****
"Ugghh!!" I stressfully closed my laptop and rubbed my eyes.
"Next week na ang deadline nito di pa rin ako nangangalahati."
I sipped on my coffee. "I need to refresh."
Lumabas ako ng kwarto ko at tumungo sa kusina. At naabutan ko dun si Tanya. Na busy sa pagnguya.
"Oh Isabel. Andyan ka pala."
"Ano yan? Ba't ka nandiyan sa kusina ko?"
"Baket? Wala na ba kong karapatang kumaen? "
"Wala. Lalo na kung pagkain ko yang kinakain mo." inirapan ko siya sabay kuha sa kanya ng Belgian waffles ko na hawak-hawak niya.
"Ang damot mo talagang hayop ka." Hinampas niya ko sa braso.
"Kelangan din magdamot minsan para mabuhay. Nararamdan kong maghihirap ako next week."
"Tanga. Belgian waffles lang maghihirap na agad? Style mo Isabel ha. Nagdadamot ka lang eh."
"Heh! Namomroblema na nga ako sa trabaho ko eh papoproblemahin mo pa ko sa pagkain ko."
"Baket ba?"
"Di pa ko nangangalahati sa novel ko. Next week na yung deadline."
"Anong inaalala mo dun?"
"Baka sisantehen na ko. Sabihin ang bago bago ko di ko agad na-accomplish yung pinapagawa nila."
"Ang nega mo. Kelangan mo lang makipagcollaborate. Kulang ka kasi sa inspirasyon eh. Kaya di gumagana yang kukote mo."
"Ganun?"
"Yes. At si Cristina ang makakatulong sayo."
My brows curved as I heard the name.
"Cristina? Who's she?"
"Basta. I'll introduce her to you."
*****
"Cristina. She's the supervisor." Malakas na sabi ni Tanya habang naglalakad sa hallway ng publishing company na pinagtatrabahuan namin.
"What? Eh tanga ka pala eh. Yung hihingan naten ng tulong yung supervisor naten?"
"Oo. Tumpakchenez."
"Wag na. Ayoko. Sabi nila suplada daw yun. And I can do it all by myself."
"Sige. Bhala ka. Ikaw naman mawawalan ng trabaho eh. Hindi ako."
Napaisip ako. After 3 seconds..
"Sige na nga. Payag na ko." Sabi ko kay Tanya.
"Pinatagal mo pa ng 3 seconds papayag ka rin pala. Tara!"
*****
"Yes?" She turned to face us with her arched brows.
Napalunok ako. She was so beautiful. She was so perfect. A Goddess. And I can't take my eyes off of her.
"Cristina. Kelangan namin yung tulong mo."
"Oh. Tanya. Ikaw pala."
I was confused. Close sila?
Nakita ni Tanya ang pagkalito sa mukha ko.
"We we're highschool buddies."
Cristina smiled at me. Nakahinga ako ng maluwag.
I smiled back.
"I'm Isabel." I offered my hand for handshake.
She stared at me for a moment.
"Cristina." Our hands met and after that our story has started.
BINABASA MO ANG
Can I Have You? gxg (Short Story)
RomanceThis is a gxg Romance. Open-minded readers only. Rude comments will be reported. So beware.