Phobie’s POV
“Lola Dionila? Narinig ko lang yung sigaw mo na manok? Kasi nawawala si Betlog ko, gagamitin ko pa naman iyon mamaya pang sabong.” tanong ni Mang Ben.
Juice colored, ayaw kong makulong!
“I-Ikaw pala, Ben. O-Oo naki...” Hindi natuloy ni Lola dahil nagsalita ako. Balak pa ata akong isumbong ng Lola kong ulyanin.
“Mang Ben! H-Hindi ko po pinatay yung manok mo, hindi ko rin ninakaw. K-Kahit tingnan mo pa sa loob ng kald... ahhh, wag na pala, Mang Ben. Swear hope to die, h-hindi ko po talaga kinatay yung manok mo.” Pinagpawisan na sabi ko saka napapunas ng pawis na kanina pa nagbabagsakan.
“Pasensiya na, iha. Saan kaya si Betlog ko? Mabulunan sana yung nagnakaw kay Betlog. Mahal ko talaga yung manok ko na iyon.” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Mang Ben. Napaubo ako bigla dahil nasamid ako ng sarili kong laway. Nakaramdam tuloy ako ng konsensiya.
“Ben, baka naglayas si Betlog mo. Nabalitaan ko pa naman na may nakitang manok si Mari Pilya.” sabi ni Lola. Thanks, Lola! Super Lola talaga kita.
“S-Sige, Lola, iha, hahanapin ko na lang si Betlog.” sabi ni Mang Ben at nagpaalam na. Sinara ko na lang ang pinto at nagpalakpak ako sa tuwa dahil ligtas ako sa ngayon. I am really sorry, Mang Ben.
“Thank you, Lola! Super Lola talaga kita. Tara kain na tayo.” ngiti ko kay Lola. Nanumbalik ang sigla at mga ngiti ko ngayong kasama ko na ang Lola ko.
“Huwag ka sanang mabulunan, Apo.” tawa ni Lola.
Nagtawanan kami ni Lola bago nagsimulang kumain. Ang sarap ni Betlog ah!
I’m sorry talaga, hindi ko naman sinasadya, Mang Ben.
-
Nanginginig ako sa kaba habang papalapit sa Criminology Department. Andito na naman ako ulit. Balak ko kasing tingnan si Charles... kung okay lang ba siya? Kung kailangan niya ba ako? Kahit ilang araw ko siyang iniiwasan, haharapin ko na siya ngayon. Ilang araw ko na ring hindi nakita ang nakakatakot niyang mukha. Kamusta kaya sila ng pinsan niya daw?
Namimiss ko na si Charles. Gusto ko siyang makausap tulad ng madalas kong gawin noon. Napabuntong-hininga na lang ako habang naglalakad pa rin, palapit nang palapit na ako sa stock room na tambayan niya. Kasama niya kaya ngayon yung pinsan niya daw? Sana hindi na lang, no?
Sa wakas ay nandito na ako sa pintuan. Binuksan ko ito nang marahan. Nilibot ko ang aking paningin sa loob... mga lumang kagamitan ng paaralan at mga librong luma, may mga kumakalat ding papel. Pumasok na ako tuluyan. Nagulat pa ako dahil nakita ko siyang natutulog sa sahig, sa ibabaw ng karton, at libro ang ginamit niyang unan.
Nakatulog talaga siya ng mahimbing sa ganitong higaan? Bakit siya nagtitiyaga dito kung maganda at komportable naman sa condo niya? Ang weird niya.
Napangiti na lang ako at umupo sa tabi niya. Napuyat ba siya nitong mga nakaraang araw? Ang himbing ng tulog niya.
Hinubad ko ang aking bag at nilagay ko sa tabi ko. Kinuha ko doon ang phone kong D-keypad at kinunan ko siya ng litrato. Sayang wala akong touchscreen, puwede sana kaming mag-selfie. Di bale, di ko kailangan ng cellphone.
Ang gwapo niya talaga. Hanggang pangarap ko lang si Charles. Kailan ko kaya maranasan ang mahalin niya? Tuwing kasama ko siya ay mura palagi ang naririnig ko. Ako pa ang minumura niya.
May pag-asa pa kayang magbago siya? Sana maging mabuti siyang pulis balang araw. Sana makita rin niya ang isang ako na nagmamahal sa kaniya. Kung sa mga bituin ako yung natatakpan ng makapal na ulap na hindi niya man lang makita ang kinang ko… ang halaga ko. Sana maranasan ko rin ang love story na pinapangarap ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
That Childish Girl Is My Slave
CintaPhobie is a girl who has a childish attitude. She fell in love with Charles John. She's willing to do everything for Charles' sake, to the point that she agreed to become his slave. Charles John, is afraid to love again. He hated the person he loved...
