20

13 1 1
                                    

Inilapag ni Andy ang dark blue niyang barong sa kama. Hindi siya makapili sa susuotin ngayong gabi para sa annual gathering ng Society. Gusto niya mag-barong, pero parang nakaka-guwapo din mag-tuxedo, sabi niya sa kanyang sarili. 

Samantala, pawis na pawis na si Chuchay at sumasakit na mga kamay niya kaka-plantsa ng mga damit na sinusukat ni Andy.

"Grabe ka serrr! Daig mo pa babae!" nasabihan tuloy siya ni Chuchay.

"O sige. Last na talaga. Su-suotin ko tong barong na to, tapos sabihin mo kung OK to kesa dito sa tuxedo na to." Sabay ang hubad ni Andy sa coat at palit ng camisa-de-chino niya.

Isinuot niya ang barong at inayos to ng kanyang mga kamay. 

"O, ano mas OK? Eto o yung kanina?" Andy said, modelling infront of the mirror. Sinuklay pa niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay.

At halos maging hugis puso ang mga mata ni Chuchay habang pinagmamasdan si Andy! Kulang na lang ay mabulol siya ng sumagot dito.

"Ang guwapo mo talaga, serrr!" Nasabi tuloy ni Chuchay. "Ayiii!" Bigla siyang namula at natauhan. "Kako, mas bagay sayo ang ganyan, serrr! Lalaking-lalaki!"

"Oo nga. Sige, sabi mo din!" Natawa si Andy, sabay ang ayos pang muli sa kanyang barong.

Hindi namalayan ng dalawa na pumasok pala si Lolo Antonio sa kuwarto. Nagtataka ang matanda at pasado ala-sais na ngunit hindi pa din nababa ang dalawa para saluhan siya kumain ng hapunan.

"Ano bang ginagawa niyong dalawa ere't di pa kayo nababa para kumain?" Bungad ng matanda. "At gayak na gayak ka ata Andy, saan ba ang lakad mo, hano?"

Napalingon si Andy sa matanda. "Ahh..." Nag-isip pa siya ng rason. "Eh, may event sa ospital ngayong gabi, Lolo. Nalimutan kong sabihin sa inyo..." Paliwanag na lamang niya. 

"Ahh..." Napatango ang matanda, ngunit parang may pagdududa ito sa sagot niya. "Ganon ba? Taon-taon kasi...may ginaganap na pagdiriwang dito sa Cabanatuan na dinadayo daw eka ng mga mandurugo... Bali-balita lang naman 'yon. E kako, baka mamaya yon ang pupuntahan mo?"

Andy just chuckled and quickly dismissed the thought. "Lolo naman!" Sabi niya lang. "Tinatakot mo naman ako! At kung mga bampira yon...di naman siguro nila ako iimbitahin dumalo don!"

"At d'yan ka nagkakamali, hijo! Maraming namamatay sa maling akala, tandaan mo! Basta mag-iingat ka, Andy. Dala mo ba yung binigay ko sa yo na pangontra bampira?"

"Oo naman, Lolo. I have that with me everywhere I go." Nagsinungaling si Andy. Ang totoo ay iniwan niya ang pangontra na yon sa drawer ng kanyang lamesa sa kuwarto. Sakaling may mangyari sa kanila ni Anya...ayaw naman niya siguro na ang natatanging sisira ng gabi nila ay ang pangontra na yon!

"O siya, hijo. Basta mag-iingat ka at ng mga kasama mo, hano." Lolo Antonio then squeezed Andy's shoulder, as he bade his goodbye to his grandson. "At wag na wag kang magkakamali na mag-uuwi ng bampira dito! Tandaan mo na walang lugar para sa kanila sa bahay ko! Nagkakaintindihan ba tayo?"

Natawa si Andy. Naamoy niya kaya ang mga plano ko? HAHAHA! Gusto niyang humalakhak.

"Nako. Purrro bawang nga 'yung kwarrrto namin ni mama, ihh!" Biglang hirit ni Chuchay. "Takot na takot pa din siya sa nangyari nung piyesta sa plaza!"

"Anyway. I'll go ahead na, Lolo. At wag mo na kong antayin umuwi mamaya, Chuchay. Sa ospital na ko matutulog, ha." Paalam ni Andy na may halong kilig sa dulo ng kanyang sinabi.

The EcijanosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon