PROLOGUE

98 6 4
                                    

DIVE INTO LOVE

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

_____________

"Yara! Yara! Yara!" gulat ko ng isigaw ni Akisha ang pangalan ko pagkababa sa kotse nila at nagpaalam sa driver nila.

"Damn it, Akisha! You're fucking back!" gilaslas ko ng makita siya at niyakap at bineso beso ko siya. Tuwang tuwa uling makita siya.

Hanggang kailan talaga mahilig niya isigaw ang pangalan ko. Sobrang lambing at mukhang ewan kong makita ako. Tuwang tuwa ba.

"I know right. Kamusta ka? Ughh namiss kita!" pangangamusta ni Akisha sa akin. Tinignan niya ang kabuuan ko.

"Ayos na ayos syempre!" hinawi ko ang buhok ko papunta sa likuran at nakangiti kong iniwas ang tingin sa mga titig niya sa mga mata ko. Sinamahan ko ng pilit na pagtawa at muling ko naman ibinalik ang tingin.

"Ako pa talaga niloko mo magandang kong bestfriend. Tigilan mo nga ako sa pagpapanggap mo ha." Pag sunod ng mga mata niya sa mga mata kong ilang na ilang na.

Magaling talaga si Akisha manghula. Oo! Manghula... at mangilatis sa mga galaw ko. Titigan niya lang ang aking mga mata alam niyang nangpapanggap o kaya naman nagsisinungaling lamang ako.

"Siya parin ba?" ani Akisha. Bigla naman akong umiwas sa mga tingin niya. "Ano? Yara tinatanong kita." Pangungulit ni Akisha.

"Alam mo naman hirap ako, hindi ba?" maririnig ang panlulumo sa aking pagsasalita ngunit hindi mawawala ang mga pilit na ngiti sa aking mga labi.

"What the hell, Yara? Its been years. Move on girl! Ano ka ba naman." kinuha niya ang mga braso ko at hinawakan ang mga yon at tinignan sa mga mata.

"Masaya na siya tapos ikaw umaasa, nanlulumo, at nalulungkot." pamamangkra ni Akisha sa harap ko.

"Come on Yara. You're beautiful, oh wait. You're not just beautiful. Lahat ng katangian ng babae nasa sayo na." doon niya ako binigyan ng matamis na ngiti.

Akisha... Ang hirap... Halos itulog ko na lang araw araw ang sakit na nararamdaman ko. Nasa ganon kaming sitwasyon ng biglang may humintong sasakyan sa likuran namin.

Cairo?!! Holy fucking shit...

Ganon na lang ang gulat kong makita si Cairo na may kasamang babae. Matangkad, maputi, singkit at may arte sa katawan. Inalalayan niya itong bumababa sa magara niyang sasakyan.

"Ahh! Isha! Wag mo na lang intindihin yon. Let's have some coffee. For sure na miss mo yun at ngayon ay kasama mo na ulit ako! Kwentuhan mo ako ha!"

Pagiiba ko sa usapan at pilit na ngiti ko siyang tinignan at ginuyod papalapit sa malapit na Coffee shop at ganon na lang din ang panlulumo ko ng makita ko si Cairo na may kasamang iba. Mukhang masaya.

Para akong binagsakan ng langit at malalakas na ulan sa mga mukha ko sa nakita ko. Kaya agad ko na lang iniwas si Akisha sa lugar na iyon dahil alam kong magdadaldal na naman iyon dahil magkaparehong hangin lang ang nilalanghap namin pare pareho at paniguradong manlilisik ang mga mata ni Akisha sa makikita niya.

Makalipas ang isang oras ay masaya kaming lumabas. Busog na busog at tuwang tuwa dahil sa mga kwentuhan namin. Minsan pa nga ay nakakabungguhan namin ang mga taong nakakasalubong namin habang papunta sa parking lot.

Ganon kami kakulit mag-usap.

Laking gulat ko ng may natapon sa harapan ko at tumilamsik yon sa akin at natigilan sa taong nasa harap namin. May nakabungguhan na naman kaming tao at pamilyar ang taong yon.

"What the... Pwede bang tumingin kayo sa dinaraan niyo?" gulat at galit na gilaslas ng babaeng nasa harap ko at gulat akong napatingin sa kasama at nanlaki ang mga mata ko kung sino iyon. "Kita niyo naman daanan ng tao at ang gulo niyo sa daanan?!"

Cairoo... Napatitig ito sa akin ng makita ako.

Hindi ko na napansin pa ang sinasabi niya dahil sa gulat ko sa inasta ni Cairo at matagal kaming nagkatitigan ni Cairo at ganon ang gulat ko na naguusap ang aming mga mata.

"Hep! Hep! Hep! Sorry miss ha. So kailangan mageskandalo? Porke maganda ka ay eskandalosa kana?" sambit ni Akisha. Iritang iritang hinarap ang babae.

"Akisha. Stop. Please? Its our fault. Come on." pampipigil ko naman sakaniya.

Nagkatinginan kami ng ilang saglit at alam ko na ang ibig sabihin ng mga iyon at gulat din siyang napatingin sa kasama ng babae.

"Uhm. I'm sorry Miss. Hindi namin sinasadya. I'm really really sorry." Sambit ko, akma kong pupunasan ang natapon na inumin sa kanyang damit.

Hinila ni Akisha ang kamay ko at binigyan niya lang ako ng mapait na tingin at inikutan lamang niya ako ng mata at tinalikuran.

"Let's go, Cairo. Jeez. I'm so basa at ang lagkit neto. Kadiri!" rinig kong sambit ng babae.

Inis niyang hinawakan ang puting damit niya na natapunan ng inumin. At agad naman niyong pinunasan ni Cairo at pinakalma ang babae.

Sana maramdaman ko ulit yung ganyan pakiramdam, Cairo... Sana ganyan din ang alagang ginawa mo...

Hinayaan namin silang umalis at kami naman ay dumiretso sa aking sasakyan para ihatid pauwi si Akisha. Muling kong tinignan ang gawi nang babae at ni Cairo at gulat ko na lang ang pagkakatitig sa akin ni Cairo. May sinasabi. Hindi mo mababasa, maririning o mauunawanan pero mararamdaman mo ng buong puso.

Ang mga mata mo... Mga mata mong alam kong malungkot... Cairo, basang basa ko sa mata mo... Sana totoo ang nasa isip ko...

AUTHOR'S NOTE:

Hi guys!

Sorry if may mga grammatical errors, typos and wrong spellings.

Pwede kayong magvote sa mga favorite niyong chapters and feel free to comment sa mga lines na nafeel niyo! :)

Sana ay suportahan niyo rin ang istoryang ito. 

I hope you'll like it! Abangan ang susunod na chapters! =)

FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNT:

TWITTER: @yoitsmelouise

DIVE INTO LOVEWhere stories live. Discover now