Chapter 4

304 218 1
                                    

Chapter 4

Opening file...

Opening file...

Opening file...

Opened.

Anastasia:
Hey, busy ka ba?

Tristan:
Hindi naman pero may
pupuntahan ako mamaya.
Why?

Anastasia:
Pwede mo ba akong puntahan
ngayon Tristan please, kahit
ngayon lang. Samahan mo muna
ako, I really need someone
right now.

Tristan:
I'm really sorry, but kailangan
kong puntahan si Ynessa.

Anastasia:
Parang wala tayong pinagsamahan. Please, kahit ngayon lang. Wala naman na kayo ni Ynessa, bakit kailangan mo pang puntahan?

Tristan:
Nag-aalala pa rin ako sa kanya, I'm really sorry. I hope you understand.

Anastasia:
Tristan! Please! Hindi ko kaya mag-isa ngayon. I need someone to lean on. Ikaw lang ang nag reply sa akin. Hindi ko kaya, ang hirap huminga... Wala akong kasama dito, please...

Trisan:
Where's your friends? Bakit
hindi ka sa kanila lumapit?
Mas close sila sayo and alam
nila ang pinagdadaanan mo.

Anastasia:

Hindi nga sila nasagot, ikaw lang
ang nag reply sa akin sa mga
lahat ng minessage ko! I think
oras na siguro, kung ano mang mangyari sa akin alam mo na kung anong sasabihin mo sa mga pulis.

Tristan:
Anastasia! Baliw ka na ba? Sinusubukan mo ba akong iblackmail? Anong problema
mo?!

Anastasia:
Gusto ko lang naman ng kasama,
at nasakto lang na nag reply ka...

Tristan:
Bakit ako ba ang kinukulit mo? Madami kang kaibigan, at hindi
ako naging komportable sayo
alam mo yan.

Anastasia:
Alam ko yun pero kahit ngayon lang kalimutan mo muna yan, gusto ko lang naman ng masasandalan. Bakit hindi nyo ako mapag bigyan?

Tristan:
You know what, tigilan mo
yang pag papanggap mo.

Anastasia:
What do you mean?

Tristan:
Akala mo hindi ko napapansin?
Kahit na noong kami pa ni Ynessa. Tell me, gusto mo ba ako?

Anastasia:
Anong sinasabi mo dyan?

Tristan:
Umamin ka na, huli ka na.

Anastasia:

Fine! Yes, I like you noon pa.
Happy? So pupunta ka na ba
dito?

Tristan:
You wish.

End of conversation.

❁❁❁

Ladies choice
active now

Kara:
Girls! Nabalitaan nyo na ba? Patay na si Anastasia!

Chanelle:
Seryoso ba? Bakit?! Wala akong natatandaan na nakaaway nya.
Kahit parang baliw yun, wala pa akong nakikitang nakakaaway nya.

Laura:
Legit ba talaga yun? Paano?!
Wala nga ba?

Ynessa:
Omg. Seryoso? Walang halong
prank?

Chanelle:
Nakakabigla naman.
Hindi ako makapaniwala

Kara:
What do you mean, Laura?
Bakit ganyan ka magsalita kay Anastasia?

Laura:
Alam nating lahat na iba ang
ugali nun ni Anastasia, hindi imposible na wala syang
makaaway. Wag tayong mag bulagbulagan, alam nyo sa
sarili nyo na naiinis din kayo sa kanya. Baka mamaya isa pa
sa atin ang suspect.

Ynessa:
Yes iba ugali nya pero parang
iba na ata yan. Ayos ka pa
ba, Laura?

Chanelle:
Ayos pa ba yang utak mo?
Hindi ko magagawang patayin si Anastasia, Naging matalik
ko syang kaibigan.

Kara:
Me too naging matalik na
kaibigan natin si Anastasia tapos ganyan ka mag-isip? Alam nyo
mas mabuti pang wag tayo mag sisihan dito.

Chanelle:
True, namatayan na tayo
ng kaibigan and no one
knows kung sino ang killer or
kung suicide nga ba ang nangyari.

❁❁❁

April 16, 2020

Dear Diary,

Nahihiwagaan na talaga ako sa app na ito. Hindi ko na alam, hindi naman ako yung pumatay, right? Wala akong ginagawang masama. Coincidence lang yun diba? Hindi kaya ng konsenysa ko kung sakaling connected yung app na yun dito sa patayan. Bakit nangyayari ito? Bakit may namatay and kaibigan pa namin? Naguguluhan na ako, hindi ko alam kung makakatulog pa ba ako simula ngayon. And what's with that file? Edited? Conversation 'yon ni Anastasia at Tristan. I don't know Diary.

Love,
Ynessa.

CommandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon