Magical Doors

51 5 0
                                    

"Fores aperides" bigkas ng lolo ni Nash sa harap ng tarangkahan at ito'y nagbukas ng kusa.

Dahil hindi siya makapaniwala sa nakita niya, "lolo sabihin niyo pong nananaginip lamang ako" sambit ni Nash na nanginginig na halatang nasa estado ng pagkagulat at pagkamangha

Lolo: Nash halika't dadalhin kita sa bago mong magiging tahanan.


Nash POV:
Nakakatindig balahibo ang aking mga nasaksihan, 'di mawala sa aking isipan kung anong mangyayari sa akin kung susunod ako kay lolo, 'di ko alam kung bakit nakakagawa siya ng mga hindi maipaliwanag na mga bagay, teka lang hindi ko pa alam ang pangalan ni lolo!!!

Habang naglalakad patungo sa loob ng kastilyo

Nash: lo ano po pala pangalan niyo?

Lolo: Theodore Desmond Validuz


"Professor Validuz saan po kayo galing ng ganitong kaaga?" tanong ng mula sa isang matandang babae.

Prof. Validuz: Professor Harmela-

Biglang sulyap ni Professor Harmela kay Nash na makikita mo sa mga mata nito ang pagkagulat na animo'y nakakita ng multo.

Prof. Harmela: Kung hindi ako nagkakamali ikaw si Nash.

Itinaas niya ang kanyang kamay na hudyat ng pakikipagkamay, at hinawakan ang kamay ni Nash




Nash POV:
Bakit niya agad ako nakikilala? Eh ngayon lang naman kami nagkakilala tsaka Professor tawag niya kay lolo.

"It is nice meeting you Professor Harmela." nakangiting banggit ni Nash


Naglalakad sila patungo sa isang malaking pintuan at pagkabukas nito, nasilayan ni Nash ang nagtataasang tore ng mga kastilyo at sa gitna nito ay may malaking field na puno ng berdeng damo na pwede mong higaan dahil sa linis nitong tignan.


Nash POV
Napakalaki nitong lugar na 'to pero nakakapagtataka bakit walang katao-tao.


Prof. Validuz: Nash ito ang Enchanted Institute of Necromancy: School of Magic and Sorcery. Ito ay itinayo simula pa noong 359 B.C.E. ng dalawang makapangyarihang Sorcerers noong panahon nila.

Nash: Pero lolo bakit po walang katao-tao sa lugar na ito?

Prof. Validuz: Dahil hindi pa umpisa ang pasukan. Kami palang mga guro ang nandito.

Professor Validuz Good Morning, Professor Harmela Good Morning, pagbati mula sa isang matangkad at payat na lalaki.

Prof. Validuz: Oh Professor Zander Good morning. Saktong-sakto ang dating mo Professor, maari mo bang ihatid itong si Nash sa kanyang kwarto?

Prof. Zander: Of Course Sir!

Nash: Saan po kayo pupunta lolo?

Prof. Validuz: May kailangan lamang akong isaayos Nash, sumama ka muna kay Professor Zander. Isa pa Professor Zander samahan mo na din si Nash sa pagbili ng mga gagamitin niya para sa pasukan.

Prof Zander: Sige po Sir.

Nash: Bye lo, Bye Professor Harmela.

----------------------------------

Habang papunta sa isang tore ng kastilyo upang puntahan ang kwarto ni Nash.

Prof. Zander: Nash tulungan na kita sa mga dala-dala mong mga gamit.

Nash: Wag na po Professor.

Napabuntong-hininga nalang si Professor Zander. Hanggang sa marating nila ang tore.


Nash: Professor, bakit parang ang sobrang daming pintuan at oarang tila walang katapusan yung taas nung hagdan? hehehe


Prof. Zander: Mr. Benedict ito lang ang nag-iisang tore sa kastilyong ito na tinutuluyan ng mga estudyante, sa madaling salita nagsisilbi itong boarding house para sa kanila.

Nash: Sa dami pong kwarto dito, saan po ang kwarto ko?


Prof. Zander: Hindi ba sinabi sayo ni Director?

Nash: Excuse me Sir? Sinong Director?


Prof. Zander: Si Professor Validuz, actually naging director siya 100 years ago.


Dahil sa hindi sinabi ni Professor Validuz kung saang kwarto tutuloy si Nash, inilabas ni Professor Zander ang isang listahan na nagliliwanag mula mula sa kamay nito.


Nash: Professor It's really facinating kapag nakakakita o nakakadama ako ng magic, simula nung pumunta si lolo para isama ako dito.


Prof. Zander: Aha! Room 404 ka Nash at dahil tinatamad ako maglakad, kapit ka nalang sakin.


Agad namang kumapit si Nash sa balikat ni Professor Zander at sa isang iglap ay nasa taas na sila at nasa tapat ng isa sa mga kwarto sa tore. 


Nash: Professor nakakapagtataka bakit walang mga door knob yung mga pinto ng mga kwarto?


Prof. Zander: So you're curious HAHAHA, dahil ang kamay lang ng mga taong nagmamay-ari ng mga kwarto ang makakapagbukas sa kani-kanilang pinto.


Nash: Paanong kamay? Professor.



Prof. Zander: Hawakan mo lamang 'to at magbubukas na 'to ng kusa.



Agad namang hinawakan ni Nash ang pinto at nagbukas nga ito ng kusa. at isa pa sa mga misteryoso sa lugar na ito ay lumulutang ang mga kama.



Prof. Zander: Ibaba mo muna mga gamit mo at samahan mo 'ko sa Canteen dahil alam kong di ka pa kumakain ng almusal.










Enchanted Institute of Necromancy : School of Magic and SorceryWhere stories live. Discover now