January 6, 2010 ...
(Hindi ko alam na nag-usap silang dalawa. Magkikita sila ng araw na toh. Mag-aaway sila ng dahil lang sakin. Nakipagkita ako nun sa boyfriend ko. Sinabi nga niya sakin na magkikita sila ngaun ni AGB. (Kinabahan ako. Baka kasi kung ano ang mangyari.) Umamin sakin ang boyfriend ko na may dala siyang pocket knife. @.@ (Gosh! Nagulat ako dun. At mas lalo akong kinabahan sa maaaring mangyari) Sinabi ko sa kanya na itapon na lang niya yun baka kung ano pa ang magawa niya kay AGB. :( Nagmakaawa ako sa kanya kaya sinunod niya ako para itapon yun.
Magkatabi kaming nakaupo ng boyfriend ko nun. Kasama namin yung mga kaibigan ko. Ng biglang may tumawag sa likod ko.
(Nippy?)
Paglingon ko nandun si Nippy si Win at si AGB. (Totoo nga na magkikita sila.) Napatayo ako ng makita ko si AGB. Susugurin na sana ni Nippy yung boyfriend ko pero bigla akong nagsalita. "Tama na. Wag ninyo na palalain pa to." Hindi sila kumibo. Tumayo ako sa harap ni AGB. Tiningnan ko yung mga mata niya. (Gustong-gusto ko siyang kausapin kaso hindi ko maiwan yung boyfriend ko nun baka kasi kung ano gawin nila Nippy. :( (Ayokong magkagulo dahil lang sakin. Ayokong may masaktan.) Pagkatapos nun umalis na sila. Pinauwi ko na din yung boyfriend ko kasi uuwi na din ako.
BINABASA MO ANG
My First And Last Love
RomanceHindi lahat ng relasyon sa text ganito ang nangyayari. Kadalasan hanggang text lang talaga yung iba at hindi pa seryoso. Madami talagang imposible sa mundo na pwedeng mangyari. :) Kaya kapag nahanap muna yung taong para sayo wag muna itong pakawalan...