Chapter 3

128 3 2
                                    

• No Vacancy

MAAGANG nagising si Raine para maghanap ng trabaho, nakasuot lamang siya ng puting v-neck shirt na fitted sa kanya, na tinernuhan niya ng black blazer at pencil cut shirt na 1 inch above her knee.

Ilang araw na din ang nakalipas mula ng mawalan siya ng trabaho. Hindi niya na kakayanin pang tumunganga nalang at walang gawin.

"Sorry Maam, pero wala po talagang bakante eh." napabuntong hininga ang dalaga, pang ilang opisina na ba ang kanyang napuntahan, na halos lahat ay pare- pareho ang sinasagot sa kanya.

Pigil ang hininga niyang wag tarayan ang babae, dahil sa tindi ng init at nakisabay pa ang napakamalas na araw niya.  Sa pagkakaalam niya ay wala naman siyang balat sa pwet, kaya sobrang nagtataka talaga siya na sa dami rami ng pinag apply- an niya ay wala ni isang tumanggap sa kanya.

"NO VACANCY." Mataray na sabi ng babae at pinakita pa ang sign board na hindi niya napansin ng dumating siya.

Sungit kala mo maganda, kapal naman ng kilay. Naiirita nitong bulong sa sarili.

Bagsak ang dalawang balikat na umalis siya doon at saka naglakad lakad, dahil ayaw niyang mag- aksaya ng pamasahe. Tutal mas kailangan niya ang magtipid at baka may makita rin siyang mga nakapaskil na availabe job, na pwede niyang pasukan.

"Nauuhaw na ako, haynako!" reklamo ni Raine, agad naman itong naghanap ng tindahan para bumili ng soft drinks.

"Pagbilhan! Ate...pagbilhan nga po." tawag nito sa tindera. Kinatok katok niya pa ang pinto ng tindahan nito. "Soft drinks ho, Ate!" sabi nito ng makalabas ang tindera.

"Salamat, ho!" sabi pa nito at saka nagpatuloy sa paglalakad habang humihigop sa hawak nitong plastic ng soft drinks.

Nang makaramdam ng pagod ay naupo siya sa hagdanan, sa may tapat ng malaking building. Nang maubos ang soft drinks ay tumayo siya. Itinapon niya ito sa nakita niyang basurahan.

Sakto namang may nakita siyang papel na nakapaskil sa isang poste. "Wanted: All- around Cleaner." basa niya dito.

"Requirements— birth certificate, any ID picture, and must a girl." kahit nagtataka ay gora parin siya. "Benefits— health care, pay- raise or performance bonus and most of all libre ang food at tirahan. So meaning stay in? Kaloka!" napapatango pa ito habang binabasa ang nilalaman ng kinuha niyang papel na kanina lamang ay nakadikit pa sa poste.

"Salary..." PIGIL ang hininga niyang binasa ang salary na nakalagay dito. Nanlalaki pa ng bahagya ang mata niya. "Twenty thousand per month!" napapaypay na siya sa sarili.

Para siyang hihimatayin, mahina siyang napadasal na sana ay matanggap siya sa trabaho dahil kailangang kailangan nita talaga ito. Hindi niya kasi alam kung paano niya bubuhayin ang sarili at ang pamilyang naiwan niya sa probinsya. Lalo't ngayon na wala siyang trabaho, dagdag pa sa alalahanin niya ang kanyang pang matrikula. Kaya talaga namang mababaliw na sya kung sakaling hindi niya makuha ang trabahong ito.

Naisip niya na agad ang gagawin sa unang sasahurin niya kung sakali mang siya ay matanggap, pero sana lang ay matanggap nga siya. Malamang ay matutuwa ang ina niya, ipapadala niya ang kinse mil sa ina na nasa probinsya pagkatapos ang matitira naman ay panggastos niya. Pangbayad tuition, at pang allowance nadin.

Napangiti na agad ang dalaga at saka kinuha ang kaniyang phone. Walang sinayang na oras si Raine at agad tinawagan ang numero na nakalagay doon. Napapakagat labi pa siya habang hinihintay na sagutin ng may ari ng numero ang telepono.

"H-Hello—"

[" You're hired. You can start tomorrow."]

"Ha? A-Ano daw...I'm hired? Ohmyghod!" napatalon pa siya sa tuwa dahil sa narinig. Hindi manlang nagdalawang isip ang kausap niya na tanggapin siya sa trabaho.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Sweet AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon