Chos!
Tumawa pa ng malakas si mariel. Mukang baliw talaga to.
“Huwag ka nga atat girl, look around! Ang daming papaballs, right? Easy easy lang!”
“Whatever mariel, whatever” naiinis kong sabi.
Kainis tong kaibigan ko, kaya nga ako pumunta dito para makilala yun pero pa-suspense ang peg nitong babaeng to. Sh*t I look like a desperate old maid. Oh no! Nah-uh. Not my thing! Chill lang dapat. Inom ng Antonov. So ayun kwentuhan kami ng mga friends ni Mariel. Yeah, friends ko naman na sila kasi last time na niyaya ako ni Mariel sa bar sila rin yung kasama namin. Kaya komportable naman ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Status: Single, Ready to Mingle
Teen FictionFirst story ko sa wattpad. Ugggh i don't know how to do this! So help me, guys! Comment nyo lang kung an ayaw at gusto nyo. Para nga pala to sa mga taong Single. Tiwala lang, darating din ag tao para sa atin :)