21

3 0 0
                                    

Inayos ni Christina ang kanyang sarili sa harap ng salamin. She was currently retouching her make-up in the bathroom with her girlfriends, who were still busy inside one of the dressing rooms. At rinig na rinig ni Christina ang pagtatalo ni Rochelle at Steffi sa loob ng dressing room dahil hindi sila magkasundo sa ayos ng kilay at buhok ni Rochelle!

She smacked her glossy, red lips infront of the
mirror, as she tried to model a smile.

Hindi siya magpapatalo ng outfit at itsura tonight, wika niya sa sarili. Kung itsura lang naman ay hindi na tinatanong yon, kako pa niya. At kung sa outfit? Christina rocked a classic black Alexander McQueen one-arm lace sleeve gown that she matched with a pair of Gucci leather pumps, chandelier earrings, and a Gucci metallic silver florentine white gold cuff. She also had medium curls at the end of her hair.

Boom! Tapos ang usapan.

"Hindi pa ba kayo tapos d'yan!" Christina called out at the two. Nainip na siya. And of course, she wanted to see if Andy already arrived in the venue with Anya.

Finally, the dressing room door opened and out came Rochelle, clad in a loud red-colored Chloe midi-dress (where she looked like a matrona once more); while Steffi wore a black Prada pleated tulle midi-dress.

"Are you guys ready?" Christina asked excitedly, checking herself for the last time in the mirror. "I want to stun everyone tonight!" Sabi pa niya. Pero nang lingunin ni Christina ang dalawa—ay halos ihagis niya ang lipstick niyang Chanel sa ere! She gasped in horror when she saw Rochelle's eyebrows!

"Ngak!" Hindi mapigilang mag-react ni Christina. "Anong ginawa mo sa kilay niyan?" She turned at Steffi. "Pentel pen ba ginamit mo d'yan! It looks so fake! At beh! May pera ka naman pampa-tattoo ng kilay—pero bakit ganyan!"

"Luh!" Steffi defended herself. "Siya naman may gusto!" She said, pointing at Rochelle.

"Beh! Sa 'ting tatlo, ako ang pinakamatanda dito. At gusto ko mukha akong matrona na maraming pera, kahit walang jowa! Ako nga lang sa 'tin apat ang walang date ngayong gabi, tapos aawayin niyo pa ko! Kaya pagbigyan niyo na ko!" Rochelle answered to her defense.

"Eh ano ka ba naman, Rochelle!" Reklamo pa din ni Christina. "Dapat maganda tayong magbabarkada noh! Panira ka naman ng moment, eh!" Napairap tuloy si Christina. "Burahin mo nga yan, ako magkikilay sa 'yo! At sigurado ka, yan talaga itsura ng buhok mo?"  Christina pointed, referring this time to Rochelle's so-called 'wavy hairstyle' na mukhang kinahid ng manok! "Hindi ka mukhang bampira, beh! Mukha kang mangkukulam na nakatira sa kweba! Ayusin nga natin!"

"So ano ang sinasabi mo? Na panget ako?!" Hamon ni Rochelle.

"Ganon na nga, teh! Makinig ka na lang sa 'min ni Christina kasi!" Sagot ni Steffi.

"Ay naku! Dami-dami niyo pang sinasabi!" Reklamo ni Rochelle. "Gabi na ekat baka nagwawala na yung bading sa baba! Tara na nga't mag-selfie muna tayo hano, para ma-post sa Instagram!" She said, pulling the two girls to her sides. "Dali Steffi, labas mo yung bagong celphone na bigay ng boyfriend mong seaman! At umayos ka ha! Kapag mag-pose ka beh para kang may scoliosis parati!"

Steffi then brings out her cellphone and stretches her arm for the three of them to fit in.

"OPPO!?" Reklamo ni Rochelle, just as she saw the logo on Steffi's phone. Parang nandiri siya na hindi mo maintindihan! "Yan ba ang bigay ng boyfriend mong seaman? Bibilhan na lang kita ng iPhone 8, masyado kang OP sa barkada natin! Kaya ayaw ko mag-jowa ng hampaslupa, eh...can't afford ng magandang cellphone!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The EcijanosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon