A/N- yeheeyy birthday na ni Angelo!
Vote naman po kayo paabot nyo lang sa 100 hehe thank you
___
Angelo.
Nagising ako na masakit ang katawan at dahil narin may naamoy ako. It's that pagkain? Gagalaw na sana ako pero masakit talaga katawan ko. Punyeta, ano bang nang yari saakin?! Super sakit naman nitong katawan ko!
Nanatiling sara ang mga mata ko. Eh, sa masakit eh! Saan ba sila Russio at bakit ganito kasakit ang katawan ko?! Nakipagsuntokan ba ako? Eh? Bat naman ako makikipagsuntokan. Ang hina-hina ko tsaka galaw babae ako, in short bakla ako.
Pinilit ko buksan ang mga mata ko. Pagbukas ko nakita ko agad na may lubo, cake, at mag asawa na parang ang yaman, may kasama sila na dalaga. Hinanap ko agad ang dalawang utot kung dito. Nakita ko sila sa sofa na naka upo. May kasama silang dalawa. Di ko lang nga kilala, babae tsaka lalaki. Pogi naman ni kuya. Nagulat ako ng tawagin ako ng dalaga. Ewan ko kung ako, kuya kasi ang tawag. Baka si kuyang pogi. Hehehe
"Kuya!" Tawag nito sa pogi pero saakin naka tingin. Kunot noo akong tumingin doon sa dalaga. Kuya? Kilan pa ako naging kuya? Bubolyawan ko na sana yung batang kumag na yun dahil sa pagtawag nya saakin na kuya ng bigla ako tinawag ng pogi. Aheh! Tinawag nya mee. Kilala pala ako nito?
"Angelo!" si pogi
"Gelo!" Leng
"Anak!" Sigaw saakin ng matandang babae. Hindi naman ganon ka tanda simple lang, pero wait... Anak? ANAK!? As in A.N.A.K?!!!! kailan?! Ang pagkakatanda ko wala akong pamilya tsaka si tita Angel ang nag alaga saakin. Sino to? Sino sila?! Tsaka anong grade na ba ako? Mag gragrade 7 na ba? Si Russio lang tapos si Ashley ang naalala ko. Wala akong kilala sakanilang lahat.
"Leng, Russio. Sino sila" turo ko doon sa pamilya tsaka doon sa dalawang magcouple? Sayang si kuya.
"A-angelo... Hindi mo kami makilala?" Sabi nung babaeng maganda konti. Tsaka magtatanong ba ako na kilala ko kayo? Aish!
"Ha? Ih, yung naalala ko lang sila Leng, Russio, at saka si tita angel tapos grade 7 na ako sa pasukan. Diba?" Paliwanag ko sa kanilang lahat. Ang gaan ng loob ko sa kanila, pero sino ba sila? Ano ko ba sila? Like duh.
"Actually, Angelo... Grade 10 kana ngayon, magcocollege kana next next month." Si Russio.
"Ha?! Pano yon? Haha! Natulog lang ako tapos grade 10 na ako?! Wow bobong joke!"
"Angelo grade 10 kana. Pamilya mo sila. Kaibigan mo naman silang dalawa" si Leng. Imposible! Wala akong pamilya! Punyeta! Wala akong pamilya!
"Si Mr. Zaikerio Montello, mrs. Akira tsaka si ms. Zaike. Ito naman si Dyrill tsaka si Shane." Pagpapakilala ni Russio sa kanilang lahat. Kunot noo parin ako tumingin sakanilang lahat. Ano ba nang yari saakin? Bakit ako sa hospital? Wala naman akong sakit, maliban na lang sa katawan ko. Tinignan ko silang lahat, nakita ko doon sa mga mata nila na masaya sila pero may halong lungkot dahil siguro hindi ko sila naalala. Pero magaan ang loob ko saka nilang lahat hindi ko lang talaga sila kilala. Tumingin ako sa babaeng maganda konti at nakita ko na hawak hawak niya 'yong cake. Pinalapit ko siya at nagpout ako sakaniya. Yucks! Parang di bagay saakin!
"Penge.." nagpaawa epic pa ako para bigyan niya. Nagugutom na ako e! Nanlambot naman siya. Ganon na ba ako kaganda para manlambot saakin itong si Shane daw? Anyways, binigay niya saakin ang cake. May kandila pa nga e. Ano ba ngayon? May patay ba? Char!
Habang kumakain ako ng cake, pumunta sa harap ko si Mrs. Montello pero wala kasi ang paki kaya tuloy tuloy lang ako.
"Angelo, anak birthday mo ngayon, kaya kami naghanda ng mga pagkain." paliwanag nito. Nagligpitan na ang lahat kaya kinausap ako ni Mrs. Akira. Magtanong kaya ako? deserve ko rin kasi malaman kung magulang ko talaga sila.

BINABASA MO ANG
Why I'm A Gay (Completed)
Novela Juvenil"Kuya--" "Yuck! Kuya? Sampal ko kaya sayo tong labi ko para masabi mo na kuya?" Isa lang naman ang gusto ni Angelo. Na sana minahal sya pero masyado syang nalunod sa pagmamahal ng isang babae kaya nagtatanga-tanga sya. Ginawa nya ang lahat para magi...