Beginning

58 5 0
                                    

Sa pagmulat ng kanyang mata siya ay nasa malamig na sahig, hindi na bago sa kanya ang magising sa ganitong kondisyon, dahil siya ay laging nalalaglag sa higaan sa kadahilanang siksikan silang labindalwang bata sa tatlong kama.


Bago siya bumaba isa-isa niyang ginising ang kanyang mga tinuturing na kapatid kahit hindi nya kadugo.


"Walang magulang, iniwan sa bahay-ampunan at hanggang ngayon ay wala pa ring umaampon, ilan lamang yan sa mga nagbibigay kahulugan sa buhay ko, ako nga pala si Nash Benedict, maglalabindalawang taon na bukas sa aking kaarawan"

Tinulungan niyang magluto ng almusal si Sister Lily. Ang almusal nila ay walang pinagbago kundi lugaw araw-araw kaya makikita sa mga mata ng mga bata ang hindi pagkatakam sa kanila kakainin.

"Nash ikaw na maglead sa panalangin" mahinang bigkas ni Sister Teresa.


Natapos ang pagkain ng mga bata at dumeretso ang mga ito sa silid-aralan para makinig sa mga talakayan. Lumipas ang araw at sumapit na ang alas-dose ng hating gabi, gising pa rin si Nash dahil nasanay siyang hintayin ang araw ng kanyang kapanganakan.

Nagising ulit sya sa malamig na sahig at laking gulat nya dahil ginising siya ni Sister Teresa.

"Nash samahan mo ko sa baba at may pag-uusapan tayo" ani ni Sister Teresa.


Agad namang kumilos si Nash at naghilamos at sinamahan si Sister sa baba. Pagkabukas ng pintuan ng opisina ni Sister Teresa, May isang matandang lalaki na may suot na mahabang damit na kukay itim na abot hanggang lupa ang bumungad sa kanyang paningin.


"Mawalang galang na po Sister, bakit niyo po ako gustong kausapin?" tanong ni Nash.


"Wag ka sanang mabibigla Nash, siya ang lolo mo" sagot naman ni Siter Teresa sa kanya.



"Pero paano po nangyari 'yon, 'di ba po wala na akong kamag-anak at kung meron man sana ay matagal na nila akong kinuha dito Sister".

Hinawakan sa balikat ni Sister si Nash at sinabing


"Nash hawak nya lahat ng dokumento tungkol sa'yo".

Tumingin si Nash sa nasabing matanda at tinapatan din siya ng tingin nito. Tumayo ang matanda at iniabot ang isang maliit na kahon.

"Apo Maligayang kaarawan sa'yo, umaasa ako na sasama ka sakin... Agad namang sumagot si Nash, "ngayon din po mageempake na ko lolo!" Nakangting bangit ni Nash.

 

Bago umalis sa bahay-ampunan, nagpaalam muna siya sa lahat ng tao dito. Masakit man isipin na aalis siya at iiwan ang tinuring niyang pamilya sa loob ng labindalawang taon, sinabi niya sa kanyang sarili na isasapuso at isasabuhay nya lahat ng natutuhan nya dito.

 

Umalis siya kasama ang kanyang lolo. Pagkalabas nila sa bahay-ampunan.

"Humawak ka sa kamay ko Nash at dadalhin kita kung saan tayo nababagay" mahinang bulong ng lolo ni Nash sa kanya.

Ngumiti sya at humawak sa kamay ng kanyang lolo at sa isang iglap ay nasa harap na sila ng isang paaralan na may malaking gate at sa taas nito ay may nakasulat na "ECHANTED INSTITUTE OF NECROMANCY : SCHOOL OF MAGIC AND SORCERY"

 


Ito na ba ang magpapamulat kay Nash sa nakaraan? Ito na ba ang magpapabago sa buhay niya o ito lang ang sisira sa buhay niya?

Enchanted Institute of Necromancy : School of Magic and SorceryWhere stories live. Discover now