"nay yssabelle" tawag sa akin ni nena, nakita ko naman siyang may hawak na litrato
"nay sino tong gwapong to"
"siya si tito bryan mo"
"ahh yung boypren niyo ho" maya mayay tanung niya habang nakatingin sa sakin, "Hmm" tango lang ang naisagot ko sa tanung niya,
Hindi pa alam ni nena ang tunay na nangyare, ang alam niya lang ay boypren ko si bryan,
"Hmm diba nay mahal ka ni tito bry"
" oo sobrang mahal"
"eh nasan siya nay, bakit di mo kasama, at ng mawala siya nay hindi kanadin nagtangka mag asawa, pasalamat nalang nga ako at ikaw nakakuha saken sa bahay ampunan,"
"Hindi siya nawala nena, andito siya"
Nakita ko naman na naguluhan si nena sa sagot ko,
"Kung nandito siya nay, tara na nay punta tayo sa kanya" masayang aniya nito sabay lapit sa akin, nginitian ko muna siya bago sumagot ulit.
"Hindi tayo makakapunta sa lugar niya dahil nandito tayo sa mundo"
"ha? "
"sa madaling salita, iba ang mundo niya sa mundo naten"
"pero alam kong nandito siya"
Kita ko kung paano naguluhan tong batang ito sa sinabi ko.. Narinig ko nalang siyang lumapit saken mukang interesado siyang malaman..
"eh kung nandito siya eh nasan nga nay" gulu gulung tanung niya, lumapit ako bahagya sakanya, at ganun din siya di na kasi ako masyado makalakad at matanda na ako mahina na ang mga tuhod ko, si nena nalang ang nakasama ko sa buhay,
"nandito" itinuro ko ang puso ko sa kanya, nakitaa ko naman siyang lalong naguluhan.
"halika nga dito" pagbabasag ko sa katahimikan sa pagitan namen.
"naniniwala kaba na nandito siya"
"hmm" -alinlangan na sagot nito.
"dapat kang maniwala kasi buhay ako" masayang aniya ko dito, inaalala lahat ng nangyare.
Hindi kona pinatagal pa ang pagiging balisa at pagkalito kay nena, pinaupo ko siya malapit sa akin at tinignan sa mga mata,..
"Nay ano ho bang nangyare" kamot sa ulo niyang tanung, wala akong nagawa kundi ngumiti habang kinuha ko ang litrato ni bryan
"mahal, malapit na tayo mag kasama, hindi man dito sa mundo ko, kundi diyan sa mundo mo, na magiging mundo ko" - emotional kong tugon sa sarili ko.
Bago paman ako maging emosiyonal, hininto ko ang paghawak sa litrato ng mahal kong si bryan at inumpisahan ko nang magkwento, sa sobrang daming nangyare baka katulugan na ni nena ang sasabihin ko,.
Inayus ko siya ng higa sa binti ko at sinuklay suklay ko ang mahaba niyang buhok, kagaya nga ng sinabi ko, hindi na ako muli nag asawa pa dahil hindi naman talaga nawala si bry. Nandito siya, nandito siya palagi, nandito siya sa puso ko..
"Nay" nakakunot aniya nitong si nena.
"nay ano hong sunud na nangyare" -naiinip na aniya nito
"hmm nay wait, may tanung ho ako"?
"ano yun?"
"bakit ho ganun, bakit pa pagtatagpuin ang dalawang tao.kung hindi rin naman para sa isat isa?!"
Napangiti ako sa sinabi nitong si nena. Nalala ko ang pinanghawakan kong salita.
"hindi ako umalis, hindi unfair ang mundo, nandiyan lang ako sa puso mo..
oo pinagtagpo tayo pero hindi itinadhana,dahil hindi naten pagaari ang mundo, hihintayin kita, hihintayin kita hanggang sa huli ng aking hininga.
I LOVE YOU FOREVER..."
Masaya kong inumpisahan at inalala lahat ng magagandang ala ala nung nandito pa si bryan sa mundo ko, kung paano namen hinarap ng magkasama ang lahat ng pagsubok na mangyayare sa bawat buhay namen.
![](https://img.wattpad.com/cover/228065366-288-k305363.jpg)
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU FOREVER [soon]
Casualehindi ako umalis, hindi unfair ang mundo, nandiyan lang ako sa puso mo.. oo pinagtagpo tayo pero hindi itinadhana,dahil hindi naten pagaari ang mundo, hihintayin kita, hihintayin kita hanggang sa huli ng aking hininga. I LOVE YOU FOREVER...