"Raniell Dwain Beleazar, tell me the whole story." Normal na tono kong sabi, equilibrium lang. Hindi galit, hindi din naman natutuwang tono.
More than anyone else in our family, ako ang pinakapinakikinggan ni Raniell, (hindi muna baby boy kasi I'm still inis with him). Pa'no naman, noon, in such a young age, inatasan na'ko nina Mom na maging independent, hindi ko nga maintindihan, aanak anak s'ya ulit tapos ako naman pala ang mag-aalaga, eh pa'no si Pau, nakikihati pa sa atensyon ng Yaya namin, mas kailangan kasi s'yang bantayan no'n dahil daig pa si Dora sa pagiging explorer, imagine isang kisap mo lang ng mata nasa kabilang bahay na ang bruha. Kaya nga I hated her so much before, kahit kapatid ko pa rin s'ya kahit papa'no, anak pa rin s'ya ni Mom sa ibang lalaki. Yup, we're not pure siblings, ako pa nga'ng nagmukhang bastarda eh when in fact, ako 'yung naunang anak ni Mom. That was my mindset before, I was stubborn, I hated the idea na hindi ko tunayng tatay ang kasama namin, I didn't want to entertain anybody else para pumasok sa buhay namin ni Mom.
That was when I was still 8 years old, oh 'diba, ang arte ko na no'n pa man. Pero hindi ko kinainisan si Baby Boy unlike Pau before. Kahit pa ilang ulit ko s'yang pinalitan ng diapers, kahit pa ilang ulit n'ya din akong napagkamalang pacifier at kagat-kagatin, kahit ilang ulit n'ya akong dinuraan na parang bib, sakan'ya ko lang natutong ibaba ang pride ko, if there is only one boy who can enslave me in this world, that's my baby boy, my one and only baby boy.
Kaya I can't help but be angry right now, ang mga tiniis ko, it felt stamped on.
"Nu'ng gabing sinundo kita sa paglalakad-lakad mo sa kalsada, I wanted to tell you..." Dahan-dahan n'yang inilingon ang ulo sa'kin.
"...na nalasing kami ng barkada nu'ng birthday ng isang kaibigan k-kasama ang mga bakla, and it has been 2 weeks ." He looked away again.
Napapikit naman ako saglit sa pagpipigil ng sarili. "Then, bakit 'dimo sinabi?" I tried my best to stay calm.
2 weeks?! Pusa, eh nagkikita pa naman kami sa bahay kahit papa'no, kaso nga lang, hindi naman ako gabi-gabi umuuwi, jamming with my assumed 'the ones'.
I somehow felt guilt, meron pala ako no'n? Hindi ko namonitor ang baby boy ko, I was busy finding the missing piece of myself, unaware that I'm losing those who filled the remaining pieces of me na pala.
"I was searching for a good timing, and when I did, bad mood ka naman that time, at bakla pa ang dahilan. I then lost the will to tell you, nahihiya ako, sa'yo at... pati na rin sa sarili ko." Napababa ang tingin n'ya.
I took out a sigh at agad na inakap si baby boy. "Then, pa'no mo nalamang positive ka?"
Kumawala s'ya at nag-explain sa'kin.
"I felt some symptoms of HIV infection, wala namang nakapansin dahil halos walang tao sa bahay araw-araw. Nagkataong may pinsang doktor ang kaibigan ko at para makasigurado, I took a test..."Wala ngang tao sa bahay araw-araw, si Mom and Dad, office, si Pau, may trabaho naman sa radyo kaya nga napakadakdakera, tapos ako, lately, was busy with my very own business in Cebu.
"...and of all passing tests I took, 'yun lang ang test na hindi ko kinatuwa nang malamang positibo nga." He had the saddest tone I've ever heard from him.
"My friend sent me the envelope kaso sumabit kasi si Ate Pau ang nakakuha no'n sa mailbox."
Inakap ko s'ya ulit, guilty na talaga ako. "Sorry, baby boy," at kung kanina fake tears, totoong mga luha na nga talaga ang pinupunasan ko.
Maybe this is a way para ipaabot sa'kin that I have to be a responsible someone again, not in bed things, but for now, a responsible sister muna. Siguro pahinga nalang muna sa isa, hmmm.
...
Thank goodness at maaga naming nakonsulta si Baby Boy sa doctor (na fogi--- argh), he just has to observe proper diet, eat fruits and vegetables, take vitamins, exercise na nasa gym, hindi 'yung katarantaduhang ginawa n'ya kaya't nagka HIV s'ya. Kailangan n'ya rin daw imanage ang stress and get support dahil prone s'ya sa pagiging depressed. Pero s'yempre he has to take his ARV meds.
(Antiretroviral medication can help treat HIV by preventing it from targeting healthy cells. HIV attacks the body's immune system. ... Antiretroviral medications prevent HIV from multiplying, thus protecting the cells that the virus would otherwise target.) -google
But lastly, we should always pray daw sabi ni Doc at napatanong naman ako sa sarili kung bakit kailangang magpray.
...
I'm the one who cooks for baby boy na always, s'yempre kailangan na n'ya maging vegetarian. Ang sarap naman naman din ng mga niluluto ko (mana sa'ken) hih.
Pero patience is a virtue naman kasi, kaya kailangang life goes on. Nakita n'yo 'yung connection? S'yempre hindi, hina naman kasi ng TM, shhh. Strong naman si Baby Boy ko kaya't pinagpatuloy n'ya ang life, siguro naman natuto na s'ya. Hindi pwede ang alcoholic drinks o kahit cigarettes sakan'ya, baka matigok s'ya eh malapit na sanang maging engineer.
Days turned into weeks at pag v-vlog nalang ang pinagkakaabalahan ko. Nakatapos naman ako ng pag-aaral but I just don't like the idea of working for someone, I don't really like the idea of being bossed around, I just want to be the boss.
Speaking of my love life, wala na, feeling ko tatanda na'kong dalaga, but so far, si Louise lang ang pinakaremarkable na guy I've liked in my life, kahit wala man lang kiss o hug na naganap sa'min, at wala man lang naganap sa'min. But I hope to see him again tho, ano naman kaya'ng ieexplain ko sa pag-iwan nalang sakan'ya basta-basta? Atleast naman ako ang nang-iwan this time, hmm.
I've started to read the Bible that was given to me by that man which I thought was a taong grasa.
Ewan ko, hindi ko naman naiintindihan ang ibang mga binabasa ko pero something's just pushing me to read it. I find the stories prodigious, nakarating na'ko sa story ni David at bet ko 'yun, the adulterer king, pinaulit-ulit ko pa ngang basahin 'yun kasi wala akong mahanap sa sarili kong sama ng loob kay David, parang boto pa siguro ako sa ginawa n'ya, char.
Sarili ko lang ang pinakamadalas kong kausap these days kaya nama't hinabaan ko na ang pag-nanarrate sa mga kaganapan sa buhay ko, readers.
Lord, para atang nasa point na'ko ng buhay na hindi na'ko naeexcite, ewan ko ba sa'kin, baka nama't si satanas pa ang naging kumadrona ko nang pinanganak ako, 'coz wala akong nakikitang maski katiting lang na kabutihan sa kaibuturan ng sarili ko.
I feel lost.
YOU ARE READING
It's You
Ficção Adolescente(I'm in Love with a Criminal sequel) I may reach the depths of depths Or arrive at the highest of heights In search for the true love of mine ~~but what a fool was I I may end up at edges May even stroll the world for ages In search for the true lov...