Prof Zander POV
Kung hindi ko iniwan si Nash siguro hindi nangyari ang pagtatangkang pagpatay sa kanya. Nako naman patay ako neto kay Professor Validuz.Nash: Professor? Ano pong meaning nung sinabi sa akin nung lalaki kanina?
Prof. Zander: Ha-huh? Ano bang sinabi sa'yo kanina nung lalaki?
Nash: Ang sabi niya po ay mahalaga daw po ay matapos niya na ang kanyang nasimulan.
Prof. Zander: Sa totoo lang Nash hindi ako ang tamang tao upang makapagpaliwag nito sa'yo. Halika samahan mo ako kay Professor Validuz.
In the Headmaster's Office
"Good afternoon Headmaster" ani ni Professor Zander pagpasok nila sa office of the headmaster.
Prof. Validuz: Oh Professor, Nash, nabili niyo ba lahat ng kailangan para sa darating na pasukan sa isang araw?
"Opo lolo" ngiting bangit ni Nash
Sa kabilang dako naman, makikita ang nahihiyang mukha ni Professor Zander.
Prof. Zander: Professor, maari po ba kitang makausap at may kailangan lang ako ireport hehehe
Prof. Validuz: Hindi mo na kailangan ireport Professor, maari mo ba kaming iwan ni Nash at may kailangan lang akong sabihin sa kanya.
Prof. Zander: No problem Professor.
Naiwan si Nash sa loob ng office ni Professor Validuz.
"Nash hindi naman sa gusto kitang paasahin, itong mga ginawa ko ay para lang din sa iyong ikabubuti. Hindi ako ang lolo mo at hindi kita kaano-ano." malungkot na bangit ni Professor Validuz
Makikita mo sa mukha ni Nash ang pagkawala ng kasiyahan nito.
"Pero iniligtas kita sa tiyak na kamatayan simula pa lamang noong sanggol ka. Alam mo ba 'yang nasa bulsa mo na binigay ko bilang regalo ang tawag d'yan ay 'Orb of Resistance', kung saan ililigtas ka nito kung mayroong magtangkang manakit sa'yo"
Nash: Professor, bakit po ako pinagtangkaang patayin nung baby palang ako at yung lalaki kanina sa Friktos Chorio gusto din ako patayin?
Prof. Validuz: Hindi pa tamang sabihin ko sa'yo ang lahat-lahat Nash. Dadating din ang tamang panahon upang malaman mo ang katotohanan. Palagi mo lang tatandaan na pagmamahal ang makatatalo sa kasamaan.
Nash: Salamat po Professor, babalik na po ako sa kwarto ko.
Prof. Validuz: Sorry Nash.
Nash: Okay lang po 'yon Professor.
Paglabas ni Nash sa office, tsaka lamang tumulo amg luha nito ngunit gulat siya dahil nandon pa din si Professor Zander at hinihintay siyang lumabas.
"Tara Nash kain tayo, nilagay ko na lahat ng pinamili natin sa kwarto mo" ani ni Professor Zander
Gabi na ng Matapos ang kanilang pagkain at sinamahan ni Professor Zander si Nash pabalik sa kwarto.
Prof. Zander: Nash kung kailangan mo ng masasandalan nandito lang ako ha.
"Sige po Professor, salamat po pala sa mga libre HAHAHA" tumatawang bangit ni Nash
"Good night Professor", "Good night Nash, see you tomorrow"
Pagpasok niya sa kanyang kwarto ay nakita niya agad ang kulay kahel na balahibo ng phoenix. Inayos niya ang kanyang mga gamit at isinalansan ang mga ito isa-isa.
Nakatulog siyang may hapdi at kirot sa kanyang puso, dahil nagising siya sa katotohanan na wala na talaga ang kanyang tunay na pamilya
YOU ARE READING
Enchanted Institute of Necromancy : School of Magic and Sorcery
FantasyIsang labindalawang taong gulang na bata na nagngangalang Nash Benedict, ang kontento na sa kung anong mayroon ang kanyang buhay sa bahay-ampunan . Nagbago ang lahat nang magpakilala ang isang matandang lalaki na nagsasabing siya raw ang lolo nito a...