Chapter Five

42 3 1
                                    

CAIRO'S POV

"Hey there!" bati sa akin ng babae sa likuran ko pagkarating ko sa eskwelahan kinabukasan. Hindi ko ito pinansin at naglakad na papunta sa room. "Transferee ka ba?" pagtatanong ulit neto at sumunod sa akin.

"Yeah." baling ko rito paharap.

"I'm Denise." inilahad niya ang kamay sa akin.

"Hmm." tango lang ang isinagot ko rito habang nakatingin sa kanyang kamay.

Agad ko naman inilibot ang aking mga mata upang maghanap nang maayos na pwestong pwedeng upuan. Napili ko sa gitna para matutok ko sa instructor ang aking atensyon kapag ito'y magsisimula nang magturo. Napansin ko naman iyong babae na tumabi sa akin.

"I guess you don't have any friends pa? Wala ka kasing kasama..." pagtatanong neto sa pinakamaarteng paraan.

"Yeah?" tipid ko namang sagot.

Tatango na lang ito habang nakatingin sa akin para bang sinasaulo ang aking mga mata at umayos na rin siya ng upo. At hindi na muling nagsalita pa.

"Sa labas tayo mag lunch ha?" matinis na pagsasalita ng isang babae sa bandang pintuan at napahawak naman ako sa tenga ko at napakamot.

Dalawa ang pintuan ng room namin. Doon ko narinig ang matinis na boses ng babae.

"Oo na nga. Naka ilang sabi ka na niyan Akisha!" masungit na aniya ng babae. "Excuse me, is this yours?" pag tanong niya sa babaeng nagngangalang Denise.

"Yeah thanks." pagtanggap niya sa nahulog na panyo.

Tinignan lamang ako neto ng walang reaksyon na mukha at naglakad na sa bandang harapan. Matapang umupo sa harap.

"Bakit tayo rito umupo?" rinig kong tanong ng kaibigan niya.

"Bakit takot ka ba matawag? Siguro hindi ka nag basa kagabi noh?" pang-aasar ng babaeng nagngangalang Yara.

"Edi ikaw na nakapag advance reading! Hindi ko pa nga dinaplisan ng tingin yung syllabus natin madam!" tatawa tawang sagot naman neto sa kaibigan.

Parehas tayo... Mukhang matalino ang isang 'to at higit sa lahat competitive...

Ilang minuto pa lang ay nagdatingan na ang mga iba pang mga kaklase namin, unti-unti naman na ring napupuno ang aming silid at ilang minuto pa lamang ay dumating na rin ang instructor namin.

Katulad din ng mga naunang instructor namin ang isang ito. Napakaraming kuda at habilin. Pero nakinig na lang ako.Pinagkuha kami ng isang index paper at ipinasulat ang aming pangalan at ang subject at schedule namin. Ang pagkakaiba naman nito sa iba naming instructor ay nagbigay ng recitation.

Agad na cinollect ng instructor ang mga index card at pinagsama sama sama niya ang mga iyon at siniulan nang bumunot ng isa. Yumuko naman ako at pinagdadasal na hindi ako ang mabunot. Dahil hindi ako handa at ayaw ko mapahiya. Patay! Mapapahiya ako neto kapag hindi ako nakasagot.

"Yara Celestine." biglang banggit ng instructor, nakahinga naman ako ng maluwag at hindi ako ang nabunot.

Agad naman na siyanga tumayo at mukhang handang handa na sa pagsagot. "What is the importance of research?" pagtatanong ng instructor kay Yara.

Abala naman itong tumikhim at tumayo ng maayos at nagsalita.

"The main purpose of research is to inform action/s, your study should seek to contextualize its findings within the larger body of research. Doing research equips us with our knowledge about the world and skills to improve our lives especially ourselves. On the other hand, finding some topics to discuss should go beyond our own personal experience in short, research must always be of high quality."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DIVE INTO LOVEWhere stories live. Discover now