Chapter 33 ★ Accident

2.3K 43 3
                                    

AN: Sorry in advance! ;) HAHA

♡ Jessie ♡

Ilang oras na ba ang nakakaraan? Medyo malalim na ang gabi at nalibot na ata namin ni James itong buong Carnival para lang matakasan ang paparazzi naka sunod sa'amin. Hindi na rin kasi namin sya napapansin kanina pa.


But the real truth is we've forgotten about him already. Because in the process of running away from him ay nagawa na namin ang purpose ng pagpunta talaga namin sa lugar na ito. At yun ay ang magsaya kaya nakalimutan na namin na may humahabol sa'min.


Halos lahat ata ng rides dito nasakyan namin. Kumakain din kami sa every food stall na makikita namin. Sabi ko nga kay James kanina baka sumama ang tyan namin dahil sari-sari na ang nakakain namin. Sagot nya, minsan lang naman daw. Ang gandang katwiran diba? Hahaha


Nandito kami ngayon sa isang bench naka'upo habang nakatingin sa mga bituin sa langit. Ang ganda nga eh, hindi ko kasi inaasahan na may makikita ako mga bituin ngayon gabi lalo pa't nasa city kami. Alam nyo naman ma'pulusyon dito. Kadalasan kasi sa probinsya ka nalang makaka'kita ng bituin sa langit.


Umupo kami dito para magpahinga. Ay mali ako lang pala, nahihilo kasi ako. I don't know why pero ayaw na ayaw ko talang sumasakay sa Anchor/Viking na yun. Nagsu-swing lang naman ng back and forth yung malaking bangka pero sa ride na yun lang talaga ako nahihilo ng todo. Umiikot ang paninin ko at parang gusto kong isuka lahat nag laman loob ko sa katawan.


Ang weird diba? Pasakayin nyo na ko sa ibang mga extreme rides ok lang wag lang dun. Ayaw ko naman kasi talaga sumakay dun pinilit lang ako nitong si James kaya ayun napa'subo. Ang galing kasi ng convincing powers nya eh!


Kaya eto ako ngayon, lupay-pay dito sa bench. Pagbabang pagbaba kasi namin kanina dun bigla nalang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko at umikot ang paningin ko. Buti nalang nasa likod ko lang si James kaya nasalo nya agad ako.


"Angel... okay na ba?"


Tumango lang ako bilang sagot. Ayaw ko muna umalis sa pwesto ko. Nakahilig kasi ako ngayon sa balikat nya while he's stroking my hair. Being in his arms i felt comfortable and relax. Like nothing matters but just be with him every single second of the day.


"Gusto mo na ba umuwi? Para makapag-pahinga ka na ng maayos?" mahinang tanong nya.


"Mamaya ng konti. Dito muna tayo."sagot ko at isiniksik ang mukha ko sa dibdib nya. Hmmn ang bago bago nga nya talaga. Kahit maghapon na ang nakakalipas parang amoy bagong ligo pa rin sya. I heard him chuckle and that cause me to stop what I'm doing. Nakakahiya para akong tanga!


"Baka maubos ang amoy ko nyan." natatawang sabi nya. Feeling ko namula na naman ang pisngi ko kaya inirapan ko sya at tinalikuran para di nya mapansin. Wala akong masabi eh, nakakahiya!


"Uy! Nagtatampo. Sige na amuyin mo na ulet ako. Hindi na ko mag sasalita." Pang'aasar nya at sinusundot sundot nya pa ang tagiliran ako.


Tinabig ko ang kamay nya. "Heh! Wag ka nga magulo!" Malakas ako mang'asar aminado ako. Pero pagdating kay James lagi ako ang pikon. Kasi naman nakakahiya talaga! Hindi na talaga siguro ako masasanay.

Reaching for the Star ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon