Chapter 5

366 21 0
                                    

CHAPTER 5
LABIS ANG tuwa ni Destiny ng isama siya  ni Doc Deo sa City para makabili ng ilang personal niyang gamit. Ilang  araw rin kasing puro damit ni Vishmu ang sout niya. She missed having her dress on.

“Why did you bought so many clothes?”Walang kangiti-ngiting saad ni Vishmu, sumunod ito sa kanya dahil tinulungan siya nitong bitbitin ang ilang paper bags na pinamili niya. Isa-isa niyang inilabas  ang nga ‘yon.

“Don’t worry babayaran naman kita kapag naka-uwi na ako.”  Aniyang hindi ito tinapunan ng tingin. “Oh my god this is so cute!” Excited na ipinakita ang damit dito. But as expected, wala itong reakyon. “Hindi ka talaga appreciative.”Naiiling na saad niya.

“Magastos ba talaga kayong mga babae?”Parang naiiritang tanong nito. Na ikinatayo niya saka namaywang sa harap nito sabay iling. Kung bakit kasi naiwan niya ang wallet niya noong nagkabarilan sa mansion. Kaya wala siyang choice kundi gamitin ang credit card nito.

“Alam mo, buti na lang wala kang girlfriend dahil kong hindi, kawawa naman  siya sa’yo. Ang kuripot mo kasi. ” Hindi niya maiwasang irapan ito.  Nagitla siya ng kunin nito ang hawak niyang damit.

“Masyadong maiksi ang dress na to. Hindi mo puweding i-sout.”
“No, I like it.” Aniya saka pilit inaagaw dito ang damit.  At dahil matangkad ito kaya hindi niya maabot.

Pakiramdam ni Destiny ay sinasadya lang siya nitong asarin. Kaya walang pagdadalawang isip na kumapit siya sa balikat nito. Dahilan upang mapadaing nito. Kaya papaupo ito sa gilid ng kama niya.

“Kasi naman.” Natatarantang saad niya dito.  “Teka masakit ba?” Walang babalang  hinawakan niya ang tshirt nito saka tiningan ang benda ng sugat nito. She felt relief na hindi bumuka ang tahi nito. “Bakit kasi nang aasar ka eh? Sorry.” Nasabi niya, pero nagulat siya nang matamang nakatitig ito sa mukha niya. And she can see emotion in his eyes. “Bakit?”

“Bakit parang naiiyak ka?” Amuse na tanong nito.

“Kasi nakakainis ka, nasaktan ka naman dahil sa akin.” Hindi niya maitago ang guilt, bakit naman kasi nawala sa isip niyang may sugat pala ang balikat nito.

“Your talking nonsense. Ang gastos mo kasi puwede mo namang gamitin ang mga damit ko eh. Mas bagay sa’yo.”  Hindi niya mapigilang titigan nito, and to her surprise, he was blusing  like a teeage boy.  Mukhang nabigla  kasi ito sa nasabi. Kaya hindi niya napigilang mapangiti.

“Mas maganda ba ako kapag damit mo  ang sout ko?”

“Oo—ewan ko sayo.” Nagulat siya ng bigla itong tumayo at iniwan siya.
“Truly his walk out king.” Naiiling na sinundan niya ito ng tingin. Nang bigla na namang sumagi sa isip niya ang sinabi nitong never itong maiinlove sa kanya. Sa totoo lang talagang naapakan ni Vishmu ang pride niya. Pero sa nakikita niyang reaksyon nito, parang  sobrang natutuwa siya dito. Kaya hindi niya mapigilang mapangiti

NAPALINGON  si Vishmu ng may naramdaman siyang may palapit sa kanya.  It was his Uncle Deo, may bibit itong dalawang bote ng beer. Saka ito ngumiti.

“Mukhang malalim ang inisip mo ah,”anang nito ng makalapit sa kanya at inabot ang isang bote ng beer. Walang salitang tinangap niya ‘yon saka bahagyang ngumiti dito. “When was the last time na nandito ka?”saglit itong nag-isip. “Six years ago. Natutuwa akong kahit paano mukhang nagiging masaya ka na.”

“Wala akong karapatang gawin’yon, Uncle.” Tiim bagang saad niya dito.
“Vish, matagal na panahon na ang lumipas. Kalimutan mo na ‘yon. Its not your fault. Gusto mo lang mabuhay.” Seryosong saad nito, saka tinapik ang balikat niya. Tama nito matagal na panahon na, pero hanggang sa kasalukuyan sariwa pa rin ang alaala ng kanyang karuwagan. At bangungot pa rin sa kanya ang nangyari.

Vishmu Alfonzo: Meeting DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon