Ashley.
Huhay! Dito ako ngayon sa kwarto ko sa bahay ni Angelo. Ang tahimik nga e, kahit na dito si Russio wala parin makakatalo kay Angelo kasi si Angelo yun e! Mahal yun ng bayan! Chos. Dalawang araw na ng makilala ko yung dalawang pogi pero hindi na kami nagkita. Wala narin naman akong paki. At malapit na bithday ni gaga! Hmp! Di parin gising punyeta
Hindi, na mimiss ko na talaga yung gagung yun! Kasi naman parang kaylan lang hinahabol ko sya tapos na bangga sya tas parang kahapon lang sya nabangga dahil wala parin nagbago sakanya, except sa buhok nya na kulay peach na nagblack na sa anit nya na humaba na ngayon. Long hair na si gaga!
Umupo ako sa kama ko at tatawagan na sana si Shane kung okay lang si Angelo. Thursday ngayon mga dai. Mamaya pa ako pupunta don. May pasok pa ako.
Ay! Nasabi ko na ba na umaga ngayon? Pwes na sabi ko na, kaya okay na. Magpalate muna ako ngayon. Nababadtrip ako sa Science! Unang klase namin! Kakabwesit! Lahat ng subject prenoblema ko na! Sipag ko naman! Puta.
"Uy! Ashleng! Hindi ka na naman papasok? Putangina! Ilang beses na ako nagexplain sa teacher! Wala na akong maexplain ngayon kung aabsent ka--!" Sigaw nito saakin. Nakabukas kasi yung kwarto kaya ang lakas ng boses, siguro abot hanggang puso mo. Chos!
"Sino ba nagsabi na aabsent ako? Para mahambalus ko ng bag ko." Blangko kong sabi. Wala ako sa mood, mayron ako e.
"Yung bag mo. Diba bag?" Hindi nalang ako nagsalita at kumuha na ng twalya. Nabwenwesit ako sa pagmumukha ni Russio. Lagi ko nalang nakikita. Pwes mamaya may kalandian narin ako kaya okay na rin naman yan
Natapos na ako maligo at nagbihis na. Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita ko si Russio na nagseselpon sa sofa habang hinihintay nya ako. Aww, para kaming magcouple! Haha, joke.
"Tara na friend. Super late na tayo." Sabi nito at tumayo na saka sya lumabas. Sumunod lang ako sakanya hanggang makasakay kami ng jeep. Nagkwekwentuhan kaming dalawa ni Russio ng huminto ang jeep at bumaba na kami. Pumasok na kami sa school at hinintay na makapasok sa classroom.
"Bakit parang badtrip ka?" Tanong ni Russio.
"Panong hindi mabadtrip, eh papasok na naman." Iritadong sabi ko
"Wow!! Parang pumasok ka ng tuloy tuloy ah!" Aba? Taena nitong baklang to.
"At least mataas grade." Proud na sabi ko. Huh! Kala ni Russio ha!
"Tangina mo friend." Sabi nito. Ngumiti lang ako sakanya. Paki ko?
Pumasok na kami sa room namin at walang teacher! Yeheyyy!
Nakipagkwentuhan ako sa mga babae dito na pabebe. Kung magsama-sama kaming mga babae karamihan madaning ka MU, haha! Ganon talaga mga kabataan ngayon.
"Uy friend! Pahiram naman ng liptint!" Si Russio. Syempre kung bakla sa babae sasama. At ang saya kapagmaybakla kang kasama. Buti nalang dalawang bakla lagi kung kasama.
Binigay naman ni Giselle ang liptint nya kay Russio.
"Uy mga friend may bago kaming kalandian ni Ashley! Pinapunta pa nga namin sa bahay e!"
"Ows? Sino bes?" Yaks plastik. Lumapit ako kay Russio.
"Russio. Di ako papasok mamaya. Babantayan ko si Angelo. Ikaw na bahala kung ano eexplain mo. Basta puriin mo lagi ang teacher para lusot agad."
"Ay Russio may bakla pala tayong teacher mamaya!" Sabi ni classmate.
"Ikaw naman yung may mukha dito. Ikaw maglapit sa bakla nating teacher para tumaas grade natin!" Sabi din ni classmate.

BINABASA MO ANG
Why I'm A Gay (Completed)
Teen Fiction"Kuya--" "Yuck! Kuya? Sampal ko kaya sayo tong labi ko para masabi mo na kuya?" Isa lang naman ang gusto ni Angelo. Na sana minahal sya pero masyado syang nalunod sa pagmamahal ng isang babae kaya nagtatanga-tanga sya. Ginawa nya ang lahat para magi...