Hanggang sa nalaman kung kaya pala siya ganun kasi sila na nun isang member ko din na kaibigan at kaklase ko pa. (Sh*t! Bakit siya pa? Madami naman iba. Bakit siya pa? Kahit kailan talaga panggulo siya sa buhay ko.)
Yung babaeng naging girlfriend niya ay naging karibal ko din siya sa dati kung boyfriend. Hindi ko alam kung bakit palaging ako na lang yung inaagawan niya. Dati inagaw niya boyfriend ko tas ngaun yung manliligaw ko naman. (Lord, Bakit ko ba siya nakilala? Ginigulo lang niya buhay ko.)
Hinayaan ko ang lahat. Nagdaan ang birthday ko. Hindi ko na sila pinakialamanan. Masaya na sila eh, guguluhin ko pa ba? Hahaha :D
Kapag nasa school na ako hindi ko pinapansin yung girlfriend niya (Syempre nasasaktan ako) Palagi silang magkatext minsan pa nga magkausap pa. Wala akong pakialam sa kanilang dalawa kaya yung studies ko na lang ang inaasikaso ko. (Yung girlfriend kasi niya parang hindi seryoso sa pag-aaral. Hindi niya ako katulad. Ako kasi kapag sinabi kong aral talagang aral.)
November 15, 2009 ...
Naging kami ulit ng ex ko. Wala naman kasi kaming Officially Break-up dahil nawalan kami ng communication. (Ganun naman palagi eh!!) Nalaman ni AGB yun at nagselos siya. (May girlfriend na nga nagseselos pa?) Every time na mag-ggm ako at may number sa dulo. Palagi siyang nagrereact. (Dun ko nalaman na "SELOSO" pala siya. HAHA) *Corny noh! Hindi kami pero nagseselos*
BINABASA MO ANG
My First And Last Love
RomanceHindi lahat ng relasyon sa text ganito ang nangyayari. Kadalasan hanggang text lang talaga yung iba at hindi pa seryoso. Madami talagang imposible sa mundo na pwedeng mangyari. :) Kaya kapag nahanap muna yung taong para sayo wag muna itong pakawalan...