Chapter 6:
Opening voice message...
▶️ —————— 3:26
| Play |⏸ —————— 3:36
Kara:
Alam mo gurl, feeling ko
talaga ay si Laura ang
pumatay kay Anastasia.Chanelle:
Ha? Hindi ba nalinaw na
ng mga pulis? Suicide ang
nangyari.Kara:
Seryoso ba? Naniniwala
ka na ganoon? Tingin
mo may sapat na
lakas ng loob
si Anastasia?Chanelle:
Idk, ha? Basta ako
mananahimik na lang ako.Kara:
Ikaw ang bahala. Basta ako
ramdam ko pinatay
siya ni Laura.Chanelle:
Bakit mo ba kasi naisip na
siya ang pumatay? May motibo
ba siya para gawin iyon?Kara:
Nararamdaman ko na
may kinalaman si Laura!
Besides, 'di ba may utang
si Laura sakanya?
Malaki ang posibilidad na
siya ang pumatay!Chanelle:
Ano ba naman yan Kara, tingin
mo ba talaga magagawa ng
kaibigan natin iyon kung
dahil lang sa pera?Kara:
Ay basta bahala ka.
Nagsasabi lang naman ako ng
possibility. Atin lang to, ha?Chanelle:
Okay-okay.Opening another file...
▶️ —————— 0:26
| Play |⏸ —————— 0:26
Kara:
Gurl!! Ako lang ba?
Na feeling ko si Ynessa
talaga ang pumatay
kay Anastasia?Laura:
Ano ba 'yang sinasabi mo!
Bakit mo naman naisip yan?Kara:
Manhid ka ba gurl? Hindi
ba matagal nang may tsismis
about sa sikretong
pagkagusto ni Anastasia
sa jowa ni Ynessa?Laura:
Hay nako basta, mananahimik
na lang ako rito. Bahala kang
manisi diyan.Kara:
Sus, sinasabi ko lang naman
ang totoo. Narinig ko kaya iyon
sakanila noon. Bahala ka nga.
Basta mag-iingat ka na lang.Laura:
Ikaw ang mag-iingat. Kaya
ko ang sarili ko, okay?
Huwag kang masyadong
makiki-tsismis. Ikakapahamak
mo pa yan. Ikaw din.Opening another file...
▶️ —————— 1:13
| Play |⏸ —————— 1:13
Kara:
Gurl!! Ramdam mo rin
ba na di suicide ang
nangyari? Na si Chanelle
talaga ang pumatay?You:
Ha? Ramdam ko na 'di
yun suicide, pero hindi ko
naman magawang manisi
ng kaibigan natin.Kara:
Ang manhid mo naman.Hindi mo man lang ba nararamdaman yun?
You:
Ano ba 'yang sinasabi
mo, Kara. Huwag mo naman
sisihin ang kaibigan natin.Kara:
Hindi ko naman siya
sinisisi, nagsasabi lang
ako ng possibilities. Bahala
ka nga.You:
Kahit na! Huwag mo siyang sisihin
since 'di naman natin alam
ang totoong nangyari. Ikaw din,
baka ikaw pa mapahamak sa
ginagawa mong iyan.Kara:
Ang OA mo gurl! Bahala ka
nga diyan.❁❁❁
April 19, 2020
Dear Diary,
Natatakot na ako, diary. Bakit kaya sunod-sunod na mga natatanggap kong ganito? Masyado na akong maraming nalalaman tungkol sa mga tinatagong sikreto ng mga kaibigan ko. Lahat na lang nalalaman ko. Ayoko ng ganito. Atsaka isa pa, bakit parang ramdam ko na sinusundan ako ng app na to? Gustong-gusto ko na talaga to i-delete. Pero kahit ata ilang beses ko subukan, hindi sya madedelete. I knew it. Virus lang ito. Isa pang tanong ko ay, sino ang nasa likod ng app na ito? Hindi ko na alam kung paano na gagawin ko para mawala na 'tong app na ito. Babalitaan ulit kita bukas, bye.
Love,
Ynessa.
BINABASA MO ANG
Command
Mystery / ThrillerA new software application arise. No need to download if you're horrified, but one thing is for sure... you cannot back down for this will chase you until your last breath. Or will you be the one to be someone's cause of death? No one knew but who...