WAAAAAHHHH!! Natapon yung MOCHA FRAPPE!! "Ano ba?! Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" Sigaw ko sa kanya. Kaloka talaga! "Ay sorry Miss. Nakita na kita kaso natulala ako sa ganda mo" banat nito sakin. Heler! Feeling sya ah! Porke Gwapo sya. Oo na gwapo sya. HIHIHIHI. "Yiiiieee!! Girl may lovelife ka na!" Sabi Ni Christina saka tinulak tulak pako sa Gwapobg Lalaki. Teka nasosobrahan na ako sa pagsabi ng GWAPO sa kanya. Ayoko na. "Hi. Im Ethan. You are?" Sabi nya while extending his right arm para makipagshake hands. "Im Yumi" sabay hawak ko sa kamay nya. Then nalipagskakehands ako. Well, to tell you mabait naman siguro sya. Kaso baka pinagtitripan nya lang ako. Alam nyo na. Basta gwapo matalino sa PANLOLOKO.
"Kewl. Hanggang shake hands na lang ba kayo? Pwede namang bumitaw ah" sabi ni kathy. Kahit kelan talaga tong bababeng to panira ng moment! Pero keribels na lang. Tinanggal ko na ang kamay ko sa kamay nya. Nagmumukha kaming engot e. "So, Anong plano mo sa MOCHA FRAPPE KO? Tatlo din yun ha! At ang mahal nun! It cost 165 pesos. So please bayaran mo na para makabalik na kami sa school namin" mataray na tanong ko dito. Anong akala nya? Easy to get ako? Heck No! Im Hard to get! ^_^
"Uhm. I guess 500 is more than enough para makabili ka ulit nan" sabi nya at binigay sakin ang 500 pesos. For Real?! More than enough? E limang piso lang ang sobra e. Masyado na ngang chansing ! over pa! "Ethan, More than enough na ba sayo ang 5 pesos? Kala ko mayaman ka? Kuripot ka pala e! Oh eto limang piso! Oh yan! Quits na tayo ha? So if you may excuse me. Dadaan na ako at bibili pako ng mocha frape ko na tinapon mo" sabi ko ng mataray sabay lakad papunta sa cashier ulit.
"Miss, Mocha Frappe again. 3 pcs. Take out" sabi ko ng dire-diretso. Mahirap magsalita ng pautal-utal. As usual, hinintay ko naman ng 22 minutes ang order ko. And this time napansin kong wala Christina at Kathy sa tabi ko. At paglingon ko nakita ko ang dalawa sa labas nakikipaglandian kay Ethan. Grr! Akala ko ba kaibigan ko sila? Inaahas nila ako ng harap-harapan. Tatayo na sa ako para magdrama pero biglang dumating yung order ko, Hays. Salamat naman. Kaso napaisip ako. Ano bang karapatan ko? DUH. Hindi nga kami totally close e. Kakakilala ko palang sa kanya tas ano? Pinopormahan na nya agad ako? Kewl! Mga Lalaki talaga. Pare-pareho pang malalakas ang tama.
Lumabas nako at nakitta at narining kong ang usapan nila."Ah. Nakatira kami sa Portland Subdivision. Naupa lang kami kasi ayaw namin bumili ng bahay. Saka trip din naming maranasan na malaman ang salitang paghihirap" sabi naman ni Kathy. Habang nakacrossed arms pa. Taray na ah. Bongga! Pero galit pa din ako. Ewan ko ba kung bakit. Basta ang alam ko badtrip ako sa WanderGals. Kaloka talaga ang mga nangyayari skin ngayon.
"How about Yumi's number? May cellphone ba sya?" Tanong naman ni Ethan. Kaloka lang. May balak talaga syang ituloy ang pantitrip nya ah? "Mga lalaki talaga" bulong ko sa sarili ko habang iniikot ang ulo ko from right to left and again with disappointment. "Yun pa nawalan ng cellphone? E halos adik na yun kakatext at kakasurf sa net!" Narinig kong sabi ni Christina. Para akong tanga. You know why? Kasi nagtatago lang ako sa isang bench habang pinapanuod silang nag-uusap. Ang saya nila ha? Ako pa yung topic nila -_-
Lahat talaga kailangan ibulgar? Graviiee na ituu!! \|/
"Can I get it?" Ethan told them shyly. Nahiya ka pa? Uror. Wala kang hiya diba? Lol
"Here" Inabot ni Kathy ang phone nya kay Ethan. Then binalik na ni Ethan. Lalabas na nga ako. Tatanggali ko na lang tong inis ko. Hindi ko matitiis ang WanderGals ko
Lumabas na ako at nagpakita sa kanila. "Hey Gals! Wow ha. Ang saya nyo ata? Hindi nyo man lang ako sinali. Mind if I Join? " Sabi ko habang nakasmirk. "Uh. Sure you can" sabi ni Ethan. "Kk. Gals.alam nyo bang halos 1 hour na tayo dito? Malapit na matapos ang class natin oh. Baka maabsent pa tayo" pagpapaalala ko sa kanila. "Oh. I forgot! Sorry Ethan just text me for the other details'' sabi mi Kathy. Talaga tong babaeng to. Nasa loob ang kulo e.
Nauna na ako maglakad at nagaabang ng masasakyang jeep. Lagot talaga kami kay Prof neto! Baka ibagasak nya kami. Basta I'll just say na Traffic na lang. Hihihi. Heavy Traffic Malapit na yung jeep na konti ang laman at pinara ko ito. "Gal! Hintay!" Sigaw jo Kathy habang hinahatak si Christina papunta sakin. Uror. Talaga to. Pasalamat sila mahal ko sila. Hihihi. ♡♡ Sabay na kaming pumasok sa jeep. "Gal! Sorry ha! Hindi ko naman inaahas si Ethan. Actually, He is asking me a lot of stuffs about. I did tell them kung saan ang bahag natin" sabi ni Christina habang kinikilig pa. "I think nalove at first sight sayo si Ethan!" Pahabol pa ni Kathy "Anlahoy" nasabi ko na lang habang nagblush. "Grabe Gal! Ang pula mo! Nadaig mo pa ang kamatis ha? Bongga ka! ^_^ Pwede bang ikaw na lang isahog ko sa spaghetti?" Sabi ni Kathy. Talaga naman. Hindi ko na lang sila pinansin.
Nakarating kami sa School ng bandang 10:00. Tumakbo na kami sa math room namin na pagmamayari ng bruho naming Prof na adik sa Kape. "Bat ang tagal nyo? Naglakwatsa pa kayo ha?! Parang kape lang antagal nyo pang bumili! Nadaig nyo pa ang pagong sa sobrang kabagalan! Gusto nyo bang ibagsak ko kayo ha?!" Sabi ni Pof na adik sa kape -_-
Famous Line na naman nya! Lol. Adik talaga si Prof. Gusto nya bang ipatanggal ko sya sa school na to? Para sabihin ko sa kanya ako ang may-ari ng school natoh? CHossccxxzzz!! ^_^
Nanahimik na lang kami. At binigay yung Mocha Frappe ng Prof naming adik sa Kape -_-
Hindi man lang kami hinayaan magExplain. Grabe na ituuuu!! At nagpatuloy sa discussion nya tungkol sa kape. Oo. Ganyan sya kawild sa kape. Lol. 30 minutes na lang din naman ang itatagal nya sa mundo. CHOSXCZ. Malapit na kami magtime e. Antagal ng klase namin noh? From 8:00 to 10:00. Churvapekels. Kaya ayun tumunganga na lang kami at nakinig na lang sa lecture nya about sa kape. Grabe! Magaling din naman sya ah. Andami kong nalamang tungkol sa Facts ng Kape. HAHAHAHA. May bago na akong tawag sa Prof naming adik sa Kape.
Si KapePekels. HAHAHAHAHA. MEDYO HARD XD! ^_^ Gora na lang sa kwento ko.
After school. Umuwi na kami. 3 subjects lang naman e. Nagdesisyon kaming umuwi na lang at manuod ng horror movies. HIHIHI. Gusto ko ituuu ^_^
*Bahay*
"WAAAAHHH!!! Katakot!!!!" Sigaw ni Kathy. "Kakabingi ah!" Sigaw ko pabalik. Actually, kapag nanunuod kami ng horror. Tahimik lang ako at minsan tumatawa na lang ako bigla. Sinabihan pa nga nila akong baliw e. Kalurkey lang. Nanahimik na kami at tumutok na sa pinapanuod namin. Hindi na sila natakot. Tumawa na lang ako ng pabulong baka sabihan na naman ako nila ng "BALIW" Nahiya naman ako sa kanila. Lol.
Mga 6:00 pm na nung natapos na kami sa panunuod. Grabe ha. Nagutom tuloy ako. Kumain na kami ng dinner. Aga namin kumain noh? Ganyan talaga kami para the rest ng time. Parteiyyy Time na lang ^_^ . Pero ngayon? Natulog na lang kami ng maaga. Kakapagod din naman e. Nagdasal na ako at natulog.
*Beep Beep*
1 message received
From:+639*********
Hi Yumi :)
Who the Heck is this? Negapekels naman oh. Gabing gabi na! Nagtext pa! Oh yan! Umandar na naman ang kamalditahan ko. XD. Ganyan talaga ako kapag gabi na at nagigising ako ng wala sa mood. Kaya wag na wag nyo akong subukang gisingin pagnatulog ako. Lol.
Hindi ko na lang nireplayan si Unkown. Malay ko ba kung. Malay lang ha? Baka Scam yun o Rapist o di kaya Sindikato o Magnanakaw? Pano na ang beauty ko? Sayang ang ganda at talino ko kung masasayang lang. Pinatay ko na ang phone ko. At natulog na ^_^
---------
Guys! Please vote and comment. Im giving all my efforts para magustuhan nyo XD
Hope yah like it! ^_^ Saka kung mapapansin nyo malayo pa ang mga happening sa story kesa sa mismong Tittle at theme nito. Just keep supporting :)
Be A FAN ♡♡