Chapter One

71 4 6
                                    

YARA'S POV

"Manong! Wala na po bang ibibilis ang pagdadrive ninyo? Shocks! Late na po kasi ako." Tanong at panlulumong kong sambit sa jeepney driver. Binigyan niya ako nang nagtatakang tingin at bumaling sa gawi ko.

First day of school ngayon at mukhang malelate pa ako. Fuck this shit. Bakit ba kasi napuyat pa ako. Masyado ko yatang na-enjoy ang pagbabasa kagabi kaya natulugan ko ito tuloy ay ngayong umaga ko lamang napagsama sama ang mga gamit ko sa eskwelahan.

Hindi ko pa naayos ang mga ito at basta basta ko na lang nilagay ang mga gamit sa aking bag. Pagkatingin ko sa gawi ng driver ay akma na itong magsasalita tinignan ko naman ito ng may panlulumo.

"Ineng, hindi ko na kasalanan kong late ka o hindi. Bakit ba kasi ay late kang gumigising at isisi sa akin o kaya naman sa ibang tao na ikaw ay malelate na. Jusko, mga bata nga naman ngayon." sambit ng driver at ako naman ay nanahimik at biglang yumuko dahil ang mga ibang pasahero ay pinagmamasdan ako.

Nalulungkot akong napabaling sa labas ng jeep. Tama nga naman si Kuya. Bakit ba kasi ay late kang gumising. Yara naman, wake up! Pinagtinginan ako ng ilang pasehero at umiling. Yumuko na lamang ako sa kahihiyan.

Umayos ako nang pagkakaupo dahil huminto ang jeep ng magsakay ito nang bagong mga pasahero. Nakayuko pa rin akong umayos ng upo at may tumabi sa akin na lalake at ang isang lalake naman na pasahero ay pumwesto sa bandang harap ko.

Maya't maya ay biglang sumikip sa loob ng jeep. Abala ko naman inayos ang gamit kong nagkanda hulog hulog na sa sahig ng jeep na nasakyan ko. BAHALA NA! Sambit ko sa aking isip, inis na inis.

Tinulungan ako ng babaeng katabi ko na pulitin ang ilang gamit ko. Yung isang katabi ko ay walang pakialam sa iba. Tss, lalake nga naman, mga magaganda lamang ang mga tinutulungan. Duh Yara?! Like capital D-U-H. Maganda ka rin noh! Sabi ko sa sarili ko.

Abala ko namang hinanap ang wallet ko sa bag ko dahil nakita ko ang aming daan na malapit na ako sa aking bababaan, ngunit ganon na lamang ang gulat ko ng hindi ko makita ang wallet ko. WTF...

Aligaga akong yumuko sa ilalim nang aking inuupuan, tinanong ko pa ang nasa kanan ko ngunit wala raw itong nakita akma ko rin sanang tatanungin ang lalakeng nasa kaliwa ko ngunit halatang walang pakialam at kamalas malasang hindi ko na nakita iyon.

NAIWAN KO YATA ANG WALLET KO!!! PUCHA YARA!!! Bakit ba kasi. Hassle nang umaga mo, Yara. Haggardo Versoza Level 101. Tsk

"Ako na magbabayad ng pamasahe mo. Mukhang pareho naman tayo ng bababaan." sambit nang lalakeng katabi ko. Abala sa pagkuha ng barya. Napatitig naman ako rito at gulat na gulat na tinignan. Pinasadahan ko ito ng tingin ng ilang segundo. Napamaang ako ng makita ko na tinitignan na ako nito mukhang may sinasabi.

"Miss, sabi ko iabot mo ang bayad anong tinitingin tingin mo jan? Weird." napaiwas naman ako ng tingin at kinuha ang baryang inaabot niya.

"Ahh oo, eto na iaabot ko na." Baling kong muli sa kanya. At inabot sa babaeng nasa kanan ko. "Manong bayad po. Dalawa." Kinuha naman ng babae at inabot sa driver.

Muling kong tinignan ang katabi kong lalake na mukhang schoolmate ko. Magpapasalamat na sana ako ngunit bigla kong nakita ang earphones na nasa tenga na niya. At ang lakas niya magpatugtog. Napakaseryoso naman neto at ang sungit. Kala mo kung sino. Tss.

Ilang minuto pa lang ay pabababa na rin ako sa aming eskwelahan. Nakakaexcite.

"Manong para." Sabi ng lalakeng katabi ko. "Mauna ka."

DIVE INTO LOVEWhere stories live. Discover now