CHAPTER 5: SURPRISE

3.7K 75 1
                                    

Margaux's POV
Kumakain kami ng agahan ni Jordan ng tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Huminto ako sa pagkain saka ko kinuha ang cellphone ko.

Kuya Miles is calling. Siya yung kuya ko na sumunod kay kuya Mon. I answered the call then I continue eating my breakfast.

"Hello bunso." Bati niya sa kabilang linya.

"Good morning. Why did you call? Hmm?"

"I called to check you up. Is everything okay there?"

"Depends." Maikli kong sabi at saka ako sumubo ulit ng pagkain.

"Come on tell me." Kuya Miles is really secretive person kaya sa kanya ako nakakapagsabi ng mga sekreto ko sa buhay.

Close ko naman silang tatlo pero magkakaibang definition ng close. Si kuya Mon close kami dahil siya ang panganay at ako ang bunso, lagi naming pinagtutulungan nung mga bata pa kami si kuya Miles at kuya Melo. While kuya Miles kami ang magkasangga kapag may kalokohan kaming ginagawa, lagi naming pinagtatakpan ang isa't isa hanggang sa nadala na namin hanggang ngayon. Si kuya Melo naman lagi kaming parang aso at pusa pero sa kanya ako tumatakbo kapag pinagagalitan ako ng dalawa naming kuya.

"Excuse me." Paalam ko kay Jordan na alam kong kahit hindi niya gustong makinig sa mga sinasabi ko ay hindi naman niya maiwasan dahil nasa iisang mesa lang kami.

Naglakad ako palayo sa kainan at nagpunta sa sala kung saan walang tao. "It happened yesterday. Pasakay na ako ng taxi ng bigla na lang may mainit na bagay ang mabilis na dumampi sa braso ko. Mabilis yung tao na dumaan sa tabi ko na gumawa non sa akin at 'yon pala kutsilyong matalim ang ginamit niya sa braso ko."

"What?! Nasaan na yung gumawa sayo niyan?! You okay?"

"I'm fine now. Hindi ko na siya nahabol kagabi dahil sa madami akong bitbit na damit ng baby ko saka ayoko ring gumawa ng gulo sa gitna ng daan kuya. Baka lalo akong mapahamak kapag ganon." Yumuko ako saka ko hinamas ang tiyan ko.

"Bakit ba kasi nagtaxi ka pa? Alam mo naman na bawal ka sa hindi bulletproof na sasakyan kasi delikado. Hindi ka nga pinagtangkaang barilin pero napahamak ka pa rin. Tsk! Alam ba ni kuya Mon 'yan?!"

"Hindi pa. Hindi ko pa nasasabi saka baka magkagulo pa." Iniisip ko pa lang ang magiging reaksyon ni kuya Mon kasama pa si daddy at kuya Melo ay nahihinuha ko na. Siya nga lang ay galit na rito sa tawagan namin.

"Magkakagulo talaga. Harming you means war Margaux. Alam mo naman kung gaano ka namin iniingatan kasi nag-iisa kang babae sa ating magkakapatid. Balik tayo sa taxi, bakit nagtaxi ka pauwi aber?" Makulit din ang isang 'to eh.

"Mahabang kwento kuya." Palusot ko na lang.

"Wala akong pakialam kung gaano pa kahaba 'yan. Umpisahan mo na." Kulit pa niya.

"Aish! May pasok pa ako eh! Mamaya ka na nga tumawag." Layo ko sa usapan namin.

"May tinatago ka ba sa akin Margaux?!"

"Wala kuya. Sinabi ko na nga sayo ang nangyari kagabi eh."

"Oh sige na hindi na ako mangungulit. Naaalagaan ka ba ng maayos diyan?" He asked me the same time I averted my eyes to Jordan who came out from the dining area.

"Yeah. I'm doing good here."

"That's enough for me. Good to hear that. I'll hang this call now Margaux. Bye bunso!"

"Bye kuya. Always take care."

"Oh my dear sister, your brothers can take care of their selves. You should take care because we're now away from you. Hindi na namin alam ang bawat galaw mo at saka buntis ka pa naman. By the way congrats! I'm having a niece soon!" Natawa ako sa pagka-excited niya.

Unintentional (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon