CHAPTER 15

519 46 2
                                    

Nakahiga ako sa aking sariling kama habang kanina pang nakatitig sa kisame. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Ngayon ko lang nakitang ganun si Felix pero kahit galit na siya nun, he maintained to be calm. Tahimik nga lang siya nung pauwi kami at hinayaan ko nalang muna. Hindi naman ako bobo para hindi alam kung anong meron sa kanilang dalawa.

Ayoko lang talagang pangunahan dahil sa wala naman akong alam sa totoong nangyari. Napatayo ako nang tumunog ang aking telepono. Felix messaged me.

Felix:

I'm sorry for my behavior earlier. See you tomorrow, good night.

Napabuntong-hininga ako at hindi nalang muna nag-reply. Ayoko muna siyang disturbohin sa ngayon. I'll give him some space para sa ikabu-buti niya. I just really hope that he's doing okay.

Kinabukasan ay naging normal naman ang lahat, and as usual, sabay kaming papasok ni Felix. He picked me up sa bahay at maayos naman ang mood niya as I saw him. Kahit gusto ko man siyang tanungin tungkol sa nangyari kagabi, pinigilan ko ang aking sarili cause that is such a stupid thing to do. Umiiral din minsan kasi 'tong pagiging-tsismoso ko eh.

We arrived at the university in time. He parked his bicycle at the bike rack at tsaka naglakad na kami papasok.

"Felix"

Pareho kaming napahinto nang marinig ang pamilyar na boses mula sa aming likuran. It was Luna.

Nilingon niya ito at nilapitan siya. "Ano na naman bang gusto mo, Luna?"

"Felix, you know kung anong gusto ko, kung bakit ako nandito. Mag-usap naman tayo oh"

"When will you stop bothering me? Hindi ka ba nakaka-intindi?"

"I will never going to stop, Felix. Hindi ako titigil hangga't hindi tayo nakakapag-usap"

"Luna, I'm begging you. Itigil mo na 'to. Kahit anong gawin mong pag-kumbinsi sakin, hinding-hindi pa rin magba-bago ang desisyon ko"

"Felix, mahal pa rin kita. I will do everything-"

"Stop it" he cut her off that made her stopped. "Ayoko ng makita ka pa ulit" sabi nito at tinalikuran si Luna.

Hinawakan ako ni Felix sa aking kamay at sabay kaming umalis. Ang daming bumabagabag sa isipan ko ngayon dahil sa aking mga natuklasan. Nakaramdam din ako ng awa kay Luna dahil sa damang-dama ko ang emosyon niya habang kausap si Felix. It seems like he still loves him. Sana maging maayos na sila sa kung ano man ang problema nila ngayon.

Kasalukuyan akong nasa library habang nagre-review dahil sa may quiz kami mamaya. Mag-isa akong naka-upo nang dumating si Felix.

"Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap"

"Asan ka ba galing?"

"Nagpunta ako ng cafeteria. Akala ko kasi nandun ka" sagot niya. "May quiz kayo?"

"Oo. Kailangan ko mag-aral baka bumagsak ako" sagot ko't napatango-tango naman siya.

"Siya nga pala, baka matagalan ako mamayang uwian. May meeting pa kasi kami sa org"

"Yeah. No problem. Hihintayin nalang kita"

"You can come if you want"

"Wag na. Baka mag-taka pa sila kung bakit ako nandun"

"Hindi 'yan. Tsaka para na rin hindi ka mag-hintay mag-isa. Baka ano pa mangyari sayo"

Hindi nalang ako umangal dahil sa pipilitin niya pa rin ako kahit anong gawin kong pag-tanggi. Nagpa-tuloy nalang ako sa pagre-review.

Ilang saglit pa nang tumunog ang phone niya. Tiningnan niya ito at kitang-kita ko ang nagpi-pigil niyang galit na ekspresyon sa mukha. Hindi na ako magta-tanong kung anong nangyari dahil sa alam ko na 'to.

"Ayos ka lang?"

"Yeah. I'm fine" sagot niya at tipid akong nginitian. Nagpatuloy na ako sa aking ginagawa at hinayaan nalang siya.

Andito kami ngayon sa conference room at alas sais na ng gabi. Mag-isa akong naka-upo sa di kalayuan kung saan nagme-meeting si Felix at ang mga kasamahan niya. Mahigit tatlumpo't-minuto na rin akong naghihintay sa kanila bago sila natapos. Nagsi-tayuan na ang lahat at kanya-kanya ng umuwi.

"You okay?" he asked and fixed my hair.

"Yeah" tipid kong sagot at lumabas na kami ng silid.

Naglalakad kami ngayon sa campus papuntang bike rack nang dumating na naman si Luna. I can really tell that she's never going to stop. Ayaw pa kasi nitong si Felix makipag-usap eh.

Nabigla naman ako nang mahigpit niyang hawakan ang aking kamay. Nang makalapit si Luna sa amin ay napasulyap ang kanyang tingin sa kamay naming magka-hawak.

"Ano na naman?" he asked coldly.

"Alam mo naman kung bakit ako nandito"

"Luna, hindi ka ba napapagod?" this time, he's calm. Hindi ko pansin ang galit o inis sa boses niya.

"Sinabi ko na sayo, hinding-hindi ako mapapagod" sagot ni Luna. "Kahit ilang minuto lang ng oras mo, Felix. I just want to clarify and clear things between us"

"We're already okay, Luna. Wala ka ng dapat pang ika-bahala"

"Sinasabi mo lang 'yan para tumigil na ako"

"Luna, wag mo ng pahirapan pa ang sarili mo. Wag mong sirain 'yang buhay mo dahil sa akin" wika nito. "I already have someone kaya tumigil ka na"

"No, you don't. Hindi ako naniniwala. Felix, wag naman ganito, please"

Inangat ni Felix ang mga kamay naming magka-hawak upang ipakita 'yon kay Luna.Nabigla ako sa kanyang ginawa dahil wala naman 'yun sa plano. Maging si Luna ay hindi makapaniwala sa nakita. Ba't pati ako nadamay?

"Felix, you don't need to go that far. Wag mo namang idamay yung ibang tao para lang patigilin ako-"

Fuck.

I frozed.

He kissed me on the cheek without saying anything. Napatingin ako sa kanya habang gulat na gulat. Even luna, she's shocked.

"Now, if you'll excuse us" sabi nito at hinila na ako paalis.

Nang makarating kami ng bike rack ay agad kong inalis ang kamay niyang naka-hawak sakin.

"What was that all about?" I asked him directly.

"I'm sorry, I didn't mean to kiss you. Ginawa ko lang yung para tigilan na ako ni Luna"

"Felix, I don't know kung anong meron sa inyong dalawa at ayokong mang maki-alam pero sana ayusin niyo na. Tsaka sa tingin mo talaga titigilan ka ni Luna dahil sa ginawa mo kanina? Mas lalo ka lang kwe-kwestyunin nun"

I can't believe I was able to say those things with him after what he'd done.

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. She keeps on bothering me. Ni hindi ko nga inasahang pupuntahan niya ako dito"

"Then talk to her. Clear your issues with her" I gave him a solution that might fix things between them.

"Do this for you, Felix. Kung gusto mong ayaw ka niya ng guluhin"

Natahimik siya't napa-isip sa aking mga sinabi. "I'll try" sabi nito at bumuntong-hininga.

Tipid ko lang siyang nginitian.

To be continued.

FALLINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon