Chapter 11

11 6 0
                                    

Nathalie's povs.

Halos isang linggo na rin ang nakalipas matapos ang mga naganap, Naghihilom na rin ang aking mga sugat, walang pasok ngayon at boring dito sa bahay kaya napagpasyahan kong lumabas muna

Habang nag lalakad ako sa park ay may nakita akong isang pamilyang nakaupo sa damuhan.. kitang kita ko sa mga mukha nila kung gaano sila kasaya habang magkakasama

kahit saan ako mapalingon ay ganun ang nakikita ko... di ko mapigilan ang malungkot sa mga nakikita't natatanaw ko ngayon sa paligid ko.

Pakiramdam koy parang pinagdamutan ako magkaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya.. na kahit kailan ay di ko naranasan pa ang magkaroon ng family bonding kung kanilang tatawagin pero sa kabila nang lahat ng ito hindi parin maikukubli sa akin na mainggit sa iba.

pero ganun paman ay sinikap kong wag malungkot dahil ito ang naging dahilan kung bat ako napunta sa kinalalagyan ko ngayon naging Isang Malakas, Walang kinatatakutan at higit sa lahat, Nakukuha ko ang lahat ng gusto kong naisin.

Ang kalungkutan at ang kabiguan ko sa buhay at pagsisikap ang naging Dahilan ng aking pag asenso.

Hangang sa natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa at mamuhay ng mag isa. Na kung saan ay nagagawa ko ng maglihim sa kanila at itago ang tunay kong nararamdaman dahil sa aking pag iisa at walang mga kaibigan nag-iba ang aking pag uugali naging isang tahimik at hindi palakibo at Madalas na walang expression.

Ni hindi ko na nga maalala kung kailan pa yung huling pag tawa ko ng totoo. Yung totoong masayang ako na walang problemang iniisip.

Wala ni kahit isa ang pinag sabihan ko ng tunay kong nararamdaman noon maski ngayon dahil natatakot ako sa maaring mangyare ayoko na muling makarinig ng mga masasakit na salita mula sa pamilya ko kaya sinisikap kong mag timpi at itago ang tunay na nararamdaman.

Hindi rin ako nag lalabas ng sama ng loob sakanila dahil baka sabihin nilang nagyayabang ako ng wala pang nararating sa buhay.

nasanay ako sa mga sinasabi nila na wala akong kwenta at walang pakinabang... kaya
minsan iniisip ko ring magpakamatay sa dami ng problemang kinahaharap ko.

Hangang sa nanawa na ko sa buhay ko noon. Dahil
May mga panahong di ko kinakaya ang mga problemang kinahaharap ko pero ito ang nag nag tulak sakin para lumaban ng mag isa at mag sumikap.

Nang sa ganon ay may mapatunayan ako sakanila. pero mas gugustuhin ko paring itago ang lahat ng kayamanan at kapangyarihan na meron ako sa ngayon.

dahil pakiramdam ko ay wala parin silang pakielam saakin at isa parin akong basura para sakanila. Na baka kapag sinabi ko ay magpakita sila nag pakielam sakin upang makaranas din ng kagaginhawaan sa buhay.

Iilan lang sa pamilya ko ang tunay na nag mamahal sakin...
Masakit mang isipin ngunit tila hindi kasama roon ang aking ama at ina. Lalo na ang aking ama ang mas walang nagawa para saming mag kakapatid.

Mahal ko sila ng sobra pero.. sila rin ang nag tutulak sakin ngayon para malayo ang loob ko sakanila at tuluyan silang kalimutan at pabayaan
Sa kabila ng mga kahirapan nila ngayon.

Gustuhin ko man silang tulungan ngayon, pero may namumuo paring galit sa dibdib ko... na sa tuwing naaalala ko ay gusto ko silang isumpa....

Sa gitna ng pag iisip ko ay di ko namalayan na tumulo na pala ang luha sa mga mata ko

"Ate? Ok ka lang po ba?" Sabi ng batang babae na may hawak na sampaguita

"O-oo"

"Bat ka po umiiyak? Wag ka na pong umiyak... eto po panyo oh... wag ka po mag alala malinis po yan.." sabi niya sabay abot ng panyo niyang pink

The Teen MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon