CHAPTER 10
NAGING mas masaya ang ilang araw na lumipas para kay Destiny. They are not officially in relationship, pero pakiramdam niya ay higit na special siya sa sa bawat araw. She prove na hindi lang ang looks ni Vishmu ang magandang katangiang taglay nito, because he treated her like she’s the most special person in his life. Naging mas ma-effort ito, ‘yon nga lang ay talagang may pagkaseloso ito. Which she find cute most of the time.
“Wow, smells so nice, nakakagutom.” Excited na saad ni Destiny. They are having barbeque for dinner, dahil ‘yong ang request niya kay Vishmu. He did prepared everything, dahil ayaw siya nitong patulungin kahit sa pag-iihaw. “Ang dami nating pagkain.”Aniya na hindi mapigilang pasadahan ng tingin ang katamtamang laking lamesa sa lanai.
“Sana pala pinapunta natin sila Doc Deo para makasabay kumain.”
“Huwag na, kasama na naman niya ‘yong Ian na ‘yon,”naiiling sa saad nito.
“Bakit ba? Mabait naman si Ian, para nga kayong magkapatid noon eh.” Biro niya dito.
“Ayaw kong nandito, siya. Laging nakadikit sa’yo ang kumang na ‘yon kapag nandito.” Nakangusong saad nito. Kaya hindi niya maiwasang matawa. Paano ba naman kasi parang sinadya talaga ni Ian na laging nasa tabi niya kapag nasa bahay ito.
“May pag-asa pa daw siya kasi hindi pa naman kita girlfriend,huh—pang-asar lang.”“Sus, binibiro ka lang ng tao, saka magkaibigan lang kami no.
Napakaseloso mo kasi.”
“Of course not, walang dahilan parang magselos ako no, dahil alam kung wala kang gusto sa kanya. ”Naroon ang kompiyansa sa tinig nito na ikinailing na lang niya. “Kaya lang, alam kung may gusto sa’yo ang mokong na’yon. Paano na lang ako kung bigla kang mainlove sa kanya.”
“Naku naman---”hindi niya mapigilang kiligin sa pagdadrama nito. Kaya lumipat siya sa tabi nito. “I never meet a guy so corny as you are.” Aniya na ikina-awang ng bibig nito. Kaya sinamantala niya upang subuan ito ng barbeque.
“I’m being sincere, sa totoo lang naiingit ako kay Ian. He has lively personality, kaya madalas kang nakangiti kapag magkasama kayo. I know I make you feel bored sometimes.”
“Siguro nga, masaya naman talaga ang company ni Ian, But I’m happier when I’m with you. I guess I couldn’t be happier with any other guy.” Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya dito.
“Talaga,”he laugh. Kaya hindi niya nagawang pigilan na pisilin ang pisngi nito. Mas mag-eenjoy talaga siya kapag nakangiti itong at lalong lumiliit ang mata nito.
“First time kung manligaw ng isang babae, so I hope I wont disappoint you. ”“Teka, naalala ko pala dati, sabi mo bawal sa rules ng agency mo na magkagirlfriend ka.”
“Ah,”napayuko ito. “Well—huwag mo nang isipin ‘yon. Hindi naman nila kailangan malaman eh. Besides sabi mo hindi pa naman tayo diba. We are still dating.”
“At bakit--- ibig sabihin , ililihim mo na nagdedate tayo? Huwag mong sabihing wala kang talagang planong maging girlfriend ako?”
“Wala!”
“What!”Bulalas niya na ikabagsak ng hawak niyang chopstick.
“You’re already my wife remember.” Anang nito saka nakakalukong ngumiti. Bigla tuloy pumasok sa isip niyang kung paano siya ipinakilala nito sa babaing nakilala nila sa El Nido. Kaya napangiti na lang siya dito.
“Assuming ka no, di pa nga tayo eh. Asawa na agad.”
“Oo naman, do you think. I will let any other guy have you—tsk tsk, mangarap ka, Miss.” Anito saka pinisil ang ilong niya. “O baka naman sa iba mo pa ako gustong mapunta.” Hampas sa braso ang ibinigay niya dito.
BINABASA MO ANG
Vishmu Alfonzo: Meeting Destiny
Romance"Woman are vicious. And once your hook on their claws, wala ka nang magagawa kundi ang sumunod sa lahat ng gusto nila." Vishmu was not please with his new assignment, pero kahit ayaw niya wala naman siyang magagawa. Importante ang trabaho kaysa sa...