Paulit-ulit kong kinurap ang mga mata para icheck kung totoo ba talaga 'tong nakikita ko.
"He's Dionne, my late niece's beloved." Nakangiti s'ya kay Louise na para n'ya na din itong anak at halatang close na close sila.
Nakatingin naman si Louise sa'kin a.k.a Dionne habang nakangiti. Nginitian ko din s'ya awkwardly, hindi nga kasi naging masyadong maganda ang huli naming pagkikita dibaaaa, argh, nakakahiya!
We started with a prayer led by Mom at nagsikainan na sila, nakaupo lang naman ako dito sa tabi-tabi kasi busog pa naman ako. Panay naman ang sulyap ko kay Louise, like-- hey, he's finally within my sight.
"Uy, paupo-upo lang si birthday woman, entertain your visitors kaya, Te." Tinabihan ako ni Attalia na may laman na ang plate.
"Eh kasi," napaisip ako kung sasabihin ko ba sakan'ya tungkol kay Louise.
"Kasi may hinihintay kang 'no big deal'?" Ngingiti-ngiti na naman s'ya habang tinatama 'yung balikat sa'kin.
"No, Attalia. Tsk, kasi, remember that guy about this tattoo?" Pinakita ko sakan'ya 'yung wrist ko at kita namang curious s'ya sa susunod kong sasabihin.
"Nandito s'ya,.. that charming guy over there," tinuro ko gamit ang mga mata si Louise na hinihintay munang makakuha ang iba ng pagkain bago s'ya.
"Hala, c'mon Euniceline, trenta anyos ka na! Don't act like a teenager! Oh my gosh ka talaga, lapitan mo, daliii!" Trenta na nga'ko at ilang taon ang lamang ko sa'yo Attalia.
Should I? Doubting, I stood up at sinunod ang sinabi ni Attalia. Lord, pengeng confidence. My goshes...
Dahan-dahan akong naglakad palapit sakan'ya na kasalukuyang kumukuha ng pagkain. Tumikhim ako para hiramin ang atensyon n'ya at nagtagumpay naman ako.
"You," s'ya ang unang nagsalita nang nakangiti pa rin.
"Dionne pala'ng pangalan mo?" I was barely able to ask that question fluently.
"Yes, Dionysus Louise."
That's the uniquest name I've ever heard, Lord.
I guess 'yung mga close lang sakan'ya ang tumatawag sakan'yang Dionne. Mas bet ko din naman ang Louise, pero mas bet ko s'ya-- ay este basta nandito s'ya ngayon.
"Uhm, 'yung sa Cebu pala," napakamot pa'ko ng ulo,
"Okay lang, you don't need to explain. Glad to see you again, tho," He had that calm and relaxing smile. Ngumiti naman ako pabalik kahit naiilang.
Very glad din ako, Louise."So, alam mo na ba ang meaning n'yang tattoo mo?" Tinukoy n'ya 'yung bandang pulsuhan ko.
"M-maybe?"
'Come to me all you who are tired and are carrying heavy loads and I will give you rest.' Matthew 11:28
Finally, when I felt tired of everything--- of searching for that certain love to complete me, of finding out the happiness I know is just temporary, na temporary lang pala lahat, na iiwan dinako ng lahat, tsaka ko lang narealize that I don't have to settle for temporal things 'coz after all, He is there, sa Kaniya lang ako nakahanap ng assurance, sa pagmamahal Niya, sa kabutihan Niya.
'Coz nothing else satisfies pala, Lord.
And you introduced Him to me, Louise.
Hindi man gano'n kalaki ang faith ko pero, it's a lifetime process, gotta be patient.
Namumuo ang luha sa mga mata ko habang tuluyan namang nawala ang pagkailang sa ngiti ko, it became genuine and sincere.
Nagflashback lang naman kasi sa'kin mga pangyayari sa buhay ko, when I was still lost.
"You," may kumalabit sa'kin at si Attalia 'yun. "Para kang mannequing nakangiti d'yan, kanina pa kita tinatawag," bulong n'ya sa'kin and so I came back to my senses.
"Oh, sorry Louise, k-kain ka na." I smiled at him once again at bumaling naman kay Attalia. We walked steps away. "Bakit?"
"Nandito na si Mr. No,"
"Binibiro mo ba'ko? Eh hindi naman ako nag-imbita ng koryano, wala nga 'kong kilalang taga Korea." Napakunot at bikit-balikat kong paliwanag, panira ng moment, Attalia eh.
"Edi si Mr. No...big deal," tawang-tawa naman s'ya sa joke na 'yun.
Napawi naman ang reaksyon ko at kinurot s'ya sa tagiliran, "araaaay!"
I looked around para hanapin si Xav at kasama lang pala s'ya nina Mom, mukhang may pinag-uusapan sila at nagngingitian pa, pero wait lang--- magkakilala sila nina Tita Zenny?
Lumapit ako sa kanila at napatingin naman sila sa'kin,
"Why aren't you eating, You?" Mom asked pero ngumiti lang ako at papalit-palit na tumingin kina Xav at Tita Zenny.
"Didn't really expect to see Juan here, ija, s'ya ang kapatid ng mapapangasawa ni Yang," she meant Zephaniah. Napakaliit nga naman ng mundo, bakit ba 'di ko naisip kanin na kapatid pala ni Xav at si Zephaniah ang ikakasal.
Napatango-tango naman ako amazingly at napatingin kay Xav na bigla nalang sumeryoso ang tingin sa'kin. Mystery hid behind that look again, matagal na ding hindi s'ya tumingin sa'kin nang gan'yan, medyo good terms na kasi kami. Dinadalaw na naman siguro.
...
Kanina pa nakaalis sina Tita Zenny dahil may hinahabol na flight, they left such good vibes in our house. Their family pala is Christian at mukhang sakan'ya nga namana ni Ezralynne ang kapormalan at respeto sa sarili, mas napahanga pa tuloy ako.
"You, ihatid mo na si Xav sa gate," nakangiting ani Dad. Napalapit naman si Xav sa pamilya ko, kanina pa nga nagchichikahan kasama sina Tita at ineechos kami ni Xav. Papaulanan na naman ako ng tukso nito as if naman hindi pa'ko nakakapasok sa isang relationship.
Kahit kanina pa kami nag-uusap, hindi naman talaga KAMI nakapag-usap, at ngayon, sinasamahan ko s'ya palabas ng bahay habang dahan-dahang naglalakad.
"Xav, nga pala, hindi na kailangang mag-abala pa para hanapin si Louise, kasi nakita ko na s'ya at nakapag-usap pa kami kanina," anlapad naman ng ngiti ko habang sinasalaysay sakan'ya ang love story ko, charr.
"Tsaka, makikita ko rin naman s'ya ulit sa wedding ng kapatid mo, I cannot waittttt!" nagpipigil lang talaga ako sa pagtili habang hinigpitan ang hawak sa dulo ng sleeve ni Xav.
Pero bigla naman s'yang tumigil sa paglalakad kaya gano'n din ako.
"Happy birthday, guess you already received the gift you've been praying for... pero, may ibibigay din pala ako sa'yo, You." Happy birthday daw? Ta's wala namang kahappy-happy sa tono n'ya.
May kinuha s'ya mula sa bulsa ng shorts at may box na gold nalang sa kamay n'ya after.
Nags naman, rineregaluhan pa pala ako? Matagal na akong hindi nakakatanggap ng regalo mula sa kaibigan. Well, actually, matagal na pala akong walang kaibigan.
Agad namang nagpinta ng isang napakalaking smile ang lips ng ate n'yo.
"Wow ha, may pa gold box gold box ka pa," natatawa ko namang sabi kahit it really means to me. Ano kaya'ng laman?
He handed that small gift to me with a package eye to eye staring game. Oo nga kasi, mga ilang seconds din ata kaming nagtitigan, andu'n na naman ang familiarity. Hmmm, I'm sure I've met Xav before. Kung saan at kailan ay 'di ko lang matandaan.
I waved him good-bye at nang mawala na ang sasakyan n'ya, napangiti ako because it was his shiny green mirage. Binuksan ko na rin ang box na kanina pa'ko kating-kati malaman ang laman. Gosh, hindi naman sana 3rd birthday ko, 30th, tsk, You.
Mixed emotions were circling in my head. Napailing pa ako because I saw something I never expected to see again, a faded blue rubber bracelet na niluma na ng panahon, ang tagal na no'n, but still it remains fresh in my memory, he remains fresh in my memory.
Juan Javier Delgado...
YOU ARE READING
It's You
Teen Fiction(I'm in Love with a Criminal sequel) I may reach the depths of depths Or arrive at the highest of heights In search for the true love of mine ~~but what a fool was I I may end up at edges May even stroll the world for ages In search for the true lov...