C H A P T E R 21

44 7 0
                                    


Zarine's pov

Matapos ang tahimik na byahe nakarating din kami sa kainan namin, habang kumakain kay yzel talaga ako tumabi.

" Bal, bat ang ang tahimik niyo ni kent? May nangyari ba? " biglang tanong ni yzel, siguro napansin niya na, lahat nga ata sila eh.

"Ah wala, tahimik naman talaga ako ah? Baka siya lang may problema"

tumango tango nalang siya, buti naman nanahimik na'to.

--

Papauwi na kami at sabi nila ay ihahatid daw muna ako bago sila dahil meron silang sasakyan, um-oo naman ako dahil mag tamang tama mag gagabi narin, pero bago iyon mag picture muna daw kami lahat sabi ni yzel tss, para siyang si tita angel mahilig magpicture sa lahat nalang.

"Oo nga pala zarine, birthday ko next week, icecelebrate ko ang birthday ko sa bar ,punta ka ha, kayo kasama ko mag celebrate ngayon." biglang sabi ni yohan

Sa bar talaga? Sabagay nasa tamang edad narin naman kami kaya pwede na, ngapala dito muna daw sila mag stay sa manila at kumuha muna sila ng condo dito, hanggang birthday ni yohan kasi para hindi na malayo ang byahe nila. Mga yayamanin kaya ganon.

Sumang ayon naman ang sila pati ako pero ang boys ang pinaka natuwa dahil inuman nanaman daw, maliban kay kent na seryoso lang pero nakikinig din siya.

"Aasahan ko iyan ha," at tumingin sakin "Lalo na ikaw zarine "

" Oo naman! Makakaasa ka " nakangiting sabi ko

"let's go, it's getting late. " seryosong sabi ni kent.

Natahimik naman ang lahat, at sumakay na kami pero dun parin ako nakasakay sa kotse ni kent, seryoso parin siya habang nag d-drive, at dahil nga malapit lang ang bahay namin dun nakarating kami agad.

Nag paalam nako sakanila at tumingin kay kent.

"Thankyou pala, ingat kayo " tumango lang naman ito.

Wala bang kiss? Charot.

"Bye bal! Kita kits nalang ulit ! " silip ni yzel sa bintana, tumango nalang ako at kumaway sakanila hanggang sa mawala ang sasakyan nila sa paningin ko, sabi ko kay yzel dito nalang siya samin tumuloy pero ang kulit mas gusto niya daw sa condo.

Pumasok na'ko sa bahay at patay na ang ilaw, maaga kasi sila natutulog, pumanik narin ako sa kwarto ko para maglinis at humilata sa kama pero hindi pa natulog bagkus nakipagtitigan lang ako sa kisame at inalala ang nangyari kanina.

Malaki na ang ipinagbago mo kent, pero itong nararamdaman ko sayo ganun parin, lalo lang nga ata lumala ng makita kita ulit.

Ang rupok mo self!

Inalis ko na lang 'yon sa isipan at maya maya rin ay nilamon na ng antok.

---

Kinabukasan nagising ako dahil nag riring ang cellphone ko

" Hello Bal kong maganda!! , morningg!! Sorry to disturb your sleep! , Pasyal naman tayo ng mga girls mamayang 10 , Ang boring kasi dito wala ang boys, busy. " bungad ni yzel

Tinignan ko ang oras 8:30 na pala.

"Sige ba, Bakit kasama niyo ba ang boys sa isang room? " tanong ko

" Hoy hindi ah! Sa kabilang room sila"

" Bal, wag kana rin pala mag breakfast ha! Sa mall na tayo kumain, my treat! "

Secretly Loving You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon